24/05/2026
Mataas ba ang iyong blood sugar? But you need your coffee sweet and strong in the morning!
Stevia vs Asukal
Ang paglipat mula sa asukal patungo sa Stevia ay madalas nirerekomenda dahil sa epekto nito sa ating metabolismo at timbang. Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit ito itinuturing na mas healthy na alternatibo:
1. Walang Calories at Carbohydrates
Ang asukal ay mayaman sa calories na madalas nauuwi sa pagtaba if you're not going to burn it. Ang Stevia ay isang non-nutritive sweetener, which means, it's calorie-free. Malaki ang tulong nito sa mga gustong magbawas ng timbang nang hindi kailangang iwanan ang matatamis na pagkain.
2. Blood Sugar at Insulin Management
Hindi tulad ng asukal, ang Stevia ay may Zero Glycemic Index.
Asukal: Nagdudulot ng "spike" o biglang pagtaas ng blood sugar, na delikado sa mga may diabetes.
Stevia: Hindi nito itinataas ang asukal sa dugo, kaya safe ito para sa mga diabetic o sa mga gustong iwasan ang insulin resistance.
3. Kalusugan ng Ngipin
Ang asukal ang pangunahing pagkain ng mga bacteria sa bibig na nagiging sanhi ng cavities at pagkasira ng ngipin. Ang Stevia ay hindi "fermentable," kaya hindi ito nagiging sanhi ng pagkabulok ng ngipin.
4. Natural na Pinagmulan
Habang ang ibang artificial sweeteners (gaya ng aspartame o saccharin) ay gawa sa laboratoryo, ang Stevia ay galing sa dahon ng halamang Stevia rebaudiana. Dahil dito, mas panatag ang marami na gamitin ito bilang "plant-based" option.
Tandaan:
Bagama’t mas healthy ang Stevia, mahalaga pa ring basahin ang label. Maraming nabibiling Stevia sa market ang may halong fillers gaya ng dextrose o maltodextrin na maaari pa ring makaapekto sa blood sugar. Pinakamainam pa rin ang pure na Stevia extract o dahon.
Buy Glorious SWEET & FIT STEVIA (30s) — Organic Sweetener, Sugar-Free, Non-Acidic, Diabetic-Friendly online today! 🍃 Naturally Sweet. Guilt-Free Goodness. Say goodbye to sugar and hello to a cleaner way to sweeten your drinks and recipes with Glorious Blend Sweet & Fit Stevia! 🌟 Key Benefits...