Marinduque TV

Marinduque TV Marinduque TV brings stories, videos, and multimedia content to Marinduqueños around the world.

This page is managed by the social media team of Marinduque News Network.

21/08/2025

: Ipinamalas ng ating kababayan ang kanyang husay sa saxophone sa katatapos lamang na Ginoo at Binibining Araw ng Gasan 2025.

21/08/2025

: Sa sagot ng mga Ginoong Araw ng Gasan 2025, alin ang pinakanagustuhan mo?

20/08/2025

: Alin sa sagot ng mga kandidata sa Ginoo at Binibining Araw ng Gasan ang nagustuhan mo?

19/08/2025

PANOORIN: Pormal nang lumagda sa kasunduan ang Allied Care Experts (ACE) Medical Center Sariaya at Marinduque News Network (MNN) nitong Miyerkules, Agosto 13, upang mas mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga serbisyong medikal na iniaalok ng ospital.

11/08/2025

TAGA-BUENAVISTA, MARINDUQUE TAMPOK SA KMJS: Gasoline boy noon, may ari na ng 19 na gasoline station ngayon!

🎥: KMJS

TINGNAN: Isang patay na s***m whale ang natagpuang inanod sa dalampasigan sakop ng Agmanic Bay sa Santa Fe, Tablas Islan...
09/08/2025

TINGNAN: Isang patay na s***m whale ang natagpuang inanod sa dalampasigan sakop ng Agmanic Bay sa Santa Fe, Tablas Island, Romblon kahapon ng umaga, August 8.

Ayon sa ulat, nakapagtipon na ng mga sample ang mga awtoridad para sa pagsusuri at pagtukoy sa posibleng sanhi ng pagkamatay ng naturang buhay-dagat.

PHYSICAL FITNESS TEST NG COAST GUARDNagsagawa ng monthly physical fitness test ang Coast Guard Station (CGS) Marinduque ...
09/08/2025

PHYSICAL FITNESS TEST NG COAST GUARD

Nagsagawa ng monthly physical fitness test ang Coast Guard Station (CGS) Marinduque ngayong Biyernes, August 8. Layon nito na ikondisyon ang Coast Guardsman para sa kanilang misyon. 📷: Coast Guard Station Marinduque

05/08/2025

PANOORIN: Sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Labanan sa Paye, nagbigay ng bating pagtanggap si Kapitan Arnold Labay ng Sitio Paye, Brgy. Balimbing. Aniya, “Maging sigaw sana ng ating puso at isipan ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa kaunlaran ng bayan. Pahalagahan natin ang ating kasaysayan at ipagpatuloy ang laban para sa isang mas maliwanag at makabuluhang kinabukasan.” | via Gemaima Arriola, MNN

JUST IN: Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng Long March 12 rocket mula sa People's Republi...
04/08/2025

JUST IN: Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng Long March 12 rocket mula sa People's Republic of China.

Ayon sa PhilSA, inaasahang ang mga debris mula sa nasabing rocket launch ay bumagsak sa itinakdang drop zones na tinatayang nasa 21 nautical miles (NM) ang layo mula sa Puerto Princesa, Palawan, at 18 NM mula sa Tubbataha Reef Natural Park.

Ang Long March 12 rocket ay inilunsad mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, dakong 6:21 ng gabi (Philippine Standard Time) ngayong Agosto 4.

TINGNAN: Dumating na sa New Delhi sa bansang India sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Unang Ginang Liza A...
04/08/2025

TINGNAN: Dumating na sa New Delhi sa bansang India sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ngayong araw, Agosto 4 para sa limang araw na state visit sa India, na layuning paigtingin ang ugnayang diplomatiko, ekonomiko, at kultural sa pagitan ng dalawang bansa.

Paglapag ng presidential aircraft sa Palam Air Force Station, mainit silang sinalubong ni Indian Minister of State for External Affairs Shri Pabitra Margherita, Indian Ambassador to the Philippines Harsh Kumar Jain, at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan ng India.

04/08/2025

PANOORIN: Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Makasaysayang Labanan sa Paye, binigyang-diin ni Vice Governor Romulo Bacorro Jr. ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bayan. Ayon sa kanya, “Youth, palagi ko pong binabanggit, your destiny is to run the future, because you own the future.” | via Janine Sarno, MNN

04/08/2025

PANOORIN: Sa mensahe ni Mayor Armi DC. Carrion sa ika-125 Anibersaryo ng Labanan sa Paye, binigyang-diin niya ang temang “Pagsasakabataan ng Labanan sa Paye at Pamanang Marinduqueño” bilang paalala at panawagan sa kabataan na isapuso at isabuhay ang kabayanihan ng ating mga ninuno, at maging tagapagdala ng pag-asa para sa kinabukasan ng bayan. | Via Janine Sarno, MNN

Address

MNN Studio, 5th Floor Lucky 7 Pension House
Boac
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marinduque TV:

Share