16/09/2025
MAHABA AT MADRAMANG POST!! pagbigyan niyo na ako ngayon lang 🤣...
Tama nga talaga ang kasabihan na “kapag may nawawala, may dumarating… at mas higit pa.” At higit sa lahat, God will always provide. 🙏
Noong nakaraang linggo, habang papunta kami sa Camp Sitio Tangal, bigla na lang nawala ang aking DJI Mic. Grabe, ang bigat sa pakiramdam. 🥺 Pinaghirapan kong ipunin ang pambili nun, at alam niyo naman—mahal din talaga yung gamit na yun. Hindi biro na mawalan ng bagay na hindi lang basta gamit, kundi parte na rin ng journey at passion mo.
Syempre, nalungkot ako nang sobra. Pero naisip ko rin na baka masira lang ang mood at ang essence ng camping adventure namin kung puro lungkot ang iisipin ko. Kaya kahit masakit, sinabi ko sa sarili ko: “Acceptance is the key. Wala na talaga yung mic, at malabo na maibalik.”
Kaya imbes na magmukmok, gumawa na lang kami ni Joy ng video kung saan nagdrama ako—at doon ko narealize na minsan, ang mga bagay talaga ay hindi para sa’yo habang buhay. Pero ang kapalit? Mas malaki, mas maganda, at mas swak sa plano ni Lord para sa’yo.
At eto na nga… after one week lang, isang sorpresa ang dumating! 🎉 Napansin tayo ni Boya Philippines at pinadalhan kami ng bago at makabagong AI-powered mini wireless microphone nila na BOYAMIC 2.
Grabe, hindi ko in-expect. Mula sa pagkawala ng isang bagay na pinapahalagahan ko, pinalitan ni Lord ng mas bago at mas maganda. At higit sa lahat, may kasamang tiwala mula sa isang malaking brand.
Maraming salamat, BOYA, for trusting Camp with Joy to review and test your product. 🙏
At sa mga nawalan din ng bagay na mahalaga, tandaan niyo—hindi laging dulo ang pagkawala. Minsan, umpisa pala yun ng mas magandang bagay na nakalaan para sa’yo.