
09/07/2025
May karapatan bang magselos ang ka-live in partner lang?
Oo, may karapatan kang magselos, kahit wala kayong papel (marriage certificate)
Dahil hindi papel ang sukatan ng commitment, kundi kung paano kayo nagtitiwala, nagmamahalan, at nirerespeto ang isa’t isa sa araw-araw.
Pero tandaan:
✅ Normal ang pagseselos kapag mahal mo ang isang tao, kahit hindi pa kayo kasal.
✅ Pero hindi dapat abusuhin ang pagseselos para kontrolin ang partner mo.
✅ Ang pagseselos ay nararamdaman, pero hindi laging tama ang paraan kung paano ito ipinapakita.
✅ Walang papel man o meron, responsibilidad ng parehong partner ang katapatan, respeto, at komunikasyon
Hindi mo kailangan ng kasal para may karapatang magtanong kung may mali, pero kailangan mo rin matutunang paghawakan ang tiwala at respeto sa relasyon.
✅ Walang magseselos kung walang nagbibigay ng motibo para magselos.
✅Kung walang ginagawa ang partner mo na kahina-hinala,walang mangyayaring selosan.
✅Kung ayaw mong pagselosan ka, matutong rumespeto