Agcaoili sheryll

  • Home
  • Agcaoili sheryll

Agcaoili sheryll Nothing gonna change my love for you��
(1)

Pag mas mahal ka ng lalaki, panalo kana🥰
22/08/2025

Pag mas mahal ka ng lalaki, panalo kana🥰

22/08/2025

Ang pagpapakumbaba ay Hindi sign na Ikaw ay talo
Patunay lang na Ikaw ay mabuting tao

KUNG LOLOKOHIN KA MAN NG ASAWA/PARTNER MO,choice niya yun. Yan yung mga bagay na hindi natin mapipigilan or mababantayan...
22/08/2025

KUNG LOLOKOHIN KA MAN NG ASAWA/PARTNER MO,

choice niya yun. Yan yung mga bagay na hindi natin mapipigilan or mababantayan ng 24/7

It's beyond our control. After all, kung maländi talaga yan, tulog o gising ka man, he or she will find a way to flirt with someone.Hahanap talaga iyan ng paraan para sa kaløkühan niya.

Yung pagiging kuntento kasi ng isang tao, hindi kasi tinuturo yun kundi isa dapat yun sa mga bagay na meron ka kapag nagmahal ka.

Nasa ugali iyan ng tao at hindi mo na dapat e remind na maging kuntento dahil ang taong hindi makuntento kahit ibigay mo pa lahat. kahit ubusin mo pa ang lahat ng meron ka para sa kanya, hindi ka parin magiging sapat.

So stop being so paranoid about everything kasi kung lolokohin ka, lolokohin ka talaga.

CTTO.

Ganito din ba yung sulat na nagpakilig sayo.. 😁 high school days.
22/08/2025

Ganito din ba yung sulat na nagpakilig sayo.. 😁 high school days.

‘YUNG NASUMBATAN KA NG ASAWA MO PERO WALA KANG MAGAWA DAHIL ISA KA LANG HAMAK NA HOUSEWIFE. WALANG SARILING PERA AT ASA ...
22/08/2025

‘YUNG NASUMBATAN KA NG ASAWA MO PERO WALA KANG MAGAWA DAHIL ISA KA LANG HAMAK NA HOUSEWIFE. WALANG SARILING PERA AT ASA LANG DAW SA KANYA.’

Hindi nakikita ng iba na yung pagiging housewife, trabaho din ‘yan. Walang sweldo pero 24/7 kang naka-duty sa bahay, sa mga bata, at sa asawa. Kung wala ka, sino mag-aasikaso ng lahat?

Masakit kapag yung effort mo hindi napapansin. Akala ng iba, kasi hindi ka kumikita, wala ka nang ambag. Pero hindi nila alam, kung wala kang sakripisyo, hindi rin magiging maayos ang pamilya.

Minsan gusto mo ring magkaroon ng sariling pera para hindi ka masumbatan. Pero dahil inuuna mo ang anak at pamilya, naiisantabi mo ang sarili mong pangarap. Sakripisyo na tahimik pero mabigat.

Kaya huwag mong iisipin na wala kang halaga. Hindi man pera ang hawak mo, hawak mo naman ang buong pamilya para manatiling buo at maayos. Hindi lahat ng yaman nasusukat sa sahod, minsan nasa pagmamahal at alaga.

Sa mga nakaka-relate, tandaan n’yo na hindi kayo nag-iisa. Ang bawat housewife may kwento ng pagtitiis at pagmamahal. At kahit anong sabihin ng iba, malaking ambag ang ginagawa n’yo sa buhay ng pamilya

Kapag nagparamdam Sayo si ex ibig Sabihin palpak Yung ipinalit Sayo 😊☺️
21/08/2025

Kapag nagparamdam Sayo si ex ibig Sabihin palpak Yung ipinalit Sayo 😊☺️

🤭😂🤣
20/08/2025

🤭😂🤣

20/08/2025

What's a movie that's broke your heart?

When Anne Curtis said👇Dapat be mindful of your jokes. People are not laughing stuff. You should be thankful you are luck...
20/08/2025

When Anne Curtis said👇Dapat be mindful of your jokes. People are not laughing stuff. You should be thankful you are lucky to have a good career but that is not an excuse to make fun of others feelings or situation🤨

‼️For Awareness‼️‼️HULI NA, MAHINA NA BAGA KO.😭😢August 2022 - Nagsimula itong sakit ko na to. Nanghihina, bumibigat yung...
20/08/2025

‼️For Awareness‼️
‼️HULI NA, MAHINA NA BAGA KO.😭😢

August 2022 - Nagsimula itong sakit ko na to. Nanghihina, bumibigat yung dibdib ko. Dumudura na din ako ng plema na hindi normal kase laging may laman ung ubo ko. Nagpabaya ako. Sige lang trabaho lang. Mekaniko trabaho ko. Dahil malakas ako kumita, hindi ko na pinansin itong nararamdaman ko. Mahalaga eh may perang napasok sa bank account ko.

December 2022 - Yung dura ko may kasama ng dugo. Konti pa lang. Parang toothpaste ng c|osê-up red. Magkahalong plema at dugo. Dahil holiday, skip muna yung check up. Next year na lang.

January 2023 - Nagpacheck up na agad ako sa Alabang Med. Nadiagnosed ako ng Tuberculosis o TB kung tawagin. Kumpleto naman ung reseta. Kaso pasaway ako eh. Nasa isip ko pa din kumita ng pera.

Habang lumilipas ang mga buwan, gumagawa pa din ako habang nagpapagaling sa TB. Mga boss, mekaniko ako ng sasakyan. So alam nyo na kapag mekaniko ka, mabibigat ang mga trabaho at talagang nakakapagod. Pinagbawalan na ako ng doctor na huwag muna magtrabaho. Magpahinga na lang muna daw ng 6 na buwan dahil kailangan yun gawin para gumaling agad yung nadiagnosed na TB sakin. Kaso hindi ako nakinig. Mas iniisip ko kumita pa ng pera. Kaya inabot ng 1 taon ang gamutan ko na hindi naman normal sa isang may TB na nag gagamot dahil dapat 6 na buwan lang.

Bumalik ako sa Alabang Med. Sariwa na kase yung dugo na dinudura ko. Disappointed sakin yung doctor dahil inamin ko lahat na hindi naman talaga ako nagpahinga. Nagpatuloy ako sa work. Nilihim ko pati pagkain ng mga bawal. Ang ginawa nya, gumawa sya ng bagong reseta sakin at ang huling sinabi nya "Kapag dumugo pa yan baga mo, sa emergency ka na pumunta".

December 2023 - Nasa Bulacan ako. Hindi ko alintana ung pagod. Bigla akong nagblow ng maraming dugo. Naalala ko yung sabi ng doctor sakin sa Alabang Med. Ayon, isinugod na ako sa hospital. Sobrang abala nun sakin. Sa Pampanga Premier Hospital ako dinala kase yun yung pinakamalapit na hospital na alam kong magsasalba sa buhay ko kase hirap na din ako huminga talaga. 1 week ako na admit.

Walang nadiagnosed sakin. Clear na daw ako sa TB pero may naiwang scar at mahina na daw ang baga ko. Kailangan ko lang daw ng mahabang pahinga. Sabi ng doctor, kailangan ko muna magpahinga. Huwag muna daw ako magtrabaho. Kaso February pa lang nasa trabaho na ako. Pwersa malala na naman. Pasaway talaga ako eh. Wala naman ng dugo sa dura ko kako. Pero nung 1st week ng March 2024 dumugo ulit. Bumalik yung dugo na nakahalo sa plema ko. Inuubo na naman ako pero slight lang. Nawalan na ako ng pag-asa kase sinasabi ng mga doctor sakin wala naman nakikitang problema sa baga ko bukod sa may mga scar o peklat. Di na raw mawawala un. Ilang x-ray na ginawa sakin at ct-scan pero Wala silang nakitang problema. Best advice lang talaga is magpahinga. Walang kailangang inuming gamot bukod sa vitamins. Kaso naulit lang. Back to zero na naman. Parang walang nangyare sa hinihintay kong pag galing. Aminado naman akong kasalanan ko din dahil hindi talaga ako sumunod sa utos ng mga doctor.

Naging normal na lang sakin yung madalas nadura ako ng maraming dugo na sariwa. Pag umubo ako, nakaka isang tasang dugo ako pero okay lang ako. Nangyayare yan kapag galing ako sa trabaho, o nagpwersa ako. Nagpapagod ako sa araw, tapos sa gabi na dumudugo. Normal na lang sakin kahit mukhang delikado na talaga.

Ito na. Dito na ako muntik talaga matuluyan.

March 28 2025 ng gabi - Galing akong work. Galing sa matindihang gawa. Mag isa lang ako sa apartment. Wala akong nararamdaman. Pagod lang. Pero bigla na lang akong umubo at wala ng tigil yung agos ng dugo sa bibig at ilong ko, as in parang gripo na umaagos sa bibig at ilong ko. Hinintay ko tumigil. Ayaw talaga. At dun ko na din unti-unting nararamdaman na hirap na ako huminga. Alam ko sa isip ko na kapag binalewala ko yun, minuto na lang talaga ang itatagal ko. Tumakbo ako papuntang garahe ng kotse habang umaagos ung dugo sa ilong ko. Nagdrive ako. Mabuti na lang walang traffic sa dinadaanan ko. Sinalpok ko pa yung shoppee rider at tumumba. Hindi ko na sya hinintuan dahil mamamatay na ako. Sorry sa rider na yun. Nabutas at yupi bumper ng kotse ko. Drive lang ako. Mamamatay ako kako kapag inuna ko pa yung rider na tumalsik. Sorry sa rider dahil gas pedal natapakan ko hindi preno.

Ang naalala ko na lang ay noong nasa emergency na ako sa Parañaque Medical Hospital, ina-assist ako ng gwardya at wala na akong na-aalala. Private pa din. Ayoko sa public hospital dahil marami akong kakilala na namatay dahil sa bagal ng serbisyo at delay na aksyon ng mga doctor. Hindi ko po nilalahat yung mga doctor sa public hospitals. Marami pa din magagaling. Sinigurado ko lang talaga na mabubuhay pa ako.

Tinubuhan ako. Ilang araw ako nasa ICU. Sinasuction ako. Mano-manong inilalabas sakin yung mga dugo na namuo sa baga ko. Sobrang sakit. Nararamdaman ko yung tusok ng mga suction hose sa baga ko. Pinapasok ng mga doctor sa bunganga ko ung maninipis at transparent na hose sa bunganga ko at vinavacum nila palabas. Nakikita ko yung mga dugo palabas na namuo sa baga ko na syang dahilan bakit hindi na ako makahinga ng maayos nung gabi na yun. Naluluha ako nung mga time na yun. Paulit-ulit ung proseso. Kailangan daw kase maubos ung mga nabuong dugo sa baga ko. Sinimot talaga nila. Kaya ilang araw akong nagdusa sa sakit. Sabi ko ayoko na. Last na to. Hindi na ako babalik sa ganitong sitwasyon.

Salamat sa mga doctor na sina Dr. Guevarra ng Pampanga Premier Hospital at si Dr. Cabal ng Parañaque Med Hospital. Dinugtungan pa nila ang buhay ko.

Ngayon, ubos na ako. Negative na. May utang pa. Totoo yung sinasabi ng mga tao sa paligid ko na ingatan dapat ang kalusugan, huwag papabayaan dahil lahat ng kinikita mo, ibabayad mo lang din yan lahat sa hospital. Nagkatotoo nga. Nagkautang pa ako.

Salamat sa utol ko. Kay Allan. Plano ko na ibenta lahat, kotse, motor at mga gamit. Lahat. Pero dahil sayo hindi nangyare. Nandyan ka para suportahan ako sa mga problema ko. Salamat din sa mga tumulong sakin dito sa Facebook. Kung sino pa yung mga taong hindi mo inaasahan, sila pa yung kusang tumulong. Hindi ko talaga kayo makakalimutan. Nakatatak kayo sa isip ko. May mga gusto pa din tumulong pero tinanggihan ko na dahil nakalabas na ako ng hospital. Sa mga customers ko na nag abot sakin at hindi na nagpamention, salamat din. Pag binigyan pa ako ni Lord ng isa pang pagkakataon, tutulong din ako. Lalo na sa mga taong palihim na lumapit sakin at binigyan ako.

Sa ngayon, hindi pa normal ang baga ko. Nadugo pa din kapag nagpwersa ako. Vitamins, maayos na pagkain, tamang oras ng pagtulog at iwas na sa mga nakakapagod na gawain.

Sa mga workaholic na kagaya ko dyan, hinay hinay lang. Wag sagarin ang sarili. Ganyan din ako sayo noon, hindi alintana ang pagod, nagpupuyat, puro processed foods, walang sapat na tulog, stress, bihira magtubig. Ito ako ngayon, sinisingil na ng sarili kong katawan. Ang dating may mataas na pangarap sa buhay, ngayon isinantabi ko na. Dahil mahalaga na sakin ang kalusugan, hindi na ang pera at mga hangarin sa hinaharap.

Wala po akong bisyo. Alak at sigarilyo hindi ko po yan hilig.

Sa ngayon kailangan ko ulit magpa CT scan para mabantayan ko yung kalagayan ng katawan ko. Base sa recommendation ng doctor, posible akong i-biopsy para malaman nila ang kondisyon ng baga ko. Makikita sa camera kung anong meron sa loob ng baga ko. Pero nakadepende po sa result ng CT scan ang biopsy recommendation sakin.

Restart na sa buhay.
Lord, maraming maraming salamat sayo. Dahil sayo, natuto ako.







US High school student, Spencer Shipman, through a Science Fair Project, discovered that Oregano Oil outperforms Amoxici...
20/08/2025

US High school student, Spencer Shipman, through a Science Fair Project, discovered that Oregano Oil outperforms Amoxicillin at killing bacteria. As a matter of fact, in his experiment, just one drop of the oregano oil killed 100% of the bacteria tested. They even found that a micropipette drop of oregano oil still outperformed Amoxicillin.

The benefits of Oregano Oil have been deeply studied and proven, yet it takes a high schooler and his science project to get this incredible information to the “masses”.

Carvacol, a major component of oregano oil, is believed to insert itself into the bacterial cell membrane, increasing its permeability. This disrupts the membrane’s structure and function, causing essential components to leak out and leading to cell death.

Oregano oil can also interfere with the bacteria’s ability to produce energy (ATP) and disrupt their metabolic pathways, including the TCA cycle. This further hinders their growth and survival.

Carvacrol has also been shown to interact with bacterial DNA, causing structural damage and hindering its replication.

Also, the carvacrol and thymol in Oregano Oil can actually work synergistically with some antibiotics for more serious infections. A synergy describes a situation where the combined effect of two or more supplements/medications is greater than the sum of their individual effects when each is given alone. — at New York City NY, United Statement ゚

Address

Casambalangan Sta. Ana Cagayan

3514

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agcaoili sheryll posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Agcaoili sheryll:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share