Pilipinong Muslim

  • Home
  • Pilipinong Muslim

Pilipinong Muslim Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pilipinong Muslim, Digital creator, .

Sa mga nais pong mag-tanong patungkol sa Islam, Mag-Shahada o mag-Balik Islam, o may roong pamilya na nais pa-Dawahan ay mag-mensahe lamang po kayo sa aming Page, InshaaAllah kami ay makatulong.

26/09/2025

‏قال ابن القيم رحمه الله
" القلب الغافل مأوى الشيطان "

“Ang pusong walang pag-alala sa ALLAH ay nagiging tahanan ng Shaytan.”

25/09/2025

MAS MAPANGANIB PA KAYSA KAY DAJJAL (ANG RIYAH "pakitang-tao)❗❗❗

NOTE: Ito ang higit na kinatatakutan at pinangangambahan ng mahal na Propeta❗

👉Sinabi ni Propeta Muhammad: "Nais ba ninyong sabihin ko sa inyo kung ano ang higit na pinapangambahan ko para sa inyo kaysa kay Al-masih Al-dajjal?
Kanilang sinabi: Opo O Sugo ni Allah❗
Kanyang sinabi: Ito ay ang Al-shirk Al-khafiy; ito ay tulad ng isang taong tumayo para mag Salah, kanya itong pagbubutihin upang ipakita sa iba (upang umani ng papuri).

👉👉Ang RIYA "pakitang tao" at SUM'A "pagparinig" ay isang sakit na nakakapinsala, nawawalan niya ng saysay ang mabubuting gawa, nasisira niya ang nilalaman ng puso at inilalayo ng tao ang sarili sa kanyang Panginoon.

-Ang taong pakitang tao ay laging nagmamasid sa mga tao Ngunit hindi niya pinapahalagaan ang pagmamasid sa kanya ng kanyang Panginoon.

-Takot sa mga tao at walang takot sa kanyang Panginoon.
Nakalimutan niya na ang lahat ng hayag at lingid niyang gawain ay batid ni Allah!

👉 KAHULUGAN NG RIYA O SUM'A:

Ayon kay Imam Al-Ijj Ibn Abdus Salam:
"Paghahayag ng tao sa kanyang Ibadah (pagsamba) na ang hangarin ay makamundong bagay o umani ng papuri mula sa mga tao" Qawaid Al-Ahkam 1/147

Ayon kay Bin Bazz: Ang Riya ay: "Ang pagsasagawa ng isang gawain upang ipakita sa mga tao katulad ng pagdarasal na ang hangarin ay upang umani ng papuri mula sa tao"

SAMAKATUWID, ANG RIYA AY ANG PAGSAGAWA NG IBADAH UPANG MAKAMIT ANG PAPURI MULA SA MGA TAO.

Hindi kabilang sa RIYA Ang pagdasal sa Jamaah (kongregasyon) o pagdasal na nag-iisa na nakikita ng tao na walang hangarin na pakitang-tao, kabaliktaran sa pananaw ng iilan na walang alam sa batas ng Islam na kanilang sinasabi na ito daw ay Riya.

ANG PAGDARASAL SA PUBLIKONG LUGAR AY HINDI KABILANG SA RIYA MALIBAN LAMANG KUNG ANG HANGARIN AY UPANG UMANI NG PAPURI.

BAGKUS ANG SINUMANG UMIWAN NG IBADAH DAHIL SIYA AY NANGANGAMBA NA NAKIKITA NG TAO AY KABILANG SA RIYA.

👉Sinabi ni Fudail Bin Iyad:
"Ang pag-iwan ng gawain dahil sa tao ay kabilang sa RIYA at ang pagsagawa ng gawain dahil sa tao ay Shirk "pagtatambal kay Allah" at ang Ikhlas (kadalisayan ng puso) ay ligtas sa dalawang binanggit"

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قال الفضيل بن عياض: ترك العمل من أجل الناس رياء، والعمل من أجل الناس شرك، والإخلاص أن يعافيك الله منهما

حديث: "ألَا أُخبركم بما هو أخوفُ عليكم عندي من المسيحِ الدجالِ قال: قلنا بلى فقال الشركُ الخفيُّ أن يقومَ الرجلُ يُصلي فيُزيِّنُ صلاتَه لما يرى من نظرِ رجلٍ"صحيح ابن ماجه و صححه الألباني-

✍️ Zulameen Sarento Puti

Alhamdulillah Matagumpay ang ating ginanap na pagtitipon(islamic symposiom )sa lugar ng Dasmarinas Cavite na kung saan A...
24/09/2025

Alhamdulillah Matagumpay ang ating ginanap na pagtitipon(islamic symposiom )sa lugar ng Dasmarinas Cavite na kung saan Ang programang ito ay pinamagatang Sindaw (Liwanag ng Kaalaman) na dinaluhan ng ibat ibang mga jamaah ng ibat ibang lugar.

Jazakumullahukhairan po sa ating mga Speakers na nagbahagi ng Kanilang kaalaman.

-Akh Mikail-

Sa mga naghahanap ng Honey with Blackseed ito na ang ating link thru shoppe.
23/09/2025

Sa mga naghahanap ng Honey with Blackseed ito na ang ating link thru shoppe.

Buy Ash-Shams' Culture Honey mixed with powdered Blackseed | REVIVE SUNNAH | SUPPORT DAWAH online today! "Black seed" is the seed of a plant named Nigella sativa which native to the Indian Subcontinent and West Asia. The origin of its use in traditional medicine can be traced back to a saying of the...

Innā lillāhi wa innā ilayhi rājiuwnPumanaw kanina lamang ang Kagalang-galang na Grand M***i ng Kingdom of Saudi Arabia, ...
23/09/2025

Innā lillāhi wa innā ilayhi rājiuwn

Pumanaw kanina lamang ang Kagalang-galang na Grand M***i ng Kingdom of Saudi Arabia, Sheikh Abdulaziz bin Abdillah Al Sheikh. Nawa'y ipagkaloob sa kanya ng Allah ang kanyang kapatawaran at awa, at palitan siya ng Allah ng mas magagandang bagay para sa buong ummah. Nawa'y magtaglay siya ng pinakamabuting gantimpala mula sa Allah, at magpasalamat tayo sa Allāh sa lahat ng bagay.

إنا لله وإنا إليه راجعون

‏ توفي قبل قليل سماحة المفتي العام للمملكة الشيخ عبدالعزيز بن عبدالله آل الشيخ
، غفر الله له ورحمه وأخلف الأمة كل خير،
وجزاه عنا وعن المسلمين خير الجزاء،
والحمدلله على كل حال.

ctto/Khadafy Magansakan

Alhamdulillah matagumpay po ang ating ginanap na Islamic Awareness na may pinamagatang (Ang MENSAHE NG KAPAYAPAAN) na in...
22/09/2025

Alhamdulillah matagumpay po ang ating ginanap na Islamic Awareness na may pinamagatang (Ang MENSAHE NG KAPAYAPAAN) na inorganisa ng Madinah Islamic Center at Masjid Iorm Noveleta na ginanap sa lugar ng Cavite city na kung saan dinaluhan ng marami nating kababayan sa lugar na ito..

Dalangin natin sa Allah swt na silang mga yumakap sa islam ay patuloy silang magabayan sa matuwid ng landas ..

-Akh Mikail-

Saturday Class Alhamdulilah-Akh Mikail-
20/09/2025

Saturday Class Alhamdulilah

-Akh Mikail-

18/09/2025

"Makuntento sa anumang inilaan sa iyo ng Allah at ikaw ang magiging pinakamayaman na tao."

-Akh Mikail-

Wednesday Class Alhamdulillah.-Akh Mikail-
17/09/2025

Wednesday Class Alhamdulillah.
-Akh Mikail-

17/09/2025

صديقك من يصارحك بأخطائك لا من يجملها ليكسب رضاك.

Ang tunay mong kaibigan ay ’yung nagsasabi sa’yo ng iyong mga pagkakamali, hindi ’yung pinapaganda ito para lamang makuha ang iyong loob.

17/09/2025

Ang Hajj ay banal na bahagi ng ating pananampalataya. Hindi dapat ito maging pagkakataon para lokohin ang ating mga kapatid na Muslim, lalo na ang mga mahihirap na matagal nag-ipon para makapunta.

Batch 1 Basic Arabic Class Qaida NoraaniaLesson 3 Alhamdulillah Matuto,Sumulat at Bumasa ng tamang Pagbigkas.
16/09/2025

Batch 1 Basic Arabic Class Qaida Noraania
Lesson 3 Alhamdulillah Matuto,Sumulat at Bumasa ng tamang Pagbigkas.

Address


Telephone

+639127155333

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinong Muslim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pilipinong Muslim:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share