27/11/2022
TURN BACK TIME
Chapter 13
Tanghali na ako nagising dahil late na din ako nakatulog kagabi. Sunday naman ngayon kaya ayus lang kahit hindi na ako gumising ng maaga.
Pagkalabas ko ng banyo, dahil katatapos ko lang maligo.. Kinuha ko agad ang cellphone ko na nakapatong sa taas ng night stand dito sa kwarto ko.
Bagsak balikat akong napaupo nang makita na wala pa din akong natatanggap na kahit anong tawag or message man lang galing kay Xian.
I also tried to call him but his number was cannot be reached.
Ano na kayang nangyari doon? Does he really mad at me because of what happened? I want to explain everything to him right now. Hindi ko lang talaga alam kung pano.
Tamad akong tumingin sa reflection ko sa harap ng salamin sa dresser ko.
" Hays. Paano ko ba siya makakausap?! "
~/~
Bumaba na ako at dumiretso dito sa dining area para kumain. Pagod at gutom ako kagabi pero hindi ako nakakain ng dinner dahil nawalan ako ng gana, hanggang ngayon..
Hays. Pero kailangan ko pinilitin na kumain ang sarili ko dahil ayoko naman magkasakit no.
Kahit late na, cereal lang ang prinipare ko for my breakfast. Mamaya nalang siguro ulit ako kakain dahil wala pa din talaga akong gana ngayon.
" Hey " hindi ko pinansin si Ashwin na pumasok dito sa kusina, dumiretso siya sa fridge para kumuha ng maiinom at umupo sa harapan ko. Busy ito sa harap ng MacBook na dala niya at mukhang may ginagawa itong importante.
" Nasaan sina mom" Basag ko sa katahimikan.
" I don't no. Kakain yata sila sa labas ni Dad" sagot nito habang nakatingin lang sa screen ng MacBook niya.
" Kakain sa labas? Hindi nila tayo sinama?" Takang tanong ko. At linggo ngayon, usually naman sinasama kami ni Dad kapag umaalis sila or kakain sa labas.
" Nah, may thesis ako na kailangan tapusin, then si Ashwin lumabas at ikaw, hindi kana nila pinagising dahil baka pagod ka" paliwanag niya, dahan dahan akong napatango.
After kong kumain, nagpaalam na muna ako sakaniya dahil balak kong puntahan ulit ngayon si Xian sa bahay nila. Siguro naman ay nandoon na siya ngayon diba?
Paglabas ko ng gate, agad na akong naglakad papunta sa bahay ni Xian, malapit nalang naman yon dito, mga ilang hakbang lang...
Napangiti ako ng makita si Xian na kalalabas lang din ng gate nila.. Tatawagin ko na sana siya ng bigla akong may nakitang babae na sumunod sakaniya palabas ng gate.
Teka? Sino yung babaeng yon?
Huminto ako sa pag lalakad ng makita ko na agad silang pumasok sa loob ng kotse ni Xian at pinaandar na yon.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kotse niya na palayo.
Mukhang busy siya ngayong araw..
"Aurea!" Napatingin ako kay Sam at Eunice na palapit saakin ngayon.
" Mabuti naman at nakita ka din namin ngayon, ano? Kumusta ang buhay may trabaho? Masaya ba?" Tanong ni Sam sabay higop sa straw ng hawang niyang chocolate drink. Mukhang galing sila sa convenience store dahil may hawak din silang mga supot ng pagkain.
"Hays. Stress ako ngayon, okay? Maiwan kona kayo" wala sa mood na sagot ko at tinalikuran na sila.
"Wait Aurea, bakit hindi ka nalang sumama saamin? You know, shopping.. Gala naman us Sunday naman" lumapit si Eunice saakin sabay hila sa braso ko.
"Oo nga Aurea, bored din kaming dalawa e, Tara na. Wag ka ng kj diyan" sagot pa ni Sam at hinila na ako.
"Fine. Pero pwede bang mag bihis na muna ako?" Hiyaw ko sabay tingin sa shorts at t shirt na suot ko.
"Sure, samahan kana namin" saad ni Eunice sabay hila naman saakin papasok sa loob ng bahay namin.
"Samahan, gusto mo lang niyan makita si Ashwin e, kunwari kapa" biro sakaniya ni Sam.
" Hindi ah, tumigil ka nga " hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa loob.
Sana talaga ay malibang ako kapag sumama ako sa dalawang to.
" Sasama pa ba kayo saakin sa taas? " Hinintay ko sila na sumagot, taka kong tinignan si Eunice na parang may hinahanap.
" Nope, hindi na. Hi Ashwin! Bakit hindi ka nagrereply sa mga dm ko sayo ha? " Napailing ako kay Eunice ng agad niyang nilapitan si Ashwin na naka upo sa sofa habang busy pa din sa ginagawa niya.
" Hintayin ka nalang namin dito, bilisan mo" tumango ako sa sinabi ni Sam kaya agad na din ako umakyat ng hagdan papuntang kwarto.
Hindi din naman ako pweding tumunganga lang dito at magkulong sa kwarto buong araw, baka tuluyan lang akong mawala sa katinuan. Ts.
After ko magbihis, agad na akong bumaba at sakto naman ay nakita ko agad sila na prenteng nakaupo sa sofa habang naghihintay saakin.
" Bakit ba ang choosy mo ha? Ako na nga itong nag fifirst move sayo baby" napailing ako ng makita si Eunice na pilit lumalapit sa kapatid kong si Ashwin at ito namang isa todo ang iwas at halata ang pagkairita sa ginagawa ni Eunice.
Habang si Sam ay tinatawanan lang sila na parang nanunuod ng romcom na movie.
" Ano? Tara na?" Agad ko namang tanong ng makalapit ako sakanila.
"Pwede bang maiwan nalang ako dito? Wala naman kasi sina tita Andrea then si Andrei nasa kabilang bahay, sasamahan ko nalang ang honeycomb butternut ko dito, diba baby--" malapad ang ngiting saad ni Eunice at napatigil ito ng hampasin siya ni Ashwin gamit ang unan na nandito sa sofa.
"Yuck. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Ate paalisin mo na yan dito, ginugulo lang ako oh" sinenyasan ko si Sam na tulungan ako at agad naman itong tumango tyaka namin sabay na hinila patayo si Eunice.
"Argggh. Seryoso ako, promise hindi kita guguluhi---" agad na tinakpan ni Sam ang bibig ni Eunice nang subukan pa nitong magsalita.
"Eunice let's go, maayos nating napagkasunduan kanina na mag bobonding tayong tatlo remember?" Bulong sakaniya ni Sam habang nakatakip pa din ang k**ay nito sa bibig ni Eunice, agad naman tumango si Eunice bilang pagsang-ayon kaya binitawan niya na din ito.
"Fine. Wait me here baby, bibilhan kita ng pasalubong promise. Yung mga anak natin wag mong kalimutan pakainin okay? Dadagdagan pa natin sila ng sampong pares ng kambal. I love you" mahina akong natawa hindi dahil sa kacornihan nitong si Eunice kundi sa nandidiring reaksyon sakaniya ni Ashwin , ito talagang kapatid ko hindi na nasanay dito sa babaeng ito.
~/~
"Uy kapag napagalitan ako dahil dito tulungan niyo akong magpaliwanag huh?" Kinakabahan na saad ni Sam habang nagmamaneho sa sasakyan nila na ginamit namin ng hindi nagpapaalam.
"Idea mo to okay? Labas kami dito" saad ko naman, pano kaya nung last na sinubukan naming mag takas ng sasakyan, muntikan na kaming makasagasa kaya pinagbawalan na talaga kaming ulitin ang bagay na yon pero ang mga to naman hindi na dadala. Halos matrauma na nga ako nang mangyari yon, ayoko ng maalala pa.
~/~
Pare-parehas kaming nakahinga ng maluwang nang makadating kami ng mall ng walang masamang nangyari saamin. Hays.
"See? Sabi ko sainyo marunong na ako mag drive e, ang galing talaga magturo ni Jacob" puri ni Sam sa sarili niya.
"Oo na, marunong kana. Sa susunod kami naman turuan mo ha" sagot naman ni Eunice at lumabas na din ng sasakyan, sumunod naman agad ako sakanila at pumasok na kami sa mall.
Well, medyo matagal na din pala simula ng huli kong punta dito, hindi ko na pa nga napapalitan ang mga lumang gamit ko at yung mga office attire na gamit ko naman ay halos bili ni Mommy lahat.
"So, saan niyo una gustong pumunta? Gusto niyo bang kumain na muna?" Tanong naman ni Sam saamin at sabay namin siyang tinignan.
"Ikaw puro ka talaga lamon. Mabuti pa't mag shopping na muna tayo dahil yun naman talaga ang pinunta natin dito" sagot ko at inunahan silang maglakad papasok sa bilihan ng mga damit.
"Fine, so ililibre mo niyan kami? Yieeee, how's your first sahod ba? I'm sure malaki ang ibibigay sayo ni tito, plus allowance mo pa" kaagad na yumakap sa braso ko si Eunice kaya napailing nalang ako.
"Sakto lang, hindi naman ganun kalaki, pero sige. Since ngayon lang kita ulit nakita ililibre kita." Agad itong ngumiti ng malapad dahil sa narinig niya.
"Pero" sumimangot ulit ito.
"Worth 5k lang ha? Kilala kita mamili, kahit hindi mo kailangan binibili mo, baka mamulubi ako sayo" hinawakan niya ang k**ay ko habang nakanguso pa din.
"Fine. Ang kuripot mo parin, but still thankyou Aurea, mamimili na ako bye" agad itong kumalas ng pagkakahawak saakin at nag simula ng mag tingin tingin.
"How about me naman, ako lagi mo nakakasama pero--" pinutol ko ang sinasabi ni Sam ng yumakap din siya sa braso ko.
" Fine. May magagawa pa ba ako?" Biro ko
"So napipilitan ka lang?" Mahina akong natawa sa sinabi niya.
" Take it, or leave it? " Ngumiti naman ito.
"Syempre take it. Thankyou!" Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko at nagsimula na ding mamili ng mga bibilhin hays, kaya pala nila ako sinama para mag palibre. Sa susunod talaga hindi na ako mag papauto sa dalawang to.
~/~
"What the heck? Ano bang mga pinamili niyo?" Gulat kong tanong ng makita sa counter na lagpas 50k ang bill namin. Taka ko silang tinignan habang si Eunice at kunwari walang naririnig at si Sam naman ay pinagmamasdan ang fake nails na suot nito. Napailing ako bago iabot sa casher ang credit card ko.
Hanggang sa makalabas kami ng department store hindi ko sila pinapansing dalawa.
Hindi naman ako nagagalit dahil sa laki ng gastos namin, or should I say nila pero kasi naman, sinabi ko sakanila na 5k lang ang budget ko sakanila pero hindi sila nakinig saakin.
"Aurea wag ka ng magalit saamin, ganito nalang treat kona ang pagkain natin. Saan mo gusto kumain ha? Kahit saan" Sabi ni Sam at mahinang binangga ang braso ko.
"Sige next time ako naman ang taya. Naubos na kasi yung allowance ko kay Dad e, alam niyo naman mahirap maging fangirl lahat ng merch dapat meron ako" sabay naming tinignan si Eunice at napakamot ito sa ulo niya.
"Puro ka gastos!" Hiyaw namin sakaniya ni Sam at nauna ng maglakad.
"Fine akina nga yang mga pinamili niyo, ako na ang magdala hmp!" Saad pa niya at wala naman kaming pagdadalawang isip na ibigay yon lahat sakaniya.
"Wow ah! Hindi na kayo naawa saakin" bulong niya, bali limang paper bag ang hawak niya sa kanang k**ay niya at apat naman sa kabila.
" You insist diba, tyaka halos gamit mo naman lahat ng nandiyan" natatawa kong saad lalo lang itong sumimangot.
~/~
"Dito nalang tayo kumain, Aurea hanap kana ng table natin, rest room lang ako" Sabi ni Sam habang papasok kami sa isang restaurant na nandito pa din sa loob ng mall, kaagad naman akong tumango.
"Sure" sagot ko naman
"Sasama na ako, naiihi na din ako ih," gulat ko silang tinignang dalawa.
"Babalik din kami agad" paalam niya kaya wala na din akong nagawa at hinayaan na silang umalis.
Napailing ako sa mga paper bags na iniwan ni Eunice kaya no choice ako kundi dalhin ang mga yon habang papasok sa loob ng entrance ng restaurant.
Medyo madaming tao dahil Sunday ngayon, kaya medyo nahirapan ako humanap ng vacant table para saamin.
"Ma'am may vacant table pa po sa taas" napatingin ako sa isang crew na lumapit saakin.
"Thank you" sagot ko at agad lumapit sa may hagdan paakyat sa second floor nitong restaurant.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala ngang masyadong mga tao ngayon dito sa taas.
Napatigil ako sa pag lalakad ng makita si Mom at Dad na nandito din pala.
Ito talagang mga parents ko, gusto lang pala mag bonding hindi manlang kami sinama.
Lalapitan kona sana sila ng muli akong mapahinto ng makita na may kasama pala sila sa table nila.
"L-Laureen?" Bulong ko.
Bakit nila kasama si Laureen ngayon?
Nakangiti si Mommy habang kausap si Laureen at mukha ding masaya si dad. Usually kasi lagi lang itong seryoso pero ngayon parang ang kumportable nila sa isa't isa.
Napailing ako at napagdesisyunan kong bumaba nalang.
Ewan.
Sa iba nalang siguro kami kakain.
Binilisan ko ang pag hakbang ko pababa ng hagdan ng hindi ko napansin na may kasabay pala ako na paakyat naman dahilan para mabangga nito ang braso ko at mabitawan ang ilang paper bags na hawak ko.
"Sorry" sabay naming saad at laking gulat ko ng makita si Theo.
"Aurea?" Gulat din nitong sabi.
"T-Theo" sagot ko naman at agad kinuha sakaniya yung mga paper bags na nahulog ko dahil agad nya yong pinulot.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa niya, agad naman akong umiling.
"W-Wala naman hehe, hinahanap ko yung mga kasama ko.." nilibot ko ang paningin sa restaurant at agad ko naman nakita si Eunice at Sam na papasok na ngayon. "Ayun na pala sila, s-sige mauna na ako. Bye" Hindi kona hinintay ang sasabihin niya at tuluyan ng bumaba ng hagdan para salubungin sina Eunice at Sam.
"Oh Aurea? Wala ka pa bang nahahanap na table para satin?" Tanong ni Sam, mabilis akong umiling.
"Wala e, puno na din pala sa taas. Sa iba nalang tayo kumain" sagot ko at nauna ng lumabas.
"Ganun ba, sayang naman. Masarap pa naman daw ang pagkain dito." Sagot pa niya at sumunod na din sila saakin.
Bakit kaya sila magkakasama? Para saan?
Tyaka bakit hindi manlang sinabi saakin ni Mommy na makikipagkita sila kay Laureen?
May tinatago ba sila saakin?
"Aurea" napatingin ako kay Eunice ng bigla siyang kumaway sa harapan ko.
"H-Ha?" Sagot ko naman.
"Hindi ka naman nakikinig saamin e! Sabi ni Sam okay lang ba kung dito nalang tayo sa fast food kumain dahil puno na ang mga kainan na nadadaanan natin" paliwanag saakin ni Eunice, mabilis naman akong tumango.
"S-Sige, kayo ang bahala" tipid kong sagot at sumunod na sakanila.
~/~
"Sigurado bang ayaw mo sumama saamin sa bahay? Manunuod kami ni Sam ng Netflix--" hindi kona siya pinatapos at lumabas na ng sasakyan.
"Pagod na kasi ako, tyaka maaga pa ang pasok ko bukas e," pagdadahilan ko. Agad naman silang tumango.
"Fine, osya next weekend nalang ulit. Bye Aurea" paalam nila saakin. Tumago ako at agad ng pumasok sa loob ng bahay.
Hapon na din kami nakauwi at talagang napagod ako ngayong araw, pero nawalan na din ako sa mood simula ng makita ko sila na kasama si Laureen. Ewan ko ba bakit ito ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko may bagay talaga na hindi ko alam.
"Ashwin" tawag ko sa kapatid ko ng makita ko siya na nasa sala kasama si Andrei. Parehas pala silang naglalaro nanaman ng ps4
"Nandiyan naba sila mommy" tanong ko. Umiling ito habang di pa din tumitingin saakin dahil busy sila sa paglalaro.
"Wala pa din e, pero tumawag saakin si Mom pauwi na din daw sila" napatango ako dahil sa sinabi niya at dumiretso na sa taas para magpahinga.
Kahit papano ay hindi ko masyado naisip ngayong araw si Xian at hanggang ngayon mukhang wala pa rin siyang balak na kausapin ako. Well, hindi ko naman siya masisisi about doon pero sobra naman yata ang ginagawa niya saakin ngayon na walang pagpaparamdam.
~/~
Dahil siguro sa pagod mag hapon, nakatulog ako at gabi na ako nagising.
Pagtingin ko sa oras na nandito sa wall clock ng kwarto ko ay 8:30pm na din pala, kaya napag desisyunan ko na bumaba na muna para kumuha ng maiinom dahil nakakaramdam ako ngayon ng uhaw.
Paglabas ko ng kwarto, ay agad na din ako bumaba ng hagdan. Habang naglalakad napalingon ako sa may sala ng marinig ang boses ni mom at dad na nag uusap.
bahagya akong lumapit sa may sala para marinig ang pinag uusapan nila.
"I'm so happy to see her. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos" dinig kong sabi ni mommy.
"There are so much time for you to know her. Besides she's also seems happy to meet us." Si Laureen ba ang pinutukoy nila?
Napailing nalang ako at aalis na sana ng muli kong marinig si Dad.
" I'm so proud of her. She had become a successful and a strong independent as I expected."
Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Bakit ba sila ganyan? Anong bang nangyayari?
Kung makapag bigay sila ng compliment kay Laureen akala mo kilalang kilala na talaga nila ito. Kung alam lang talaga nila ang totoong ugali ni Laureen baka biglang magbago ang isip nila.
~/~
Napabalikwas ako sa k**a ng makitang 7:30am na. Nahirapan ako natulog kagabi hindi ko alam kung dahil yon sa pag ooverthink ko o dahil nakatulog din naman ako ng hapon.
Agad akong pumasok sa bathroom para makaligo na at may pasok pa ako ngayon sa office dahil lunes.
After kong maligo, nag ayos na ako at nagmamadaling bumaba para pumunta sa kusina. Nagugutom ako dahil hindi ako nakapag dinner kagabi.
Pagbukas ko ng pinto ng kusina, nakita ko agad sina mommy na busy din sa pagkain ng almusal at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Dad na nandito pa din. Akala ko nakaalis na siya. Nasabi saakin ni mom nung nakaraan na sumabay nalang daw ako kay Dad sa tuwing papasok sa office para makatipid din ako ng pamasahe.
Sa totoo lang nakakatipid naman talaga ako kahit hindi ako sasabay kay Dad dahil hinahatid sundo naman ako ni Xian dati pero ngayon hindi ko alam.
"Good morning, kumain kana ng almusal para makasabay ka sa dad mo papuntang office" saad ni mom at agad ako pinaghanda ng makakain.
"Yes mom, akala ko late na ako" halos pabulong kong sagot.
"Mom, dad I gotta go, madami pa ako gagawin sa university bye" tumayo na si Ashwin dahil tapos na din siyang kumain, ganun din ang ginawa ni Andrei.
" Bye mom, dad, ate." Paalam din nito.
" Mag ingat kayo ha. Andrei yung baon mo ubusin mo okay?! Kapag nakita ko na may tirang pagkain yang lunch box mo, yan din ang ipapabaon ko sayo kinabukasan" agad na napakamot sa ulo si Andrei at tumawa naman si Ashwin.
" Fine " tipid nitong sagot at agad na ding lumabas ng pinto.
Napabuntong hininga ako ng maiwan nalang kaming tatlo ni mom at dad dito sa loob ng kusina.
Tapos na din kumain si Dad pero yung pagkain ko ay hindi pa masyadong nababawasan.
" Sa office ko nalang itutuloy ang pagkain ko, aalis na po ba tayo? " Tanong ko kay Dad, tinignan niya ako at ngumiti.
" You don't have to. Steven told me that you did great last week. To pay your hardwork, I will extended your rest day today. Pero ngayong araw lang okay? Don't stressed yourself in the office. Matatapos mo naman ang lahat ng yon ng hindi nag mamadali" paliwanag saakin ni Dad dahilan para mapangiti ako. Yayakapin kona sana siya ng dahil sa tuwa ng bigla kong maalala yung about kay Laureen.
Hindi ko dapat nararamdaman to pero hindi ko maiwasan na hindi mag selos kay Laureen dahil sa pagiging malapit nito sakanila.
" May problema ba Aurea?" Tanong naman ni mom, kaagad akong umiling.
" T-Thankyou Dad. I promise na mas pagbubutihin kopa ang pagtatrabaho--" sagot ko nalang at pilit na ngumiti. He also smiled and started to stood up.
" I know. Maiwan kona kayo" paalam nito at lumapit kay mom para bigyan ito ng goodbye kiss tyaka na lumabas.
Kami nalang dalawa ni mommy ang naiwan dito kaya binilisan kona ang pag kain ko.
" How's your day yesterday? Nasabi ng kapatid mo na umalis ka daw kasama ang mga kaibigan mo" napalingon ako kay mom ng magsalita siya. Dahan dahan akong tumango.
" It's great mom. Nag shopping lang kami at kumain sa labas" mabilis ko namang sagot. Tumango naman siya kaya hindi na ako muling nagsalita.
Gusto mo sana itanong kung bakit kasama nila si Laureen kahapon kaso wag nalang. Baka ano pa isipin nila saakin.
" You look not alright. Is there something bothering you? " Bigla naman niyang tanong, umiling ako at pilit na ngumiti.
" N-Nothing mom, ayos lang po ako" sagot ko naman at umiwas ng tingin sakaniya.
" Anyway, kumusta na kayo ni Xian? Is he already talked to you? " Tanong nito muli akong umiling at tumingin sa pinggan ko.
" Hindi pa din po e, galit pa din po yata siya saakin" mahinang sagot ko.
" I don't think so, busy lang siguro siya since he started to work in the hospital---" taka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
" W-What do you mean mom? " Tanong ko pa.
" Oh, hindi niya ba nasabi sayo? He's now going to a medical school, and today is his first day. Nasabi lang saakin ni Crisha" ibig sabihin tinuloy niya talaga ang kagustuhan niyang maging doktor. Kaya pala busy siya these days at wala man lang paramdam saakin.
"Ganito nalang, why don't you make him food for lunch para magkaayos na kayo?" nakangiting sabi ni mom. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundin o hindi.
" I can't mom. Pano kung galit pala talaga siya saakin? Okaya hindi tanggapin yung lunch na dadalhin ko para sakaniya? Baka mapahiya lang ako" sagot ko naman at sumimangot.
"I know Xian, hindi ka naman non kayang tiisin" Sabi pa niya.
"But mom" saad ko. Hindi ko talaga alam kung mag wowork yang gusto niyang mangyari o hindi. Ayoko naman din mapahiya no.
"Gusto mo bang magkaayos kayo?" Tanong naman niya.
"Of course, hindi ako sanay ng hindi niya ako kinakausap" pagsasabi ko ng totoo, dahil ngayon lang talaga kami hindi nag usap ng ganitong katagal.
"Then make a move. Aurea hindi naman sa lahat ng oras lalake ang gagawa ng first move. You told me na ikaw ang hindi sumipot sa date niyo noong nakaraan. Paano kung iniisip niya din na ayaw mo talaga siya kaya hindi mo na siya kinakausap?" Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
" What if it didn't work?" Tanong ko pa. Ngumiti ito at seryoso akong tinignan.
" You need to make it worked Aurea. It's alright to fail at least you tried, hindi yung kaya nag fail, dahil wala kang ginawa" sagot nito at kumindat pa. Si Mommy talaga, ganito din ba niya suyuin si dad kapag nag aaway sila?
" Fine mom. Thankyou for helping me " Sabi ko naman . Ngumiti siya at hinawakan ang k**ay ko.
" You're always welcome honey. Xian is really a perfect guy for you." I gave her a hug.
I hope so.
~/~
"Mom are you sure that it gonna work? You know that I'm not that good at cooking right? And never ko pang ipinagluto si Xian" sabi ko at tumingin sa food container na dadalhin ko, it's just a simple chicken afritada, sana tama ako that this is his favorite, I guess.
"Makita niya lang ang effort mo, and that's will be more than enough." Sabi naman niya at nilagay na sa paper bag ang pagkain na hinanda namin.
" Ihatid mo na ito sakaniya habang mainit pa" napatingin ako sa wrist watch na suot ko and it's already 11:30am na din pala. Hindi kona namalayan ang oras dahil sa busy namin sa pagluluto. Sana talaga ay magustuhan niya to.
" Okay mom, mauna na po ako." Paalam ko naman at lumabas na.
Magpapahatid nalang ako sa driver namin since may isa pa namang sasakyan dito na pwede kong gamitin.
Mabuti at alam ni mommy kung saang hospital ngayon nag tatrabaho si Xian at mukhang malapit lang naman yon dito.
~/~
Pagkatapos ng ilang minutong byahe, nakadating na din kami sa hospital at agad na akong pumasok doon.
Hindi alam ni Xian na pupunta ako pero sana hindi ako mahirapan na hanapin siya.
Pupunta na sana ako sa may information desk ng agad ko naman siyang makita na kalalabas lang sa isang room.
Hindi niya agad ako napansin dahil busy ito sa hawak niyang papel. He's now wearing a resident doctor's white gown. Bagay na bagay talaga sakaniya ang ganyang uniform. Kung siya ang magiging doctor ko, siguro hindi kona hahayaan na gumaling pa ako.
" Xian! " Tawag ko naman sakaniya bago siya lapitan. Napahinto ito ng makita ako at halatang hindi makapaniwala na nandito ako.
"Aurea? Why are you here?" Tanong nito at lumapit din saakin.
"Bakit hindi mo sinasabi saakin na start kana pala dito?" Kunwaring nag tatampo kong tanong. Natatawa itong umiling.
"Gusto kong sabihin sayo but you're always busy, remember? Besides akala ko wala ka ng balak na kausapin ako" sagot nito at hindi makatingin saakin ng deretso. I pouted my lips.
"Ikaw nga diyan hindi sinasagot ang mga messages ko." Sabi ko naman. Matagal itong hindi nakasagot.
"Anyway.. I bought you some---" hindi kona natuloy ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Xian" sabay kaming napatingin doon sa isang babae, ito yung nakita ko kahapon na kasama niya. So magkatrabaho pala silang dalawa.
"Sabi mo sabay tayong mag lulunch?" Tanong nito bago ilipat ang tingin saakin.
"Hmm hi? May kasama ka pala, are you his girlfriend?" Tanong naman niya at ngumiti pa. Sasagot na sana ako ng bigla akong unahan ni Xian.
"No, she's just a friend. Aurea si Vielle, resident din dito" pakilala niya naman. Agad naman akong ngumiti dahil sa sinabi niya.
So I'm just a friend lang pala.
Well, tama naman. Ano bang problema ko?
"So let's go? Sayang ang oras baka bigla tayong ipatawag" Sabi naman ni Vielle. Tumingin muna saakin si Xian bago muling sumagot.
"Kumain kana ba?" Tanong naman niya saakin.
"Not yet. Pero ayos lang ako, Sige mauna na ako---" naputol ko ang sinasabi ko ng bigla niyang hawakan ang k**ay ko at sinabay ako sa paglalakad.
" Sumabay ka na saamin. Tyaka Monday ngayon diba? Wala ka bang pasok sa office?" Tanong niya. Pumasok kami sa isang small cafeteria pero halos mga resident lang ang kumakain dito sa loob, nakakahiya tuloy.
"Nah. Binigyan ako ni dad ng one day rest day." Tipid kong sagot at umupo na din sa isang table at umupo din siya sa harapan ko.
"Ako na ang kukuha ng lunch natin, Ikaw Aurea, anong gusto mo?" Si Vielle ang nagsalita.
"Wag na, aalis din ako agad" sagot ko naman dahil ayoko na talaga mag stay pa dito.
Umalis na din siya agad kaya kami nalang ni Xian ang naiwan ulit dito sa table.
Silence.
Kunwari ay nakatingin ako sa mga resident na kumakain din dito at hindi tinitignan si Xian na deretso lang ang tingin saakin.
"Hmm about sa hindi ko pag reply sa mga messages mo-" panimula nito bago bumuntong hininga.
"It's alright. Naiintindihan kong busy ka. Pasensya na sa abala" sagot ko naman at sandali siyang tinignan. Hindi ito agad sumagot.
"Galit kaba saakin?" Nilakasan kona ang loob ko na mag tanong sakaniya dahil gusto ko talagang malaman ang isasagot niya.
"Oo" wala nitong pag aalinlangan na sagot dahilan para malamukot ko ang paper bag na hawak ko. Tama nga ang ako.
"Pero naiintindihan din kita. Siguro hindi lang talaga maganda ang timing natin sa isa't isa-" taka ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong sakaniya.
"Interesado ka pa din ba saakin?" Tanong niya na talagang ipinagtaka ko. Ako dapat ang nagtatanong niyan sakaniya.
Hindi ako agad na sumagot.
Oo, interesado ako sayo. Gusto talaga kita Xian.
Pero bakit hindi ako makapag salita? Nakakainis. Ayokong maging padalos dalos.
"Wag mo ng sagutin" sagot nito ang ngumiti, isang pilit na ngiti.
"Hindi ito ang tamang oras para pag usapan ang bagay na to" Sabi pa niya. Dahan dahan akong tumango.
"Siguro magpapahinga muna ako. We need time and space para makapag isip isip" lalayuan niya na ba ako? Sumusuko naba siya?
" Ititigil mo na ba ang panliligaw saakin? " Deretsang tanong ko at pinilit sabayan ang titig niya saakin.
" I don't know. Mukhang wala din naman mangyayari kapag ipinagpatuloy ko pa, kung nahihiya kang patigilin ako kaya hindi mo yon masabi saakin naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin na piliin ako, ang saakin lang hindi mo dapat ako pinaghintay ng matagal" mabilis akong napaiwas ng tingin sakaniya dahil sa sinabi niya.
Agad akong umayos ng upo ng dumating na si Vielle ma may dalang isang tray. Agad itong tumabi kay Xian kaya iniwas na din saakin ni Xian ang mga tingin niya.
"P-Pasensya na kung naramdaman mong pinaghintay kita ng matagal sa wala. M-Mauna na ako, madami din akong gagawin" hindi kona siya muling nilingon at mabilis ng lumabas ng pinto. Derederetso lang ako hanggang sa makalabas ako ng hospital.
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko ng maramdaman ang pagkawala ng luha ko.
Kasalanan mo to Aurea. Bakit ba kasi ang arte mo? Gusto mo siya pero hindi mo man lang yon binigyan ng halaga noong mga panahon na kasama mo siya, tapos ngayong wala na, iiyak iyak ka.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Tyaka ko lang napagtanto na hindi ko dala ang paper bag na may lamang pagkain para kay Xian.
Naiwan ko pa ata yon doon.
"Aalis na po ba tayo ma'am?" Tanong nung driver ko. Dahan dahan akong tumango. Bahala na nga. Itapon niya kung gusto niya. Nakakainis. Hindi nalang pala dapat ako nagpunta dito.
~/~
" How is it Aurea? Nagustuhan niya ba--" hindi kona pinatapos ang sinasabi ni mom nang salubungin niya ako dito sa loob ng bahay. I shook my head saying 'no.
" I don't know if he is mad at me or what. He just told me that he is going to stop courting me. Ano bang nagawa kong m-mali?" Hindi ko maiwasan na hindi mautal habang nag eexplain kay mommy, dahilan para mabilis na muling kumawala ang luha sa mga mata ko.
I don't even know why I'm crying like this.
" Shh. It's alright honey, just give him some space for the mean time. Baka masyado lang din siyang busy sa schedule niya--" Sabi naman niya at mabilis akong niyakap para patahanin, mabilis kong iniling ang ulo ko.
" Hindi naman ganon si Xian mom, pakiramdam ko talaga may nagawa akong mali kaya siya nagkakaganyan saakin ngayon. Kung dahil yon sa hindi ko pag sipot sa date namin, napakababaw niya naman kung ganon" inis kong pinahid ang luha ko. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako o hayaan nalang siya sa naging desisyon niya.
~/~
Buong araw akong nagkulong dito sa kwarto ko. Ayokong umiyak lang ng umiyak dito dahil hindi naman naging kami pero may part pa din saakin na nasasaktan dahil sa ginawa niya.
Kung maaga ko ba siyang sinagot magiging masaya pa ba kami hanggang ngayon? O masasaktan at masasaktan niya pa din ako?
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng biglang may kumatok doon.
Tamad akong tumayo para buksan ang pinto.
Napabuntong hininga ako ng makita ko ang kapatid kong si Andrei.
"Bumaba kana daw sabi ni mommy!" Hiyaw nito at hindi na hinintay ang sagot ko dahil agad na itong umalis. Napailing ako at muling pumasok sa loob ng kwarto para ayusin ang sarili ko.
Alas otso na pala ng gabi, simula kaninang tanghali ay hindi pa ako kumakain.
Pagkatapos ay napagdesisyunan ko na lumabas na nga. Nagugutom na din ako at hindi ako pweding mag inarte ngayon dahil may pasok na din ako bukas.
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko si Xian na kapapasok lang at nasa sala na.
Agad itong lumingon sa banda ko dahilan para magkasalubong ang tingin naming dalawa.
Bumaba ang tingin ko sa paper bag na dala niya.
S**t. Ito yung paperbag na dinala ko sakaniya kaninang tanghali na may lamang mga pagkain..
Mabilis akong tumalikod at babalik nalang sana sa taas ng mabilis niya akong tinawag.
"Aurea" huminto ako pero nanatili lang na nakatalikod. Naramdaman ko ang paglapit niya.
Hindi ako nagsalita.
"Thankyou for this-" hindi kona siya pinatapos dahil nahihiya ako ngayon sakaniya.
"Si Mommy ang may idea niyan, nasa dining yata sila. Sakaniya mo na ibalik yan" sabi ko habang nakatalikod pa din at muli na sanang maglalakad ng magsalita ulit siya.
" Pwede ba tayong mag usap " bumuntong hininga ako. Para saan pa.
" Ano pang pag uusapan natin " walang gana kong tanong.
" Please? " Nilingon ko siya at dahan dahang tumango.
" Fine, pero sandali lang" hindi kona siya hinintay na sumagot at kaagad nang nag lakad patungo sa likod ng bahay. May pinto naman na malapit dito kaya agad din kaming nakapunta dito sa labas kung saan may roon kaming mini garden na pwedeng tambayan.
Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya agad akong umupo sa isa sa mga steel chair na nandito.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makaupo din siya dito sa tabi ko. Ts, bakit dito pa siya umupo? Pwede naman sa ibang upuan na malayo saakin? Ewan ko ba, hanggat nararamdaman ko ang presensya niya na malapit saakin naiinis ako at gusto siyang saktan kahit na wala naman siyang ginagawang masama. Hays.
Silence..
Itinaas ko ang dalawa kong paa paakyat dito sa upuan at niyakap ang dalawang tuhod ko. Gabi na kasi at medyo malamig pa dahil sa simoy ng hangin dito sa labas.
"Anong sasabihin mo" seryoso kong tanong habang deretso lang ang tingin sa mga halaman na nandito. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago magsalita.
"Ikaw? Wala ka bang sasabihin saakin" nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Ano pa bang dapat kong sabihin sakaniya?
"Akala ko ba titigil kana sa panliligaw? Ano pa bang pag uusapan natin?" Lakas loob na tanong ko. Nakita ko sa peripheral vision ko at paglingon niya saakin habang ako ay deretso pa din ang tingin.
"Wala naman akong sinabi na titigil ako" sagot nito. Napailing ako.
"Sabi mo wala na ding dahilan para magpatuloy ka diba? Bakit ba bigla mong nasabi ang bagay na yon? Dahil lang ba doon sa date natin na hindi ako nakapunta? Ganon bang kalaking issue yon sayo? Dahil alam kong wala naman akong bagay na nagawa para magkaganyan ka sakin ngayon." Pagpapatuloy ko hindi ko talaga ma gets kung bakit siya nagkakaganyan.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa.
"Hindi naman ako ganoong kababaw para layuan ka ng dahil lang doon Aurea" seryoso nitong saad dahilan para makaramdam ako ng kaba. Ngayon lang kami nagkaroon ng misunderstanding na ganito.
" Then what? Sabihin mo saakin" Sabi ko at seryoso din siyang tinignan.
" Bakit ka nagsinungaling?" Tanong niya na lalo kong ipinagtaka.
" A-Anong ibig mong sabihin? " Naguguluhan kong tanong.
" Nakita kita na kasama si Jasper noong araw na yon. Hindi naman ako magagalit kung magpapaalam ka saakin na sasamahan mo siya o may gagawin kayo, pero bakit ka nag sinungaling? " Sumeryoso ako ng tingin sakaniya dahil sa sinabi niya. I felt guilt. Hindi ko alam na alam niyang magkasama kami ni Jasper noong gabing yon.
" I-I'm sorry Xi" tanging nasabi ko dahilan para agad siyang mapaiwas ng tingin saakin, bumuntong hininga ako. Kailangan kong bumawi.
" Gusto mo ba siya? " Agad naman akong umiling dahil sa tanong niya.
" No " agad kong sagot." Bakit mo naman yan natanong " nagkibit balikat siya at tumayo na.
" Nothing, gusto ko lang malaman " simpleng sagot niya habang nakatingin sa akin.
" How about me? " Nagulat ako ng lumapit siya saakin sabay hawak sa magkabilang balikat ko. Lumapad ang ngiti niya na parang alam na kung ano ang isasagot ko.
" Ano bang klasing tanong yan " medyo may ilang kong sagot dahilan para agad mabura ang malapad niyang ngiti sa mukha. Binitawan niya ako at tinalukuran na kaya agad akong tumayo para pigilan siya.
" S-Syempre gusto kita, isn't obvious? Halos mabaliw ako dahil sa ilang araw mong di pagkausap saakin, at galit ako sayo dahil nagagawa mo na akong tiisin ngayon" nagulat ako dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko dahilan para agad akong mapaiwas ng tingin sakaniya.
" I-I mean,-- " magsasalita pa sana ako nang muli niya akong nilapitan at pinag siklop ang mga k**ay naming dalawa.
" Shh. No need to explain yourself. I'm sorry if you felt ignored. I didn't meant that, swear. I just want you to realize that I'm also important to you that you need to prioritize. Pardon me if you think that I've done too much" he gently kissed my forehead and gave me a tight hug.
Again, I felt love, and secured.
" I'm sorry if I made you feel unimportant, babawi ako" I said with sincerity.
" Bati na tayo? " I nodded. Ngumiti siya at inayos ang mga hibla ng buhok ko.
" I love you " naramdaman ko ang unti unting pagbilis ng pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya, did he really mean it?
" Xian " mahina kong tugon.
He love me as a what? Friend?
" Kahit wag mo muna sagutin. I'll wait " sagot naman niya at umayos na ng tayo.
" Hmm. It's already time. May shift pa ako sa hospital bukas, " Sabi niya ulit bago ako talikuran.
Kailangan ko na din bang sabihin kung ano ang tunay kong nararamdaman para sakaniya?
Huminga ako ng malalim bago muling magsalita
It's a matter of time and chances. Kung hindi ko ngayon sasabihin, kailan?
" I love you too " Saad ko, tama lang para madinig niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang ilang segundong hindi siya umimik at lumingon. I think he didn't expect the words that I've said awhile ago.
" Is it a yes ?" Tanong niya naman sabay lingon saakin, he is dumbfounded.
" I-I think so " medyo may hiya kong sagot. Argh. Mukha ba akong desperate ngayon sakaniya?
" R-Really? Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala na tanong niya. " Or baka na pressure ka lang ngayon kaya mo yan nasasabi?" Pagpapatuloy niya. I rolled my eyes at him.
" Ayaw mo?" Tanong ko at lumapit sakaniya.
" W-what do you mean? " Well, kailangan kona yatang mag first move ngayon.
" I love you Xian, not as a friend. Let's be a couple-- hmm " Hindi kona natapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako agad nakapag react ng dahil sa gulat.
" I love you so much Aurea, I'll do everything to be a perfect boyfriend to you, I promise" I smiled. I didn't expect this. Parang kanina lang, sobrang sama ng loob ko sakaniya, and in just a snap, nawala agad yon at napalitan ng saya.
Sana hindi na matapos ang gabing to.
TO BE CONTINUE ❤️
~ sorry for super late update😌
~ thankyou so much sa mga walang sawang naghihintay pa rin kahit walang kasiguraduhan kung kelan ulit ang mga updates ko. It's really appreciated🥺
Love stories ba hanap nyo?! just simply like our page! Hindi kayo mag sisisi promise
WP ACCOUNT LoveStories432 -LoveStory