Radyo Pilipino

  • Home
  • Radyo Pilipino

Radyo Pilipino This is the Official Page of Radyo Pilipino. Kabahagi mo, Radyo Pilipino!

We are about serving and delighting you through genuine, relevant, excellent, accessible and thoughtful programs significant to nation building.

JUST IN: Itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers bilang kaniyang t...
10/09/2025

JUST IN: Itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers bilang kaniyang tagapagsalita. |

ROMUALDEZ, HINDI MAGRERESIGNBREAKING NEWS: Walang planong magbitiw sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez, ayon sa...
10/09/2025

ROMUALDEZ, HINDI MAGRERESIGN

BREAKING NEWS: Walang planong magbitiw sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers.

Dagdag pa ni Barbers, wala ring nakikitang plano para sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Lumutang ang mga espekulasyon na patatalsikin si Romualdez matapos maiugnay ang kaniyang pangalan sa umano’y maanomalyang flood control projects. |

JUST IN: Tumanggi si Senate President Tito Sotto na lagdaan ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta na mapasailalim sa Witn...
10/09/2025

JUST IN: Tumanggi si Senate President Tito Sotto na lagdaan ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta na mapasailalim sa Witness Protection Program ang mag-asawang Discaya.

Hiniling ni Marcoleta kay DOJ Secretary Boying Remulla na isama ang mag-asawa sa programa matapos nilang idawit ang ilang mambabatas sa umano’y iregularidad sa proyekto ng flood control. |

ABISO: Naglabas ng abiso ang   na bawal muna ang mall-wide sales sa mga piling mall na malapit sa Smart Araneta Coliseum...
10/09/2025

ABISO: Naglabas ng abiso ang na bawal muna ang mall-wide sales sa mga piling mall na malapit sa Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena sa mga araw ng Men’s World Championship.

Layunin nitong maiwasan ang mabigat na trapiko at dagsa ng tao malapit sa mga venue.

Ang mga apektadong lugar ay ang:

- Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena mula Setyembre 12 hanggang 14
- SM Mall of Asia Arena lamang sa Setyembre 20–21 at Setyembre 27–28

📷 MMDA / Facebook

“I BELIEVE THAT IF ANYONE SHOULD BE INVESTIGATED, THE FIRST PERSON TO BE INVESTIGATED IS HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ”...
10/09/2025

“I BELIEVE THAT IF ANYONE SHOULD BE INVESTIGATED, THE FIRST PERSON TO BE INVESTIGATED IS HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ”

Inanunsyo si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang kanyang pagbibitiw sa National Unity Party (NUP) at bilang Assistant Majority Leader ng Kamara, kasunod ng umano’y paninira mula sa ilang kapwa miyembro ng partido.

Ayon kay Barzaga, kumalat ang balitang nag-iipon siya ng pirma para patalsikin si House Speaker Martin Romualdez, na mariing niyang itinanggi.

Binigyang-diin niya na kung may nararapat na imbestigahan, dapat unang tutukan si Speaker Romualdez. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

10/09/2025

PANOORIN | Ayon kay Prof. Edmund Tayao, isang kilalang political analyst, hindi na nakakagulat ang mga kaganapan sa Senado kaugnay ng isyu sa flood control projects ng .

Sa panayam ng Pulsong Pinoy, binigyang-diin niya na bagamat may epekto ang opinyon ng publiko sa mga isyung ito, pinabulaanan niya ang mga spekulasyon na ito ay isang 'scripted' na palabas o taktika lamang mula sa Malacañang.

Aniya, mahirap impluwensyahan ang mga Senador.

Gayunpaman, naniniwala si Tayao na mahalaga pa rin sa Senado ang tinig ng taumbayan. |

Para sa iba pang balita, i-like at i-follow ang aming official accounts!

'HINDI 'YAN GAWAIN NG SENADO NA MAG-IMPLUWENSYA NG RESOURCE PERSON'Kinuwestiyon ni Sen. Bato dela Rosa ang desisyon na i...
10/09/2025

'HINDI 'YAN GAWAIN NG SENADO NA MAG-IMPLUWENSYA NG RESOURCE PERSON'

Kinuwestiyon ni Sen. Bato dela Rosa ang desisyon na ilipat si dating DPWH engineer Brice Hernandez mula sa Senado patungong PNP custodial facility, kasunod ng kanyang pag-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig.

Ayon kay dela Rosa, hindi puwede sundin ng Senado ang kagustuhan na ilipat si Hernandez.

"The reason why the Speaker requested for Brice Hernandez to be detained not in the Senate because for fear of being influenced by any member of the Senate... Sila ay takot sa kanilang ginagawa mismo. Hindi 'yan gawain ng Senado na mag-impluwensya ng resource person... Gawain nila 'yan sa House of Representatives," ani ng senador. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

LOGO NG MASSKARA 2025, SUMASALAMIN SA PUSO NG BACOLOD 🎭  Ipinakilala ang opisyal na logo ng   na may temang 'Mass-Kasing...
10/09/2025

LOGO NG MASSKARA 2025, SUMASALAMIN SA PUSO NG BACOLOD 🎭

Ipinakilala ang opisyal na logo ng na may temang 'Mass-Kasingkasing', na likha ng artist na si Romaine Salmingo. Tampok dito ang iconic na ngiting maskara, na pinagsama sa mga simbolo ng lungsod gaya ng tubo, ang San Sebastian Cathedral, at ang unang MassKara logo.

Ang mga kulay na kahel, berde, bughaw at ginto ay kumakatawan sa lakas, pag-asa, tagumpay, at inobasyon. Ayon sa festival committee, ang logo ay hindi lang disenyo kundi salamin ng pagkatao ng : masayahin, matatag, at may pusong sama-samang lumalaban. |

📷: MassKara 2025/Facebook

'I AM AN EASY TARGET' Ipinahayag ni Senador   nitong Martes na magsasampa siya ng kaso kay dating Bulacan assistant dist...
10/09/2025

'I AM AN EASY TARGET'

Ipinahayag ni Senador nitong Martes na magsasampa siya ng kaso kay dating Bulacan assistant district engineer Brice Ericson Hernandez, matapos siyang idawit sa umano’y mga kuwestiyonableng proyekto sa imprastruktura.

Mariing itinanggi ni Estrada ang mga paratang at tinawag ang mga ito na “kathang-isip at gawa-gawa.”

“Sasampahan ko siya ng kaso,” saad Estrada sa isang press conference.

Sa parehong press conference, muling hamon ni Estrada ang pagsailalim nila ni Hernandez sa lie-detector test, upang aniya'y matukoy kung sino sa kanilang dalawa ang nagsisinungaling.

“I really do not know what his evil intentions are, siguro he wants to get even with me because I’m the one who cited him in contempt at pinakulong sa Senado,” dagdag pa ni Estrada.

Giit pa ng Senador, nakahanda siyang personal na harapin si Hernandez sakaling humarap ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa mga proyektong flood control. | via Anne Go

'KULITANG INA'TINGNAN | Kinagiliwan online ang ibinahaging mga larawan ng komedyante at aktres na si   kasama ang kapwa ...
10/09/2025

'KULITANG INA'

TINGNAN | Kinagiliwan online ang ibinahaging mga larawan ng komedyante at aktres na si kasama ang kapwa komedyanteng si . na nag-ala Sarah Discaya.

“Kulitang ina with my favorite Dismaya!!!” ani Chariz sa kanyang Instagram post.

Hirit ng naman ng ilang netizens "Pinaka easy impersonation ni Idol Michael V. iba ka talaga walang kupas" at "hulmang hulma talaga." |

Courtesy: chariz_solomon/Instagram

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DOF: WALANG ₱28-B ODA LOAN MULA SA SOUTH KOREANilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat na may ...
10/09/2025

DOF: WALANG ₱28-B ODA LOAN MULA SA SOUTH KOREA

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat na may umiiral na ₱28-bilyong Official Development Assistance (ODA) loan mula sa South Korea para sa Philippine bridges project. Ito ay kasunod ng pahayag ni South Korean President Lee Jae-myung noong Martes na pinahinto niya ang nasabing proyektong nagkakahalaga ng 700 bilyong won (mga ₱28 bilyon) dahil sa banta ng katiwalian.

Ngunit mariing iginiit ng DOF na “categorically clarifies that no such loan exists,” at hindi nagkaroon ng anumang financing agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea ukol dito.

Dagdag pa ng ahensya, patuloy silang naninindigan sa transparency at accountability bilang tugon sa tiwala ng kanilang bilateral partners. |

Courtesy: DOF

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

MABUHAY! WELCOME TO PHILIPPINES! 🇵🇭TINGNAN | Nakalapag na ng bansa ang tinaguriang powerhouse teams na USA at Japan bila...
10/09/2025

MABUHAY! WELCOME TO PHILIPPINES! 🇵🇭

TINGNAN | Nakalapag na ng bansa ang tinaguriang powerhouse teams na USA at Japan bilang paghahanda sa nalalapit na FIVB Men’s World Championship 2025 na sisimulan sa Setyembre 12.

Nauna na ring dumating sa bansa ang reigning champions na Italy upang depensahan ang kanilang korona. |

Courtesy: FIVB, PNVF

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipino:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share