24/03/2026
Pinupuri at dinadakila namin ang Panginoon sa lahat ng Kanyang ginagawa Nakita namin ang Kanyang katapatan, probisyon, at pagmamahal sa buong gawain. Tunay na hindi ito dahil sa amin kakayahan, kundi sa Kanyang biyaya.
Sa Cawag, Subic, Zambales, kumilos ang Diyos sa mga bata kung saan 34 na mag-aaral ang nagtipon sa St. Francis Learning School. Sa pamamagitan ng mga awitin, laro, at pagbabahagi ng Salita ng Diyos, nakita namin ang kanilang kagalakan at pagiging bukas. Kasabay nito, ang ibang grupo ay nag house-to-house evangelism, nagbahagi ng Ebanghelyo, at nagbigay ng munting handog sa mga pamilya.
Sa Sitio Piapi, Mauban, Quezon Province, isang liblib na lugar, gumawa rin ang Diyos ng paraan upang maabot ang komunidad. Nakapagbigay tayo ng 79 payong, pati mga aklat at laruan para sa mga estudyante. Higit sa lahat, naibahagi ang Salita ng Diyos, na siyang tunay na pag-asa.
Sa Diyos ang lahat ng papuri sa Kanyang ginawa.