DYRM Radyo Pilipino Dumaguete

  • Home
  • DYRM Radyo Pilipino Dumaguete

DYRM Radyo Pilipino Dumaguete This is the Official Page of DYRM Radyo Pilipino Dumaguete.

We believe that we are an inspiration of positive values and mindset that can change and improve lives.

23/08/2025

With Special Guest:
PRIYANKA SAHU
DIRECTOR - ZEP RESEARCH (OPC) Pvt. Ltd.

MATIPID AT MAS MAHUSAY NA PANGONTRA SA SIPON SA HALIP NA INOM NANG INOM NG GAMOT, IPINAYO NG MGA EKSPERTO.

AND TECHNOLOGY

ANO ANG SISTEMANG IPINATUPAD SA SWEDEN NA NAGPABABA NANG HUSTO SA KA*O NG MGA MOTORISTA NA SANGKOT SA “SPEEDING?” ANONG TULAY ANG GUMAMIT NG KABLE NA ANG HABA AY KAYANG IKUTIN NG TATLONG BESES ANG BUONG MUNDO SA PARTENG EQUATOR?



PAANONG NAKAKATULONG SA TAO LALO SA MGA DEPRESSED ANG TINATAWAG NA “BATMAN EFFECT?” BAKIT TOTOONG NAKAKATAKOT KAPAG CHEETAH ANG PREDATOR NA HAHABOL SA TAO?

TO REMEMBER

TIPS KUNG ANONG MGA KLASE NG KAISIPAN ANG SUMISIRA SA KALIGAYAHAN AT KAPANATAGAN SA BUHAY NG ISANG TAO



SINO ANG NAKAIMBENTO NG “BABY CAGE” AT PAANO ITO GINAGAMIT NOON? BAKIT TAKOT LAPITAN NG MGA TAO ANG LIBINGAN NI WILLIAM SHAKESPEARE KAHIT SIYA’Y MATAGAL NANG WALA?

TITSER

GABAY SA TEACHER NA MARAMING KARANGALAN ANG DULOT PARA SA PAARALAN SUBALIT MUKHANG HIGH BLOOD SA KANYA SI PRINCIPAL SA KABILA NG LAHAT.

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

22/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Binanatan ni Mayor Vico Sotto ang muling pag-viral ng mga vlog interview sa dati niyang kalaban sa politika na si Sarah Discaya, na umano’y tila ginamit para magmukhang lifestyle content at hindi lehitimong pamamahayag

With Special Guest:
Prof. Danilo "Danny" Arao
Convenor, Kontra Daya

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


22/08/2025

RAINY FRIDAY, MGA KABAHAGI!

Magiging maulan ngayong Biyernes! Hanggang kailang nga ba kaya ito?

Samahan si Mhet Sanding Miñon ngayong sa Serbisyo Todo Todo!

21/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Nag-utos ang Commission on Audit ng fraud audit para sa flood control projects sa Bulacan.
Ayon sa ulat, ₱44 bilyong halaga ng mga flood control projects ay mula sa Bulacan

With Special Guest:
Prof. Maria Fe Mendoza
Professor, National College of Public Administration and Governance (NCPAG), University of the Philippines, Diliman

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


21/08/2025

Overcharging at Refund Policies: Ano nga ba ang legal remedies kapag sobra ang singil ng taxi/TNVS?

With Special Guest:
Atty. Ariel Inton
Founder and President, Lawyers for Commuter Safety and Protection

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



21/08/2025

Overcharging at Refund Policies: Ano nga ba ang legal remedies kapag sobra ang singil ng taxi/TNVS?

With Special Guest:
Atty. Ariel Inton
Founder and President, Lawyers for Commuter Safety and Protection

Legal na usapin, legal na solusyon!

Kung may tanong ka sa batas, sagot ka namin tuwing Martes!

Legal Tuesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon — serbisyo’t kaalaman, diretso sa punto!



'IF WE FILIPINOS CANNOT FIGHT FOR OUR FREEDOM, WE DO NOT DESERVE IT'Ngayong Agosto 21, 2025, ginugunita ang ika-42 anibe...
21/08/2025

'IF WE FILIPINOS CANNOT FIGHT FOR OUR FREEDOM, WE DO NOT DESERVE IT'

Ngayong Agosto 21, 2025, ginugunita ang ika-42 anibersaryo ng pagpaslang kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang mahalagang yugto sa kasaysayan na nagbigay-sigla sa muling pagsibol ng demokrasya sa bansa.

Itinatag sa bisa ng Republic Act No. 9256, ang Ninoy Aquino Day ay isang special national holiday upang alalahanin ang kanyang sakripisyo at inspirasyon para sa kalayaan at katarungan ng sambayanang Pilipino. |

ONLINE GAMBLING TRANSACTIONS BAGSAK NG 50% MATAPOS IPINAGBAWAL ANG E-WALLET INTEGRATION Inihayag ng Philippine Amusement...
20/08/2025

ONLINE GAMBLING TRANSACTIONS BAGSAK NG 50% MATAPOS IPINAGBAWAL ANG E-WALLET INTEGRATION

Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bumagsak ng 50% ang online gambling transactions mula nang ipagbawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang integrasyon ng e-wallets sa online gaming platforms.

Ayon kay PAGCOR Chairman Al Tengco, ang pagbabawal ay nagresulta sa malaking pagbaba ng transaksyon simula pa noong Linggo, kasabay ng direktiba ng BSP na alisin ng mga e-wallet service providers tulad ng GCash at Maya ang mga icon at link patungo sa mga naturang platform.

Bagama’t ikinatuwa ni Tengco ang mahigpit na regulasyon ng BSP, binigyang-diin din niya na nananatiling hamon ang pagpigil sa paglaganap ng ilegal na online gambling, kung saan tinatayang higit 60% ng operasyon ay hindi lisensyado at nakabase sa labas ng bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ng PAGCOR na patuloy silang makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang sugpuin ang ilegal na sugal online at palakasin ang regulasyon sa mga lisensyadong operator. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

BIR, MAKIKIPAGTULUNGAN SA IMBESTIGASYON NG GHOST PROJECTS Inihayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Rome...
20/08/2025

BIR, MAKIKIPAGTULUNGAN SA IMBESTIGASYON NG GHOST PROJECTS

Inihayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ngayong Miyerkules na makikilahok na ang ahensya sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.

Ayon kay Lumagui, sisiyasatin ng BIR ang kalagayan ng mga proyekto at ang tax compliance ng mga kontratista upang matiyak kung talagang naisagawa ang mga ito at kung may kaukulang pagbabayad ng buwis. Ipinaliwanag ng opisyal na para sa BIR, ang tinatawag na ghost project ay isang proyektong hindi naisagawa kahit nabayaran na, na nangangahulugang walang aktuwal na ginastos para rito.

Dagdag niya, makikipag-ugnayan din ang BIR sa iba pang ahensya kabilang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at hihingi ng mga kaukulang ulat at dokumento.

Ito ay kasunod ng imbestigasyong sinimulan ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan inamin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na kasalukuyan nilang bineberipika ang mga ulat ng ghost projects sa Bulacan na nagkakahalaga ng P5.9 bilyon.

Matatandaan na sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananagutin ang mga sangkot sa anomalya, matapos ibunyag na 20 porsyento ng kabuuang P545 bilyong pondo para sa flood control projects ay napunta lamang sa 15 kontratista.|

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

20/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Access ng mga Senior Citizen sa mga benepisyo ng pamahaalan, mas pinadali na!

With Special Guest:
Cong. Rodolfo "Ompong" Ordanes
Representative, Senior Citizen Party-List

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


20/08/2025

Hormone-Related Cancers: Ano ang dapat nating malaman?

With Special Guests:
Dr. Necy Juat
Medical Oncologist, Philippine Society of Medical Oncology

Wellness Wednesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



19/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Bago matapos ang Agosto, ilalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang resolusyon kaugnay ng hiling na pisong dagdag pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

With Special Guest:
Mr. Lando Marquez
President, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP)

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


KOOLOG, KID LAT, HATAW!🕺🏻🏐Kilalanin ang opisyal na mascots ng  , na gaganapin dito mismo sa Pilipinas. |   📸: FIVB
15/08/2025

KOOLOG, KID LAT, HATAW!🕺🏻🏐

Kilalanin ang opisyal na mascots ng , na gaganapin dito mismo sa Pilipinas. |

📸: FIVB

RANDOM DRUG TESTING SA MGA EMPLEYADO NG SENADO, PANAWAGAN NI SOTTONanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sot...
15/08/2025

RANDOM DRUG TESTING SA MGA EMPLEYADO NG SENADO, PANAWAGAN NI SOTTO

Nanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III nitong Biyernes na ibalik ang pagpapatupad ng random drug testing para sa lahat ng empleyado ng Senado kasunod ng ulat na isang staff ni Senador Robin Padilla ang umano’y gumamit ng ma*****na sa loob ng gusali.

Ayon kay Sotto, na dating nagsagawa ng ganitong patakaran bilang Senate President noong 18th Congress, layon nitong matiyak na walang ilegal na droga sa mga empleyado at mambabatas.

Lumabas sa ulat ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na si Nadia Montenegro, public officer affairs ni Padilla, ang tanging tao na nakita sa lugar nang madetect ang amoy ng ma*****na sa ladies’ restroom sa ika-limang palapag ng Senado.

Mariin namang itinanggi ni Montenegro ang paratang at iginiit na v**e lamang ang dala niya.

Sa kasalukuyan, binibigyan siya ng limang araw para magsumite ng paliwanag habang naka-leave at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado at kampo ni Padilla. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

MGA SALITANG FILIPINO NA WALANG DIREKTANG KATUMBAS SA INGLESMay mga salitang Filipino na hindi kayang isalin nang eksakt...
15/08/2025

MGA SALITANG FILIPINO NA WALANG DIREKTANG KATUMBAS SA INGLES

May mga salitang Filipino na hindi kayang isalin nang eksakto sa Ingles, mga salitang puno ng damdamin, kasaysayan, at kultura.
Ngayong Buwan ng Wika, alalahanin natin na ang bawat salita ay pamana, at ang bawat pamanang ito ay sa atin. 🇵🇭

Kaya naman alamin natin ang ilan sa mga salitang walang direktang katumbas sa Ingles. |

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na bugso ng hangin sa mga...
15/08/2025

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na bugso ng hangin sa mga susunod na dalawang oras sa mga sumusunod na lugar: Bataan, Batangas, Metro Manila, at Cavite

Ito ay ayon sa pinakahuling weather advisory ng na inilabas dakong 4:37 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 15, 2025. |

LALAKING LASING, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGATPatay na nang matagpuan ang isang lalaki sa baybayin ng Barangay Was...
15/08/2025

LALAKING LASING, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGAT

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa baybayin ng Barangay Washington, Surigao City ngayong Agosto 15.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nakita umano ang biktima noong Agosto 14 na lasing at naglalaro ng boloy-boloy, isang larong tubig. Pinaniniwalaang nahulog ito sa dagat at nalunod.

Kasalukuyan nang isinasagawa ng mga awtoridad ang post-mortem examination upang matukoy ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay. |

📸: SCPS

DIGITAL NATIONAL SENIOR CITIZENS ID, INILUNSAD SA PAMAMAGITAN NG eGovPH SUPER APPTINGNAN | Inilunsad ng National Commiss...
15/08/2025

DIGITAL NATIONAL SENIOR CITIZENS ID, INILUNSAD SA PAMAMAGITAN NG eGovPH SUPER APP

TINGNAN | Inilunsad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang digital National Senior Citizens ID (NSCID) sa pamamagitan ng eGovPH Super App sa Manila Hotel nitong Biyernes, Agosto 15, 2025.

Layunin ng digital NSCID na gawing mas madali para sa mga nakatatandang Pilipino ang pag-access sa kanilang mga karapatan at benepisyo, kabilang ang diskuwento, serbisyong pangkalusugan, at pribilehiyo sa transportasyon at retail. |

Courtesy: Yancy Lim/PNA

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

PETISYON LABAN SA PAGPAPALIBAN NG BSKE, INIHAIN NI MACALINTAL SA KORTE SUPREMANaghain si election lawyer Atty. Romulo Ma...
15/08/2025

PETISYON LABAN SA PAGPAPALIBAN NG BSKE, INIHAIN NI MACALINTAL SA KORTE SUPREMA

Naghain si election lawyer Atty. Romulo Macalintal ng petisyon sa Korte Suprema upang ideklarang labag sa Konstitusyon ang batas na nagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Disyembre.

Iginiit ni Macalintal na taliwas ito sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 2023, na nagbabawal sa pagpapaliban ng halalan nang walang sapat na dahilan.

Aniya, ang hakbang na ito ay bunga lamang ng mga pangakong politikal ng ilang mambabatas sa kanilang mga kaalyadong opisyal sa barangay at SK na tumulong sa kanilang panalo noong nakaraang halalan.

Humiling din siya ng temporary restraining order habang dinidinig ang ka*o.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na makabubuti ang naturang petisyon upang agad na malinawan ang magiging takbo ng BSKE. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DEVELOPING STORY: TRUCK, DALAWANG SUV, SEDAN, AT MOTORSIKLO, NAGKARAMBOLA SA NAGTAHAN MABINI BRIDGEPatuloy ang isinasaga...
15/08/2025

DEVELOPING STORY: TRUCK, DALAWANG SUV, SEDAN, AT MOTORSIKLO, NAGKARAMBOLA SA NAGTAHAN MABINI BRIDGE

Patuloy ang isinasagawang pagresponde ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isang truck na may kargang tangke ng langis, dalawang SUV, isang sedan, at isang motorsiklo sa Nagtahan–Mabini Bridge, August 15, 2025.

Batay sa inisyal na ulat, tatlong katao ang napaulat na nasugatan at kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas.

Makikita ang wasak na harapang bahagi ng truck na nakasadsad sa gilid ng tulay habang patuloy ang clearing operations sa lugar ng insidente. |

Courtesy: Manila DRRM Office

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

GCASH AT MAYA, TATANGGALIN ANG LINKS SA ONLINE GAMBLING PLATFORMS SA LOOB NG APPSInihayag ng e-wallet na GCash at Maya n...
15/08/2025

GCASH AT MAYA, TATANGGALIN ANG LINKS SA ONLINE GAMBLING PLATFORMS SA LOOB NG APPS

Inihayag ng e-wallet na GCash at Maya na simula alas-8 ng gabi sa Sabado, Agosto 16, ay tatanggalin na nila ang lahat ng link patungo sa mga online gambling platform mula sa kanilang mobile applications, bilang pagtupad sa direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pinapayuhan ang mga user na i-withdraw na ang kanilang pondo pabalik sa e-wallet bago ang itinakdang oras.

Pagkatapos nito, ang pag-withdraw patungong GCash o Maya wallet ay maaari na lamang isagawa sa mismong website o application ng kaukulang online gambling platform. |

Courtesy: GCash, Maya (Screenshots)

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DEBRIS NG ROCKET NA MAY WATAWAT NG CHINA, NATAGPUAN SA OCCIDENTAL MINDOROTINGNAN | Narekober ng Philippine Coast Guard a...
15/08/2025

DEBRIS NG ROCKET NA MAY WATAWAT NG CHINA, NATAGPUAN SA OCCIDENTAL MINDORO

TINGNAN | Narekober ng Philippine Coast Guard ang tinatayang 10 talampakan ang lapad at 14 na talampakang haba na rocket debris na gawa sa alloy material sa baybayin ng Sitio Gunting, Barangay Bonbon, Looc, Occidental Mindoro noong Agosto 14.

Mayroon itong nakapintang watawat ng China at pinaniniwalaang may kaugnayan sa Long March 7A rocket launch ng China na isinagawa mula Hulyo 15 hanggang 17. |

Courtesy: PCG

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

15/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Tinanggihan ng Malacañang ang alok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pangunahan ang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa mga proyekto sa pagpigil ng baha, sa pagsasabing hindi na kailangan magtalaga ng pangunahing imbestigador

With Special Guest:
Mayor Benjie Magalong
Mayor, Baguio City

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


8 A*O, PATAY SA SUNOG SA PAUPAHANG BAHAY SA NUEVA VIZCAYAWalong alagang a*o, kabilang ang isang inang shih-tzu at ang pi...
15/08/2025

8 A*O, PATAY SA SUNOG SA PAUPAHANG BAHAY SA NUEVA VIZCAYA

Walong alagang a*o, kabilang ang isang inang shih-tzu at ang pitong anak nito, ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang inuupahang bahay sa Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Agosto 14, 2025.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa isang electric fan na nakatutok sa a*o at posibleng nag-overheat bago pumutok ang mga bombilya, na mabilis kumalat dahil sa kahoy na pader.

Sinubukan umano ng may-ari na iligtas ang mga alaga ngunit bumalik ang inang a*o sa kanyang mga anak na tuta, dahilan upang lahat sila ay masawi.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad na iwasang patagalin ang paggamit ng electric fan upang maiwasan ang ganitong trahedya. |

Courtesy: BFP Bagabag and PNP Bagabag

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Address

SL Teves Subdivision, Brgy. Calindagan
Dumaguete City
6200

Opening Hours

Monday 05:00 - 17:30
Tuesday 05:00 - 17:30
Wednesday 05:00 - 17:30
Thursday 05:00 - 17:30
Friday 05:00 - 17:30
Saturday 05:00 - 22:00
Sunday 05:00 - 22:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DYRM Radyo Pilipino Dumaguete posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DYRM Radyo Pilipino Dumaguete:

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share