01/05/2025
Viral na Rider na si “Yanna,” Kakasuhan na Umano ng Pamilya ng Driver!
Viral ngayon sa social media ang isang insidente sa Zambales kung saan isang babaeng motorcycle rider, na itinago sa pangalang “Yanna,” ang umano'y nambastos at nagpakita pa ng hindi magandang hand gesture sa isang driver ng sasakyan habang papunta sa Mapanuepe Lake.
Ayon sa anak ng driver, tuloy na tuloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa naturang rider. Ibinahagi ni Harry James Pascua ang update kung saan sinabi niyang:
"Update po.. tinutuloy po namin ang pag sampa ng reklamo"
Posibleng Kasong Isasampa:
Pagpo-post ng video na may mukha at plate number ng walang pahintulot
Data Privacy Act of 2012 (RA 10173) – Ipinagbabawal ang pagpapakalat ng personal na impormasyon gaya ng mukha at plate number kung walang pahintulot mula sa taong sangkot.
Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) – Kung ang video ay ginamit upang manira o manghiya sa social media, maaari itong mauwi sa kasong cyber libel.
Civil Liability – Maaaring magsampa ng kaso para sa invasion of privacy o damages kung naapektuhan ang reputasyon o kaligtasan ng taong nasa video.
Ayon sa mga netizen, makikita sa video na maingat magmaneho si “Kuya Driver” dahil lubak-lubak ang daan. Ngunit sinubukan pa rin siyang i-overtake sa kanan ng nasabing rider. Nang tila hindi siya pinasingit, dito na umano nagtaas ng gitnang daliri si Yanna. Nang ma-confront, ipinakita umano ng rider ang kakaibang ugali at tila walang pagpapahalaga sa respeto o disiplina sa kalsada.
Marami rin ang nakapansin sa mga komento ni Yanna sa social media kung saan imbis na humingi ng paumanhin, ay tila idinaan sa panlalait at personalan ang kanyang mga tugon.
Sa ngayon, hinihintay ng publiko ang susunod na update sa kasong ito, lalo na’t umani ito ng malaking atensyon online.