20/05/2025
Happy Sacerdotal Anniversary kuya☝️❤️
To Rev. Fr. Joseph Fidel Roura,
Sa inyong ika-19 na anibersaryo ng pagiging lingkod ng Diyos, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon at pagmamalasakit. Ang inyong mga homiliya na ibinabahagi online ay naging ilaw para sa maraming nawalan ng pag-asa, gabay para sa mga naguguluhan, at sandalan ng mga dumaraan sa madilim na yugto ng kanilang buhay.
Maraming salamat po sa inyong inspirasyon, lalo na sa pagtulong sa mga taong nakakaranas ng depresyon at kawalan ng pananampalataya. Ang inyong mga mensahe ay naging pintuan ng bagong pag-asa at pananampalataya.
Dasal namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at bigyan ng mas mahabang panahon upang maging instrumento ng Kanyang pagmamahal sa mundo. Kami po ay laging kasama ninyo sa panalangin.
Mabuhay po kayo at ang inyong misyon bilang lingkod ng Diyos!