10/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, nagsagawa ang VSU Laboratory High School ng isang programa noong Agosto 10, 2026, ganap na 7:30 ng umaga sa VSU Lower Amphitheater. Isinagawa ito sa ilalim ng temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Isinabay ang programa sa seremonya ng flag ceremony, kung saan hinikayat ng Filipino Club ang mga mag-aaral at g**o na magsuot ng tradisyonal na kasuotang Filipino bilang pakikiisa sa pagdiriwang.
Sinimulan ang programa ng mga tagapagsalita na sina Matt Andrei Jahn S. Laurente, Pangulo ng Filipino Club, at Jhubet Jan P. Sopa, Pangalawang Pangulo ng Filipino Club. Sila ang bumati at nagbigay-panimula sa programa, na sinundan ng pambungad na mensahe ni Sir Nicko M. Apostol, Assistant Club Adviser.
โHabang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring pinatahak ng wikang Pilipino ang landas ng intelektwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa,โ pahayag niya.
Matapos ang pambungad na mensahe, ipinakilala ng Filipino Club ang dalawang patimpalak para sa pagdiriwangโang โPagpapahayag ng Damdaminโ at โTambalang Awit.โ
Nagtapos ang programa sa pangwakas na mensahe ng mga tagapagsalita, na sinundan ng pag-awit ng VSU Hymn.
---
via Ryan Calimpon | The Tiller