BALITAnginamo

  • Home
  • BALITAnginamo

BALITAnginamo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BALITAnginamo, Media, National Highway, Barrio Obrero, Brgy. North, .

AMA, GUMAWA NG MGA KABAONG PARA SA KANYANG ASAWA AT DALAWANG ANAK NA NASAWI SA BAHA
21/07/2026

AMA, GUMAWA NG MGA KABAONG PARA SA KANYANG ASAWA AT DALAWANG ANAK NA NASAWI SA BAHA

21/07/2026

WATCH| MGA PERSONAHE NG PHILIPPINE NAVY, INATAKE NG CHINA COAST GUARD

''NAKA-SCORE KAMI''Ipinahayag ni House prosecutor Rep. Lorenz Defensor na lubos na nasiyahan ang House Prosecution Panel...
08/07/2026

''NAKA-SCORE KAMI''

Ipinahayag ni House prosecutor Rep. Lorenz Defensor na lubos na nasiyahan ang House Prosecution Panel sa naging takbo ng ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa kanya, naging maayos ang presentasyon ng kanilang mga ebidensiya sa harap ng Senate impeachment court at nananatili silang kumpiyansa sa naging daloy ng pagdinig.

Aniya, matagumpay nilang naihain ang lahat ng ebidensiyang nakatakdang iprisinta para sa ikalawang araw ng paglilitis.

“The House Prosecution Panel is very satisfied with the outcome of the second day of the impeachment trial.”

LOOK: Senate Pres. Win Gatachalian, ginawang flower vase ni Atty. Harry Roque.
08/07/2026

LOOK: Senate Pres. Win Gatachalian, ginawang flower vase ni Atty. Harry Roque.

08/07/2026

LUISTRO VS SISON

WATCH| Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Atty. Sheila Sison, abogado ni Vice President Sara Duterte at House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro sa unang araw ng impeachment trial, Lunes, July 6.

UNITED PINKS: ‘PBBM, HUWAG KANG MAG-RESIGN! NASA LIKOD MO KAMI’Naglabas ng mensahe ng suporta ang page na Unite...
03/07/2026

UNITED PINKS: ‘PBBM, HUWAG KANG MAG-RESIGN! NASA LIKOD MO KAMI’

Naglabas ng mensahe ng suporta ang page na United PINKS Worldwide para kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa kanilang post, nanawagan ang grupo na huwag magbitiw sa puwesto ang Pangulo.

"PBBM huwag kang mag resign! Nasa likod mo kami!" ayon sa kanilang mensahe.

03/07/2026

“MASS FOR TRUTH, JUSTICE & ACCOUNTABILITY”

Nagdaos ng isang misa para sa “Mass for Truth, Justice & Accountability” ang Clergy for Good Governance (CGG) bilang suporta sa House prosecution panel sa Immaculate Conception Cathedral of Cubao kahapon, Hulyo 2.

Dumalo sa nasabing misa ang ilang miyembro ng House prosecution panel, kabilang sina ML Party-list Rep. Leila de Lima, Rep. Gerville Luistro, Rep. Joel Chua, Rep. Ysabel Zamora, Rep. Lorenz Defensor, at iba pang mga opisyal.

Nabatid na sa darating na Hulyo 6, inaasahang magsisimula ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

EX-VICE MAYOR SA LEYTE AT ANAK, NATAGPUANG PATAY SA BANGIN; MGA SUSPEK SA KRIMEN, NAARESTONatagpuang patay sina dating J...
02/07/2026

EX-VICE MAYOR SA LEYTE AT ANAK, NATAGPUANG PATAY SA BANGIN; MGA SUSPEK SA KRIMEN, NAARESTO

Natagpuang patay sina dating James Bohol at ang kanyang anak na si Carlou James “Jimbo” Bohol pasado alas-9 ng umaga noong Martes, Hunyo 30, 2026, sa isang bangin sa Barangay Imelda, Silago, Southern Leyte.

Nadiskubre ang mag-ama sa ilalim ng bangin na may lalim na pito hanggang walong metro sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.

Naiulat na nawawala ang dalawa noong Hunyo 27 matapos umanong dukutin ng mga armadong lalaki mula sa kanilang opisina sa Barangay Sta. Cruz, Mayorga, Leyte.

Agad namang kumilos ang mga pulis at naaresto ang tatlong lalaki na itinuturong responsable sa krimen. Nahaharap ang mga suspek sa kasong double murder.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

📷 Facebook, PNP

PERSON OF INTEREST SA PAGPATAY SA ISANG PAMILYA SA ZAMBOANGA, SUMUKOSumuko sa mga awtoridad ang person of interest sa pa...
02/07/2026

PERSON OF INTEREST SA PAGPATAY SA ISANG PAMILYA SA ZAMBOANGA, SUMUKO

Sumuko sa mga awtoridad ang person of interest sa pagpatay sa isang pamilya sa Barangay Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur.

Kinilala ng pulisya ang sumuko na si Frankie Barcelona Camiguing, residente ng Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari, ang posibleng motibo, at ang eksaktong partisipasyon ng sumukong person of interest sa naturang krimen.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na dagdag na detalye ang pulisya kaugnay ng kanyang pagsuko at sa mga ebidensyang kanilang nakalap laban sa kanya.

02/07/2026

"PANALANGIN LABAN KAY VP INDAY?"

MGA PARI, NAGDASAL PARA SA MGA PROSECUTOR SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP INDAY

Nagsagawa ng misa para sa Truth, Justice, and Accountability ang Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City ngayong araw, Hulyo 2.

Kaugnay nito, ipinagdasal ng mga pari ang mga prosecutor na hahawak sa impeachment trial ni Sara Duterte sa darating na Hulyo 6, 2026.

VIDEO: CTTO

Address

National Highway, Barrio Obrero, Brgy. North

9500

Telephone

+639050357664

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BALITAnginamo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share