14/07/2025
Gobyernong may Solusyon ialalapit ang serbisyo sa tao
Sta. Cruz, Laguna- "Iikutin ko po ang ibat-ibang bayan, wala pong People's Day na magaganap sa kapitolyo, dahil ang totoong People's Day ay yung pumunta ka sa mga bayan bayan na yun, kailangan mo marinig, maramdaman at makita nag pangangailangan ng ating mga kababayan" pahayag ni Laguna Governor Sol Aragones sa kanyang talumpati sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa kapitolyo ng Sta. Cruz kahapon ika-14 ng Hulyo 2025.
Sa pagsusumikap ni Gov. Sol na maihatid ang serbisyo sa mga kababayang lagunense, sa kanyang ikalawang Linggo panunungkulan ay pitong mga paunangAKAY ni Gob Action Centers na ang binuksan.
Ang paunang pitong AKAY Ni Gob Action Center ay matatagpuan sa :
1. San Pedro City (Brgy. Calendala)
2. Santa Rosa City (Ground Floor Victory Mall
3. Calamba City (Laguna Provincial Capitol Extension Office, Brgy. Halang)
4. Santa Cruz (PSWDO, M.H. Del Pilar St. Poblacion)
5. Biñan City ( Brgy. San Antonio)
6. Cabuyao City (Brgy. Sala)
7. San Pablo City (Maharlika Highway, Dizon Building)
Ayon kay Gov. Sol, ang mga AKAY ni Gob Action Centers ay magsisilbing parang extension office ng kapitolyo kung saan maaring dalhin ang mga requirements sa paghingi ng tulong tulad ng medical, burial at iba pa.
Layunin ni Gov. Sol na ilapit ang serbisyo ng Gobyernong may Solusyon sa bawat bayan sa lalawigan upang hindi na mamasahe at mahirapan sa byahe patungo sa Panlalawigan opisina ang kanyang mga kababayan.
Ayon pa kay Gov. Aragones, sa September ay sisimulan ng itayo ang mga AKAY ni Gob Botika, Libreng Maintenance na Gamot sa bawat bayan sa buong Laguna.
Binigyan linaw ni Gov. Sol, na anu man ang status sa buhay ay maaring makahingi ng libreng maintenance na gamot basta magpakita lamang ng reseta at ID.
Nabanggit din ni Sol, ang ginagawang pagtulong ng AKAY ni Sol Partylist Mobile Botika sa pamimigay ng mga libreng maintenance na gamot sa bawat bayan sa Laguna habang hindi pa naitatayo ang AKAY ni Gob Botika.
Bukod sa Kalusugan ay tutukan din ni Gov. Sol ang Turismo, Edukasyon, Trabaho, mga pagawain at maraming pang programang pangkaunlaran para sa mga mamayan ng Laguna. (Mhadz Marasigan)
゚