JARED TV Production

  • Home
  • JARED TV Production

JARED TV Production News Broadcast: Video Coverage and Documentation

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡Labi ng Tatlong Small-Scale Miners na Na-trap sa Tunnel sa Runruno, Quezon, narecover na.Barangay Runruno,...
26/06/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Labi ng Tatlong Small-Scale Miners na Na-trap sa Tunnel sa Runruno, Quezon, narecover na.

Barangay Runruno, Quezon – Natagpuan na ang tatlong small-scale miners na na-trap sa loob ng isang tunnel sa Barangay Runruno, Quezon. Sa kasamaang-palad, idineklara silang wala nang buhay nang maiahon mula sa ilalim ng lupa.

Unang nailabas ang katawan ni Daniel Segundo dakong alas-9:53 ng gabi noong Hunyo 25, 2025. Sina Florencio Indopia at Lapihon Ayudan naman ay narekober bandang alas-12:10 at alas-12:22 ng madaling araw ng Hunyo 26, 2025.

Matatandaang pumasok ang mga minero sa tunnel gabi ng Lunes, Hunyo 24, 2025, para magsagawa ng small-scale mining. Ngunit hindi na sila nakalabas pa makalipas ang ilang oras, matapos ang pinaniniwalaang kakulangan ng oxygen dahilan sa pagkahilo at pagkawala ng malay ng mga minero.

Nagpapaabot naman ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan sa mga naulila ng mga biktima.

(Photos PIA NUEVA Vizcaya)

25/06/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Runruno Update: Isang volunteer rescuer nasawi, Isa nailigtas; Retrieval operations sa tatlong minero, patuloy.

24/06/2025

BALITANG BAYAN

Update: 2 sa 5 Minero, Nailigtas nang Buhay

Quezon, Nueva Vizcaya– Dalawa sa limang minero na unang iniulat na nasawi ay nailigtas nang buhay mula sa loob ng isang tunnel sa Barangay Runruno, ayon sa pinakahuling ulat ng pulisya.

Unang nailabas si Alfred Bilibli y Dulnuan bandang alas-2:00 ng hapon, habang ang isa pang biktima na si Joval Bantiyan ay nasagip din bandang alas-7:00 ng gabi ngayong Martes.

Patuloy naman ang rescue at retrieval operations para sa tatlo pang nawawala na sina Daniel Segundo Paggana (47), Lipihon Ayudan y Bumulyad (56),at Florencio Indopia y Napudo (63), pawang taga-Runruno.

Una nang napaulat na patay na ang limang minero batay sa inisyal na impormasyon na natanggap ng pulisya.

Ayon sa ulat, si Russel Tumapang (29), residente rin ng Runruno, ang unang nakadiskubre sa insidente matapos siyang pumasok sa tunnel sa Sitio Compound bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Aabot sa 300 metro ang lalim ng pinanggalingan ng dalawang nailigtas, habang pinaniniwalaang mas malalim pa ang kinalalagyan ng tatlo pang minero.

Patuloy ang pag-asa ng mga pamilya, residente, at rescuers na buhay pa ang mga nawawala.

Nananatili ang retrieval operations ng mga awtoridad at volunteers sa lugar.

BALITANG BAYAN: MGA MINERO, NATAGPUANG WALANG BUHAY SA ISANG TUNNEL SA QUEZON, NUEVA VIZCAYAQuezon, Nueva Vizcaya – Tatl...
24/06/2025

BALITANG BAYAN:

MGA MINERO, NATAGPUANG WALANG BUHAY SA ISANG TUNNEL SA QUEZON, NUEVA VIZCAYA

Quezon, Nueva Vizcaya – Tatlong bangkay ng mga minero ang natagpuan sa loob ng isang tunnel sa Stage 5, Drain 2 ng FCF Compound, Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya nitong Hunyo 24, 2025, bandang 1:00 ng madaling-araw. Naiulat ito sa Quezon Police Station bandang 10:30 ng umaga ng parehong araw.

Kinilala ang mga biktima na sina
Daniel Segundo Paggana, 47 taong gulang, lalaki, minero at residente ng Brgy. Runruno, Quezon, NV
Lipihon Ayudan y Bumulyad, 56 taong gulang, may asawa, minero at residente ng Brgy. Runruno, Quezon, NV.
Florencio Indopia y Napudo, 63 taong gulang, may asawa, minero at residente ng Brgy. Runruno, Quezon, NV

Ayon sa ulat, ang insidente ay dulot umano ng kakulangan sa suplay ng oxygen sa loob ng tunnel na may lalim na tinatayang 300 metro, kung saan nagsasagawa ng pagmimina ang mga biktima.

Si Ginoong Russel Tumapang y Boclog, 29 taong gulang at residente rin ng Brgy. Runruno, ang nakadiskubre sa mga bangkay sa loob ng tunnel bandang ala-una ng madaling-araw. Ang ulat ay agad na ipinagbigay-alam ni Punong Barangay John Babliing ng Brgy. Runruno sa Quezon Police Station.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Quezon PS, 1st PMFC 3rd Platoon, BFP, at MDRRMO-Quezon upang magsagawa ng retrieval operation, na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin sa pangunguna ng FCF personnel.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Quezon PS sa mga opisyal ng barangay upang matukoy kung may iba pang posibleng biktima sa nasabing insidente.

Photo courtesy from PNP

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mula sa amin sa Jared TV Production, patuloy tayong magtaguyod ng malayang kaisipan, pagpap...
12/06/2025

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mula sa amin sa Jared TV Production, patuloy tayong magtaguyod ng malayang kaisipan, pagpapahayag, at pagmamahal sa bayan. 🇵🇭✨

13/05/2025

𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱
TINGNAN: Nangako si Congressman Elect Atty. Timothy Cayton na kanyang isusulong ang isang mas maayos, mas mapayapa, at mas maunlad na Bagong Nueva Vizcaya.

Hinimok ni Vice Governor Elect Eufemia Ang Dacayo ang pagkakaisa ng mga Novo Vizcayano upang matiyak ang maayos, tapat, at makabuluhang serbisyo para sa buong lalawigan.

12/05/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Tingnan: Maayos at payapa ang takbo ng halalan dito sa Bayombong Central School. Patuloy ang pagdating ng mga botante sa mga presinto habang nananatiling matiwasay ang sitwasyon sa lugar.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa halalan, kasama natin si Atty. Abraham Asuncion, Provincial Election Supervisor.


𝗥𝗘𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗦 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗦𝗔𝗖𝗥𝗜𝗙𝗜𝗖𝗘Hope is alive. Faith endures. Happy Easter from all of us at Jared TV.
20/04/2025

𝗥𝗘𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗦 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗦𝗔𝗖𝗥𝗜𝗙𝗜𝗖𝗘

Hope is alive. Faith endures. Happy Easter from all of us at Jared TV.

13/04/2025

🌿 Hosanna in the highest! 🌿

Blessed is He who comes in the name of the Lord! Join us as we commemorate Jesus’ triumphant entry into Jerusalem.

Happy International Women’s Day! 💜✨ Today, we celebrate the strength, resilience, and achievements of women everywhere. ...
08/03/2025

Happy International Women’s Day! 💜✨

Today, we celebrate the strength, resilience, and achievements of women everywhere.

Keep shining and breaking barriers!

22/02/2025

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟

Tingnan: Usapang Ligal sa mga katanungan patungkol sa Bail, Regular employment, Mortgaged Lot, at Collection. Mga katanungan na sasagutin ni Hon. Judge Charlotte Fraulein Garcia-Lambino, Municipal Trial Court Judge ng Bayan ng Bambang.

20/01/2025

𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟

Tingnan:
Mga payong ligal ni Hon. Charlotte Fraulein F. Garcia-Lambino, Presiding Judge ng MTC Bambang, Nueva Vizcaya

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JARED TV Production posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share