21/07/2021
CTTO
NABASA KO LANG!
NFT Token market information.
I'm sure marami rito pumasok dahil na hype sa SLP rate. At yung iba naman natatakot baka malugi or hindi mabawi yung puhunan nila.
Ito yung kailangan nyong maintindihan bago kayo mag invest sa NFT Gaming.
1. NFT Token and cryptocurrency market is different.
Sa cryptocurrency market yung mga traders nagpapagalaw. While sa NFT Gaming ecosystem dalawa napapagalaw sa kanya. Yung mga owner ng NFT inside the game and traders outside the game.
Ang healthy average price range ng SLP ay 6PHP. (Average of 27-35K monthly income)
Hindi lang players ang nagpapalaki ng value ng SLP. Anyone can buy or trade on the market, kahit wala kang AXIE. Maraming active token traders. Kadalasan sila yung nag hhype ng ibang /NFT or ibang token why? Kasi may investment na sila sa ilalim.
2. So paano tumaas ang value ng SLP?
A. Tumataas yung value ng SLP kapag malakas ang demand nito. Dyan papasok mga breeders. Nagkakaroon ng breeders dahil dumarami mga nagpapa scholarship, seller ng Axie and collectors.
B. Kapag mas maraming investor outside the game. Depende kung gaano nila katagal ihold yung token.
3. Sobrang dami na naglalaro ng Axie at maraming nagbebenta ng SLP pero bakit ang taas pa rin ng value?
Hindi lahat ng naglalaro ng Axie ay nagbebenta. At bago ka magkaroon ng supply kailangan mo maghantay ng 15days to claim SLP. Ito yung dahilan kung bakit matagal bumagsak yung value kasi mabagal yung supply.
4. Ano mangyayari kapag mag oversupply na yung SLP? May paraan ba yung dev kung mas marami ng sellers kesa sa buyers?
Maraming paraan ang developer para ma maintain yung value ng SLP.
1. Delaying Supply
Taasan yung duration bago i-claim ang SLP. From 15days pwede nila adjust yan to 20 and 30days.
Breeding process. Axies take 5 days to reach maturity. Pwede rin nila adust to from 5days to 10days. If matagal ang breeding babagal yung population. Babagal yung production.
2. Burning Supply:
Right now sa breeding pa lang ginagamit ang SLP. Pero alam nyo bang marami pang pwedeng gawin ang Developer sa system nila? Pwede nilang gamitin ang SLP sa Axie evolution, crafting items, battle pass entry, buying items on land area. Kapag nagdagdag sila ng feature sa SLP lilipad na naman yung value nito
5. Advisable pa ba bumili ngayon or late na?
Sa totoo lang walang tamang sagot dito. Ang kailangan nyo alamin is bakit kayo magiinvest? Gusto ko ba yung game? Nakikita mo bang lalaki yung game in the next 2-3 years? Gagamitin ko ba as main source of income? Lahat yan kailangan mo tanungin sa sarili mo bago ka pumasok. Ang NFT gaming ay may sariling ecosystem kung nandito ka para sa short term investment magisip isip ka muna.
6. Possible ba tumaas yung presyo ng Axie nxt year?
Hindi lang presyo yung lalaki kung hindi yung market.
Nasa alpha phase pa lang yung game at hindi pa global ready dahil sa server issue. Next year magkakaroon to ng free to play version para masubukan ng mga non traders/investor.
TIP1: Wait the ber months! Malaki yung chance tumaas yung value ng Axie kapag nag up na pre-esports event sa (Edited: Around September to November) and Alpha Land gameplay. Dyan magstart magpasukan mga outside traders at maghoard mga breeders. 👌
TIP2: More Axies more profit in the Future once na mag UP yung land gameplay. (alpha test sa december 2021 / 2022 official release). Sa Next post ko lang release yung info about land gameplay