14/07/2025
๐๐๐๐ถ๐ด, ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ธ๐ฎ-๐ฒ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ถ๐ด
Pagbabahagi ng serbisyo publiko ang naging sentro ng pagdiriwang ng ika-62 Araw ng Butig nitong Hunyo 30, na naghatid ng direktang tulong para sa mga residente ng munisipalidad.
Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang Qurโan Recitation Exhibition, kung saan ipinamalas ng mga piling Qฤriโ o ng mga taong may kakayahang mag-basa ng buong Qur-an ang kanilang kahusayan sa pagbigkas ng Banal na Qurโan. Ayon sa mga dumalo, ang espirituwal na bahaging ito ay nagbigay-diin sa matibay na pananampalataya ng mga Butigueรฑo.
Sinundan ito ng isang masiglang fun run na nilahukan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Rural Health Unit (RHU)-Butig, at iba pang panauhin. Sa kabila ng matinding init, kitang-kita ang pagkakaisa at adbokasiya para sa kalusugan ng komunidad.
Nagkaroon rin ng Youth Leadership Training para sa mga kabataan na pinangunahan nina SK President Jehan R. Ronda at LYDO Hedaya M. Mamaon, sa pakikipagtulungan ng MSU-Inspired Youth Optimist Guild (IYOG). Layunin nitong hubugin ang kasanayan ng mga kabataan sa pamumuno at pagiging tagapagtaguyod ng kapayapaan para sa kinabukasan ng Butig.
Nakatulong din ang paglulunsad ng isang Government Services Caravan na nagdala ng iba't ibang serbisyong pampubliko para sa ika-62 Araw ng Butig. Kabilang dito ang isang medical mission na nagbigay ng libreng konsultasyon at gamot, mga serbisyo mula sa PhilHealth para sa pagpaparehistro at pagproseso ng benepisyo, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa tulong sa pagbubuwis at pagpaparehistro ng taxpayer, ang Department of Trade and Industry (DTI) na nagbigay ng livelihood orientation at suporta para sa mga negosyo at iba pang legal at cultural services. Layunin ng inisyatibong ito na mailapit ang mahahalagang pampublikong serbisyo sa mga mamamayan ng mas mabilis at hindi na kailangan ng karagdagang gastos.
Nagtapos ang mga aktibidad sa isang Libreng Medical Mission na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office (PHO)-Lanao del Sur, Integrated Provincial Health Office (IPHO)-BARMM, at 5th Infantry Battalion-Philippine Army. Daan-daang residente ang dumalo at nakilahok sa libreng konsultasyon, gamot, at serbisyong dental upang biyang prayoridad ang kalusugan ng mga bata, buntis at matatanda.
Ang ika-62 Araw ng Butig ay hindi lamang paggunita sa kasaysayan kundi isang pagpupugay sa pagkakaisa, pananampalataya, kalusugan, at tapat na serbisyo. Nagsilbi rin magandang oportunidad ang selebrasyon para mailapit ng ibaโt ibang ahensya at opisina ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayan ng munisipalidad.
โ๏ธSittie Rasnah M. Samsoden, S'bang Ka Mindanao Patroller