05/03/2025
๐๐๐๐๐-๐ง๐๐ก๐๐พ: ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐บ๐ฏ๐ฎ-๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ผ, ๐น๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด
Noong Disyembre 19, 2024, matagumpay na naisakatuparan ng munisipalidad ng Lumba-Bayabao, Lanao del Sur ang ika-dalawang antas ng leadership training para sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa nasabing munisipalidad na Ginanap sa Samsara Function Hall, Mapandi, Marawi City.
Layunin ng programa na mas palawigin pa ang kasanayan at kapasidad ng mga kabataan sa larangan ng pagiging epektibong lider ng kanilang komunidad. Nagkaroon ng iba't ibang sesyon tungkol sa Self-awareness and Leadership, Project Management and Development, Youth Profiling and Data Gathering, Technical Writing and Correspondence, Oral Communication, at Responsible Use of AI and Digital Literacy.
"Napagtanto ko na kailangan kong paunlarin pa ang aking mga kakayahan bilang isang lider dahil hindi pa po pala sapat ang mga kaalaman ko bilang lider ng kapwa ko kabataan," saad ni Maimona Comayog, isa sa mga kalahok.
Samantala, para naman kay Johanie H. Omar: "Isa sa mga natutunan ko ay ang pamumuno ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng posisyon o kapangyarihan. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng responsibilidad at pagiging isang huwaran para sa iba, lalo na sa mga kabataang lider. Tulad ng ginawa namin na workshop, naranasan ko ang pagiging lider ng aming grupo sa pagtatanghal tungkol sa mga isyu sa aming barangay at kung paano dapat malutas ng mga kabataan ang mga problemang ito."
Para naman kay Aslania A. Alauwiya, program organizer, naniniwala siyang ang mga kabataan ng Lumba-bayabao ang susi sa patuloy na pag-unlad pa ng kanilang komunidad. Aniya, โang hinaharap ay nasa kamay ng mga kabataan at sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pagsasanay, makakamit ng mga kabataang ito ang kanilang mga pangarap at magiging mga huwaran sa kanilang henerasyon.โ
Ang programang SK Mandatory Training Program Level II ay taunang ginagawa ng mga Sangguniang Kabataan sa bawat munisipalidad ng Lanao del Sur upang hasain ang mga kabataang Meranaw lalong-lalo na ang mga miyembro ng Sangguning Kabataan upang mas hikayatin silang maging aktibong kalahok sa pagbabago ng kanilang lipunan.
โ๏ธHanya H.I. Cuaro, SK Marawi Patroller