30/10/2025
PRESIDENTIAL ASSISTANT FREDERICK GO NILINAW NA SI PANGULONG MARCOS MISMO ANG TUMANGGI SA 0% TARRIF NG AMERIKA
Pinahulaanan ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go ang mga ulat na naiwan umano ang Pilipinas sa kasunduang zero tariff na inalok ng Estados Unidos sa ilang bansang kasapi ng ASEAN tulad ng Malaysia, Cambodia, at Thailand.
Paliwanag ni Go, hindi ito usapin ng pagkakawalang-bahala, kundi isang desisyong pinag-isipan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang maprotektahan ang mga lokal na sektor na posibleng maapektuhan ng pagbaha ng murang produktong imported mula Amerika.
“We are trying to protect several industries in the Philippines, such as rice, corn, sugar, and poultry,” pahayag ni Go, na binigyang-diin ang hangarin ng administrasyon na tiyaking ligtas at matatag ang kabuhayan ng mga Pilipinong nasa agrikultura at maliliit na negosyo.
Samantala, nilinaw ni PCO Usec. Claire Castro na dalawa lamang sa mga bansang miyembro ng ASEAN ang tumanggap ng zero tariff offer ng Amerika, kapalit ng pagbubukas ng kanilang merkado sa mga produktong agrikultural at industriyal ng Estados Unidos isang hakbanging, aniya, pinag-aaralan pa ng Pilipinas.