Islamic Dawah

  • Home
  • Islamic Dawah

Islamic Dawah ANG PAG-AARAL SA KANYANG RILIHIYON AY OBLIGADO SA ISANG MANANAMPATAYANG MUSLIM

💯  Mga Tagubilin mula sa Maluwalhating Qur'an ✅  1. Huwag maging bastos sa pananalita (3:159) 2. Pigilan ang galit (3:13...
26/10/2025

💯 Mga Tagubilin mula sa Maluwalhating Qur'an ✅

1. Huwag maging bastos sa pananalita (3:159)
2. Pigilan ang galit (3:134)
3. Maging mabuti sa iba (4:36)
4. Huwag maging mayabang (7:13)
5. Patawarin ang iba sa kanilang mga pagkakamali (7:199)
6. Magsalita sa mga tao nang mahinahon (20:44)
7. Hinaan ang iyong boses (31:19)
8. Huwag mong kutyain ang iba (49:11)
9. Maging masunurin sa mga magulang (17:23)
10. Huwag magsalita ng kawalang-galang sa mga magulang (17:23)
11. Huwag puma*ok sa pribadong silid ng mga magulang nang hindi humihingi ng pahintulot (24:58)
12. Isulat ang utang (2:282)
13. Huwag sumunod kaninuman nang bulag (2:170)
14. Bigyan ng mas maraming oras upang magbayad kung ang may utang ay nasa mahirap na panahon (2:280)
15. Huwag kumain ng tubo (2:275)
16. Huwag makisali sa panunuhol (2:188)
17. Huwag sirain ang pangako (2:177)
18. Panatilihin ang tiwala (2:283)
19. Huwag ihalo ang katotohanan sa kasinungalingan (2:42)
20. Maghukom nang may katarungan sa pagitan ng mga tao (4:58)
21. Tumayo nang matatag para sa katarungan (4:135)
22. Ang kayamanan ng mga patay ay dapat ipamahagi sa mga miyembro ng kanilang pamilya (4:7)
23. Ang mga babae ay may karapatan din sa mana (4:7)
24. Huwag kainin ang ari-arian ng mga ulila (4:10)
25. Protektahan ang mga ulila (2:220)
26. Huwag ubusin ang kayamanan ng isa't isa nang hindi makatarungan (4:29)
27. Subukang makipagkasundo sa pagitan ng mga tao (49:9)
28. Iwasan ang paghihinala (49:12)
29. Huwag mag-espiya o manlibak (49:12)
30. Ang mga hindi humatol ayon sa mga pahayag ng Diyos ay mga gumagawa ng mali (5:45)
31. Gumugol ng kayamanan sa pagkakawanggawa (57:7)
32. Hikayatin ang pagpapakain sa mahihirap (107:3)
33. Tulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng paghahanap sa kanila (2:273)
34. Huwag gumastos ng pera nang labis (17:29)
35. Huwag pawalang-bisa ang kawanggawa sa pamamagitan ng mga paalala (2:264)
36. Parangalan ang mga panauhin (51:26)
37. Mag-utos ng katuwiran sa mga tao lamang pagkatapos mong gawin ito sa iyong sarili (2:44)
38. Huwag gumawa ng pang-aabuso sa lupa (2:60)
39. Huwag hadlangan ang mga tao sa pagpunta sa mga mosque (2:114)
40. Makipag-away lamang sa mga lumalaban sa iyo (2:190)
41. Panatilihin ang kagandahang-asal ng digmaan (2:191)
42. Huwag tumalikod sa labanan (8:15)
43. Walang pamimilit sa relihiyon (2:256)
44. Maniwala sa lahat ng mga propeta (2:285)
45. Huwag makipagtalik sa panahon ng regla (2:222)
46. ​​Pakainin ang iyong mga anak sa loob ng dalawang kumpletong taon (2:233)
47. Huwag kahit na lumapit sa labag sa batas na pakikipagtalik (17:32)
48. Pumili ng mga pinuno ayon sa kanilang merito (2:247)
49. Huwag pabigatin ang isang tao nang higit sa kanilang saklaw (2:286)
50. Huwag mahati (3:103)
51. Pag-isipang mabuti ang mga kababalaghan at paglikha ng sansinukob na ito (3:191)
52. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay may pantay na gantimpala para sa kanilang mga gawa (3:195)
53. Huwag magpakasal sa mga kadugo mo (4:23)
54. Ang mga lalaki ay tagapagtanggol ng mga babae (4:34)
55. Huwag maging kuripot (4:37)
56. Huwag panatilihin ang inggit (4:54)
57. Huwag magpatayan (4:92)
58. Huwag maging tagapagtanggol para sa panlilinlang (4:105)
59. Huwag makipagtulungan sa kasalanan at pagsalakay (5:2)
60. Makipagtulungan sa katuwiran (5:2)
61. 'Ang pagkakaroon ng nakararami' ay hindi isang pamantayan ng katotohanan (6:116)
62. Maging makatarungan (5:8)
63. Parusahan ang mga krimen sa isang huwarang paraan (5:38)
64. Magsikap laban sa makasalanan at labag sa batas na mga gawa (5:63)
65. Ang mga patay na hayop, dugo, ang laman ng baboy ay ipinagbabawal (5:3)
66. Iwasan ang mga nakalalasing at alak (5:90)
67. Huwag magsugal (5:90)
68. Huwag insultuhin ang mga diyos ng iba (6:108)
69. Huwag bawasan ang timbang o sukat para manloko ng mga tao (6:152)
70. Kumain at uminom, ngunit huwag maging labis (7:31)
71. Magsuot ng magagandang damit sa mga oras ng panalangin (7:31)
72. Protektahan at tulungan ang mga naghahanap ng proteksyon (9:6)
73. Panatilihin ang kadalisayan (9:108)
74. Huwag kailanman mawalan ng pag-asa sa Awa ni Allah (12:87)
75. Si Allah ay patatawarin ang mga gumawa ng mali dahil sa kamangmangan (16:119)
76. Ang paanyaya sa Diyos ay dapat na may karunungan at mabuting pagtuturo (16:125)
77. Walang sinuman ang magdadala ng mga kasalanan ng iba (17:15)
78. Huwag patayin ang iyong mga anak dahil sa takot sa kahirapan (17:31)
79. Huwag ituloy yaong wala kang kaalaman (17:36)
80. Lumayo sa kung ano ang walang kabuluhan (23:3)
81. Huwag puma*ok sa bahay ng iba nang hindi humihingi ng pahintulot (24:27)
82. Si Allah ay magbibigay ng katiwasayan para sa mga naniniwala lamang kay Allah (24:55)
83. Lumakad sa lupa sa pagpapakumbaba (25:63)
84. Huwag pabayaan ang iyong bahagi ng mundong ito (28:77)
85. Huwag humingi ng ibang diyos kasama ng Allah (28:88)
86. Huwag makisali sa homoseksuwalidad (29:29)
87. Mag-utos ng tama, ipagbawal ang mali (31:17)
88. Huwag lumakad nang may pagmamataas sa lupa (31:18)
89. Ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng kanilang kasuotan (33:33)
90. Si Allah ay nagpapatawad sa lahat ng kasalanan (39:53)
91. Huwag mawalan ng pag-asa sa awa ng Allah (39:53)
92. Itaboy ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan (41:34)
93. Magpasya sa mga gawain sa pamamagitan ng pagsangguni (42:38)
94. Ang pinakamarangal sa inyo ay ang pinaka matuwid (49:13)
95. Walang monasticism sa relihiyon (57:27)
96. Ang mga may kaalaman ay bibigyan ng Allah ng mas mataas na antas (58:11)
97. Tratuhin ang mga di-Muslim sa isang mabait at patas na paraan (60:8)
98. Iligtas ang iyong sarili mula sa kasakiman (64:16)
99. Humingi ng kapatawaran kay Allah. Siya ay Mapagpatawad at Maawain (73:20)
100. Huwag itaboy ang nagpetisyon/ pulubi (93:10)

26/10/2025

SULOSYON SA LAHAT NG PROBLEMA AY SALAH❗❗❗

👉Kung ikaw ay may nakakaranas ng anumang problema, magdasal ka!
Tunay na maramdaman mo ang ganap na katiwasayan❤

👉 Kapag ninais ng Mahal na Propeta ang katahimikan (peace of mind) ay kanyang sasabihin kay Bilal:
"Oh Bilal❗tumawag kana ng Azan upang tayo ay makaramdam ng kapahingaan (peace of mind)" Authentic na Hadith

👉Sa ibang Hadith: "Gawin mo (Allah) ang Salah bilang Kapanatagan ng aking mata"

👉(tested and proven)👍
Sa tuwing matapos tayo mag-WUDU ay napakagaaan ang ating pakiramdam (maginhawa / matiwasay at higit sa lahat malamig sa pakiramdam)- kahit pa buong maghapon ka napagod sa gawain ay Makakalimutan mo ang lahat ng kalungkutan at problema sa mundo. Paano nalang kung ikaw ay mag-SALAH na?!

👉Idagdag mo rin ang DHIKR (paggunita kay Allah tulad ng pag-TASBIH) dahil ito ay PARAISO SA MUNDO👍

👉Sinabi ni Shaikhul Islam Ibn Taimiyyya:
"Katunayan, napapaloob so mundong ito ang Paraiso "Jannah" Sinuman ang hindi nakapa*ok rito ay hindi siya makakapa*ok sa Paraiso sa huling araw" Ito ang: "PAGGUNITA SA ALLAH"👍🌹

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "يا بلال أقم الصلاة أرحنا بها"رواه أبو داود وحسن إسناده الألباني

✍️ Zulameen Sarento Puti

26/10/2025

Assalamu alaikum wa Ramatullahi wa barakatu kumusta mga kapatid. Naway ilayo kayo Ni Allâh(swt). Sa. Mga kalamidat at Salina na kanyang ipinadala sa kalupaan sanhi ng kasamaan ngga two tayo mga Muslim laying mag tawabah

07/10/2025

PANGHIKAYAT TUNGO SA MGA PARAISO

Ini-encourage palagi ng Propeta ﷺ ang kanyang mga Sahabah (mga kasamahan) sa pagsisikap at pag-uunahan tungo sa mga Paraiso, dahil ang tao kapag nagustuhan niya ang anomang bagay ay doon niya itutuon ang kanyang pagsisikap, kaya magiging magaan sa kanya ang lahat ng mga mahihirap na madaanan niya para lang makarating sa kanyang nagugustuhan, at mawawalan ng halaga para sa kanya ang lahat ng bukod pa sa kanyang nagugustuhan.

Ganyan ang kalagayan ng mga Sahabah, walang mahirap sa kanila para sa mga Paraiso, nawala o di-kaya'y lumiit ang pagnanasa nila sa mga palamuti at kinang ng mundo, ALANG-ALANG SA MGA PARAISO.

Banggitin natin ang iilan sa mga sinabi ng Rasulullah ﷺ:

1. Sa Hadith:
"أَلَا مُشَمِّرٌ لِلْجَنَّةِ؛ فَإِنَّ الْجَنَّةَ لَا خَطَرَ لَهَا، هِيَ وَرَبِّ الْكَعْبَةِ نُورٌ يَتَلَأْلَأُ، وَرَيْحَانَةٌ تَهْتَزُّ، وَقَصْرٌ مَشِيدٌ، وَنَهَرٌ مُطَّرِدٌ، وَفَاكِهَةٌ كَثِيرَةٌ نَضِيجَةٌ، وَزَوْجَةٌ حَسْنَاءُ جَمِيلَةٌ، وَحُلَلٌ كَثِيرَةٌ، فِي مَقَامٍ أَبَدًا، فِي حَبْرَةٍ وَنَضْرَةٍ، فِي دَارٍ عَالِيَةٍ سَلِيمَةٍ بَهِيَّةٍ." قَالُوا: نَحْنُ الْمُشَمِّرُونَ لَهَا يَا رَسُولَ اللهِ. قَالَ : "قُولُوا: "إِنْ شَاءَ اللهُ." ثُمَّ ذَكَرَ الْجِهَادَ، وَحَضَّ عَلَيْهِ.
"Sino ang magsisikap nang buong katapatan para sa Paraiso? Sapagkat walang katulad ng Paraiso. Sumpa man sa Panginoon ng Ka'bah, ito ay kumikinang na liwanag, mabangong halimuyak ng hangin sasambulak, matayog na palasyo, umaagos na ilog, masaganang hinog na prutas, isang magandang asawa at maraming magagandang kasuotan, sa isang palasyo ng walang hanggang tahanan, sa kaginhawahan at karangyaan, sa magaganda, matibay ang pagkakagawa, matatayog na tahanan." Sinabi nila: 'Kami ay magsisikap nang buong katapatan para rito, Ya Rasulallah.' Sinabi niya: "Sabihin ninyong: IN SHĀ ALLAH." At pagkatapos ay binanggit niya ang Jihad at hinikayat sila rito. ~Inulat ni Ibnu Majah, dhaif.

2. Sinabi ng Allah sa Hadith Qudsy:
أعددت لعبادي الصالحين ما لا عين رأت، ولا أذن سمعت، ولا خطر على قلب بشر.
"Inihanda Ko para sa Aking mga MATUTUWID NA ALIPIN ang mga bagay na hindi pa nakita ng mata, hindi pa narini ng tainga, at hindi pa sumagi sa isip ng tao." Pagkatapos sinabi ng Rasulullah ﷺ: "Basahin ninyo kung nais ninyo ang:
فلا تعلم نفس ما أخفي لهم من قرة أعين جزاء بما كانوا يعملون.
"Walang kaluluwa [o tao] ang nakaaalam kung anong kasiyahan ang ikinubli sa kanilang mga paningin bilang kabarayan nang dahil sa anumang kanilang lagi nang ginagawa." ~Inulat ni Bukhari at Muslim.

3. Sinabi ni Ibnu Abbas -رضي الله عنه-:
ليس في الجنَّة شيءٌ ممَّا في الدُّنيا إلا الأسماء.
"Walang napapaloob sa Paraiso na anomang bagay na nasa mundong ito maliban na ito'y MAGKAKAHAWIG LAMANG SA MGA PANGALAN." ~Inulat ni Baihaqi.

4. Sa Hadith:
خلق الله جنة عدن بيده، ودلى فيها ثمارها، وشق فيها أنهارها، ثم نظر إليها فقال لها: تلكلمي، فقالت: قد أفلح المؤمنون، وقال: وعزتي لا يجاورني فيك بخيل.
"Nilikha ng ALLAH ang JANNATU 'ADN sa pamamagitan ng KANYANG KAMAY, at inilapit Niya roon ang mga prutas, at pinadaloy Niya doon ang mga ilog, pagkatapos ay tiningnan siya ng Allah at nagwika sa kanyang: 'Magsalita ka.' At kanyang sinabing: 'Katotohanan, nagtagumpay ang mga Mu'min.' At sinabi ng Allah na: "Sumpa man sa Aking Kapangyarihan, hindi Ako makikipagkapitbahay sa iyo ng kuripot." ~Inulat ni Tabarani sa "Mu'jam".

Ang pinakamalakas na nakahihikayat sa atin sa Paraiso ay ang malaman mo na ang mundong ito na ating ginagalawan ay PUNONG-PUNO NG MGA PAGSUBOK AT PROBLEMA, KAHIT ANG MGA PINUNO, MGA MAYAYAMAN, AT MAHIHIRAP.
Sinabi ng Rasulullah ﷺ:
لم يبق من الدنيا إلا بلاء وفتنة.
"Wala ng natitira sa mundo maliban sa pagsubok at fitnah." ~Inulat ni Ibnu Majah.
At yan ay nakikita na natin sa panahon natin ngayon, at ang magtatagumpay ay ang nagsisikap para sa mga paraiso, sapagka’t doon lamang ang tunay na pagpapahinga. Tinanong si Imam Ahmad Bin Hanbal -رحمه الله- kung kailan makapagpapahinga ang aliping lingkod? Tugon niya:
عند أول قدم يضعها في الجنة.
"SA UNANG PAGLAPAT NG KANYANG PAA SA PARAISO."
طبقات الحنابلة ٢٩٣/١

➡️ Ang isang mananampalataya ay dapat maging mapanuri bago magsalita, tiyaking totoo at makabubuti ang kanyang sinasabi....
06/10/2025

➡️ Ang isang mananampalataya ay dapat maging mapanuri bago magsalita, tiyaking totoo at makabubuti ang kanyang sinasabi. Kung ang isang bagay ay magdudulot ng hidwaan, mas mainam na manahimik na lamang!

Sinabi ni Imam Ad-dahabiy (Rahimahullah):

“Kasuklam-suklam kay ALLAH ang taong nagpapakalat ng kasinungalingan at ang taong nagdadala ng tsismis.”

- Dapat nating iwasan ang pagpapakalat ng kasinungalingan at tsismis dahil ito ay nagdudulot ng alitan, pagkasira ng tiwala, at galit sa kapwa.

- Ang isang Muslim ay dapat maging maingat sa kanyang salita at tiyaking totoo, makatarungan, at kapaki-pakinabang ang kanyang sinasabi.

Sinabi ng Propeta

وإنَّ الكَذِبَ يَهْدِي إلى الفُجُورِ، وإنَّ الفُجُورَ يَهْدِي إلى النَّارِ، وإنَّ الرَّجُلَ لَيَكْذِبُ حتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ كَذَّابًا

“Tunay na ang pagsisinungaling ay nagtutulak tungo sa kasamaan, at ang kasamaan ay nagtutulak tungo sa Impiyerno, At ang taong patuloy na nagsisinungaling siya ay itatala sa harap ng Allah bilang isang taong sinungaling.”

✍🏼 Abubassam Muhaymin

02/10/2025

Ang tunay na relihiyon ay Islam

02/10/2025

Sila'y mga Bagong yakap sa Islam at nagsusumikap na matoto kung paano itayo ang Tamang Salah O Pagdarasal Yâ Allâh Naway gawin mong magaan sa kanila at matutunan nila lahat at maitayo ang Tamang Pagdarasal upang Sambahin at dakilain ka Yâ Allâh 🤲🤲 patatagin mo sila Sa Iyong Religion Ibinigay mo kay Propheta Ibrahim ang Ama ng mga Mananampalataya Allâhummâ Ameen Yâ Rabbil Alâmeeen


DISCLAIMER: NO copyright infringement intended! Copyright Disclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976. I do not own the audio in this video. They belong to their rightful owners.For Entertainment purposes only..

This Video Courtesy to the owner Kuya Bob

🌟 Ang Kwento ni Propeta Lūṭ (عليه السلام) at ang Kanyang Asawa – Aral at Paalala 🌟Si Propeta Lūṭ (عليه السلام) ay ipinad...
02/10/2025

🌟 Ang Kwento ni Propeta Lūṭ (عليه السلام) at ang Kanyang Asawa – Aral at Paalala 🌟

Si Propeta Lūṭ (عليه السلام) ay ipinadala ng Allah upang anyayahan ang kanyang mga kababayan na magsisi, talikuran ang mga kasalanan, at iwasan ang mga kahalayan. Ngunit sa halip na sumunod, sila ay nagpatuloy sa kanilang pagkamakasalanan at hindi pananampalataya. Dahil dito, ipinadala ng Allah ang Kanyang mga anghel upang balaan si Lūṭ at ang kanyang pamilya tungkol sa parusang darating.

📖 Sabi ng Allah tungkol sa asawa ni Lūṭ:
“Kaya Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, maliban ang kanyang asawa; itinakda Namin na siya ay mapabilang sa mga maiwan at mapahamak.” (Surah An-Naml, 27:57)

👉 Ang asawa ni Lūṭ ay walang malasakit sa utos ng Allah at hindi sumunod sa panawagan ng kanyang asawa. Siya ay kabilang sa mga hindi naniwala at tumanggi sa katotohanan, kaya’t naging bahagi siya ng mga napahamak.

🔑 Aral (ʿIbrah):
Ang pagiging malapit sa isang Propeta, pagkakamag-anak, o pagiging asawa ng isang mabuting tao ay hindi sapat upang maligtas kung walang pananampalataya at pagsunod. Ang tunay na kaligtasan ay nasa pananampalataya, paggawa ng mabuti, at pagsunod sa katotohanan.

✨ Ang paglayo sa kasalanan at ang pagsunod sa daan ng Allah ang tanging paraan tungo sa kaligtasan.

Isinalin sa wikang Tagalog

New Muslim Academy - Philippines

27/09/2025

ANG PAGPANAW NG M***I NG SAUDI ARABIA🤲🤲🤲👉 Kapapasuk lamang ng balita ang pagpanaw ng M***I ng Saudi Arabia na si Shaikh ...
23/09/2025

ANG PAGPANAW NG M***I NG SAUDI ARABIA🤲🤲🤲

👉 Kapapasuk lamang ng balita ang pagpanaw ng M***I ng Saudi Arabia na si Shaikh Abdul Azeez Al-Shaikh

Isang napakalaking kawalan sa Ummah ang kanyang pagpanaw❗❗❗

👉Hadith: "Ang mata ay lumuluha, ang puso ay nalulumbay, at ang tanging masasabi lamang ay kung ano ang ikasisiya ng ating Tagapaglikha (Allah)...." (Bukhari #1241)

"Inna lillahi wa inna ilayhi rajioon"

👉Nawa'y igawad ni Allah sa iyo ang Kanyang Habag at Patawarin ang iyong mga pagkukulang at pagsamahin tayong lahat na mananahanan sa Kanyang Jannah. "Ameen"🤲🤲🤲

👉 Kapag ibinalita sa amin ang pagpanaw ng isa sa mga Ahlus Sunnah ay para bagang nawalan kami ng ilang parte sa aming mga katawan🤲😥

✍ Zulameen Sarento Puti

NAPAKARAMING GANTIMPALA ANG HAKBANG PATUNGONG MASJID❗❗❗👉 Narito ang iilan sa kahigitan ng iyong hakbang patungong Masjid...
19/03/2025

NAPAKARAMING GANTIMPALA ANG HAKBANG PATUNGONG MASJID❗❗❗

👉 Narito ang iilan sa kahigitan ng iyong hakbang patungong Masjid:

1- Ang kanang hakbang ay nag-aangat sa tao sa pinaka mataas na antas sa paraiso

2- Ang kaliwang hakbang ay nagpapawi ng kasalanan (napapatawad)

3- Ang Hakbang ay katumbas ng Ribat (pakikibaka sa landas ni Allah)

4- Sila na naglalakad patungong Masjid ay binibigyan ng kumpletong liwanag sa araw ng paghuhukom

5- Ang siyang pinaka malayo ang nahakbang ay magkakamit ng pinaka malaking gantimpala!

👉 Alalahanin na ang iyong hakbang patungong MASJID at pabalik sa iyong tahanan ay punong-puno ng biyaya, walang hanggang gantimpala, at kabilang sa iyong mga Sadaqa (kawanggawa)!!

👉 NARITO ANG IILAN SA MGA BATAYAN!

♦️a- Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang biyaya at kapayapaan): "Ninanais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang mga nakakapawi ng inyong kasalanan at nag-aangat ng inyong karangalan?…Paramihin ang hakbang patungong Masjid.” Inulat ni Imam Muslim

♦️b-Karugtong ng Hadith: “Ito ay isang Ribat (pakikibaka sa landas ni Allah).

♦️c-Sa ibang Hadith: “Ang kalilwang hakbang ay nagpapawi ng kasalanan at ang kanang hakbang ay nagtataas ng kanyang antas sa Paraiso" Inulat ni Imam Muslim

♦️c- Hinangad ng Banu Salama na lumipat at magpatayo ng bahay na malapit sa Masjid ng propeta dahil ang kanilang tahanan ay malayo sa Masjid.
Sinabi ng Mahal na Propeta: "Huwag na kayong lumipat dahil ang lahat ng inyong hakbang patungong Masjid ay inyong magiging tanda (gagantimpalaan kayo ng malaki sa araw ng paghuhukom)

♦️e- Sinabi ng Mahal na Propeta: "Ang pinaka malaking gantimpala ay sila na malayo ang nahakbang. Magpalayo ng habang" Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: ”ألا أدلكم على ما يمح الله به الخطايا, ويرفع به الدرجات؟.....كثرة الخطا إلى المساجد.“ رواه مسلم 251
حديث: "فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ , فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ" رواه مسلم 251
حديث: " خَطْوَتَاهُ إِحْدَاهُمَا تَحُطُّ خَطِيئَةً , وَالأُخْرَى تَرْفَعُ دَرَجَةً" رواه مسلم 666
حديث: " إن أعظم الناس أجرًا في الصلاة أبعدهم إليها ممشى فأبعدهم" رواه مسلم

✍ Zulameen Sarento Puti

HINDI PAPA*OK ANG ANGHEL SA TAHANAN NA MAY LITRATO AT A*O❗❗❗👉 Sinabi ng mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "HI...
25/01/2025

HINDI PAPA*OK ANG ANGHEL SA TAHANAN NA MAY LITRATO AT A*O❗❗❗

👉 Sinabi ng mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan):
"HINDI PAPA*OK ANG ANGHEL SA TAHANAN NA MAY A*O AT LITRATO" Inipon ni Imam Albukhari.

Ang tinutukoy na litrato ay litratong may buhay tulad ng litrato ng tao o hayop.

Hinggil sa litrato ng kalikasan tulad ng ilog, dagat, puno, gusali o anumang walang buhay ay walang pagbabawal 👍👍👍

PAALAALA:

🔷 ️Iwasan ang mga Frame na may litrato na nakabitin o hayag kahit pa ito ay diploma

🔷️ Ang tanging ipinahintulot lamang sa a*o ay tagabantay ng alagang hayop, pananim o gawing hunter (panganga*o) ) ngunit ilagay ito sa hiwalay na tirahan na hindi nakakapa*ok sa loob ng iyong tahanan at hiwalay din ang gagamitin na kainan.

🔷️Ang kabahayan na magkakatabi ay hindi kailangan mag-alaga ng a*o.

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "لا تَدْخُلُ المَلائِكَةُ بَيْتًا فيه كَلْبٌ ولا تَصاوِيرُ "صحيح البخاري
✍Zulameen Sarento Puti

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islamic Dawah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Islamic Dawah:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share