28/10/2025
THUNDERSTORM ADVISORY: MALAKAS NA THUNDERSTORM, NARAMDAMAN SA ILANG BAHAGI NG LUZON AT METRO MANILA
TINGNAN: Naglabas ng Thunderstorm Advisory No. 8 ang PAGASA-NCR PRSD ngayong 10:11 ng gabi, Oktubre 28, 2025 (Martes). Ayon sa ulat, asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin sa mga bahagi ng Zambales (Olongapo, Subic, San Antonio), Metro Manila (Valenzuela, Navotas, Malabon, Caloocan, Quezon City, Manila), Nueva Ecija (Pantabangan, Bongabon, Rizal), Tarlac (San Manuel, Moncada, Paniqui, Anao, Ramos, Pura, Gerona, Victoria, Tarlac City), Quezon (Sariaya, Lucban, Tayabas, Dolores, Candelaria, San Francisco, San Andres, Tagkawayan, San Narciso, Guinayangan, Mauban), at Laguna (Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo, Victoria) sa loob ng susunod na dalawang oras.
Samantala, matinding pag-ulan na may kasamang pagkulog, kidlat, at malalakas na hangin ang kasalukuyang nararanasan sa mga bahagi ng Bataan (Abucay, Balanga, Bagac, Mariveles, Orion, Pilar, Limay, Samal, Morong, Orani), Bulacan (Paombong, Malolos, Bulakan, Pandi, Guiguinto, Plaridel, Obando, Hagonoy), at Pampanga (Macabebe, Sasmuan). Inaasahang magpapatuloy ito sa loob ng dalawang oras at maaaring makaapekto sa mga karatig na lugar.
Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at mag-ingat sa posibleng epekto ng malakas na ulan tulad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy na mag-monitor para sa mga susunod na abiso mula sa PAGASA.
Source: PAGASA National Capital Region PRSD(facebook)