13/08/2025
Lega ng brgy daraga chapter nagsagawa ng election sa pag ka bise presidente sa daraga covered court Ngayon araw Agosto 13, 2025.
Pinangunahan ni Mila B. Bal, Provincial LIGA President ang isinagawang eleksyon kung saan dinaluhan ito ng mga kapitan mula sa 54 na barangay sa bayan ng Daraga.
Dumalo rin sa eleksyon si Municipal Councilor Hon. Warren Sorsogon, Enrique De Asis, LIGA Daraga Chapter President at Provincial LIGA Vice President, Anddy Toledo, namumuno sa COMELEC Daraga, at kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Iprinoklama bilang Bise Presidente ng Liga ng mga Barangay Daraga Chapter si Hon. David L. Tonga Jr., Punong Barangay ng Namantao, sa isinagawang LIGA Daraga Chapter Election...
Nakatanggap di umano ng 31 na boto si Hon. Tonga habang nakatanggap naman ng 23 na boto si Hon. Dennis S. Bon, Punong Barangay ng Matnog.