
01/07/2025
grabe naman 🥹🥺
Kumanta ng sintunado, pinatay
Pinatay na parang hayop, tinaga na, nilalas pa ng matalas na pamutol ng damo na sanggot ang tawag sa wikang Bisaya, ng isang lalaki ang kapitbahay na nagvi-videoke dahil diumano naingayan siya at sintunado pa ang pagkanta nito.
Naganap ang insidente sa Sitio Banban sa Barangay Looc sa bayan ng Villanueva sa Misamis Oriental nitong Linggo, June 29, 2025.
Kinumpirma nitong Lunes ng mga opisyal ng Villanueva Municipal Police Station ang insidente na nagresulta sa pagkamatay ng biktima at ang agaran din na pagkaaresto ng pumatay sa kanya.
Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigator ng pulisya na nagresponde sa insidente, pumalag ang suspect sa ingay ng pagkanta ng biktima na kanyang unang tinuligsa dahil diumano wala sa tono ang pagkanta bago niya ito pinatay. (June 30, 2025)