
29/05/2024
Noong nag-FB Live ang PHR last October 29 para sa MC Day 2020, isa sa naging topic ay kung paano ipapakilala si Martha Cecilia sa mga taong hindi siya nakilala ng personal noong siya ay nabubuhay pa. My answer (in the comments) was: everything you need to know about Martha Cecilia is in her novels.
And it is true.
Sa ilang pagkakataon na nagkakausap kami, at sa madaming beses na nagse-share siya ng kanyang saloobin sa FB man o sa aming forum ay palagi niyang sinasabi na sa she is her heroines sa lahat ng mga novels niya in one way or another. Na ang ilang eksena sa kwento ni Diana Montero ay naging karanasan niya; o kung paanong ang unang eksena sa Kristine Series #54 (ang original na number ng kwento ni Tennessee) ay naging experience niya noon; at na siya si Caroline and it was her story glamourized sa librong CORON: Iisa Lang Ang Puso Ko...
-*-*-*-*-*-*-
The apartment is somewhere in Cubao where I spent my college days. I know the place in Sta. Mesa because Lovelle lived there for a while. Raquel was my best friend who died years ago in the States. Nemia didn't exist. It was true na nakatulog ako. Ni hindi ko narinig ang rebolusyon ng dalawang malalaking motor. Pero hindi ko magagawang ganyan lang sa kuwento. Kahit iyan ang totoo ay kailangang bigyan ko ng justification.
The scene in the apartment is authentic. Even the dialogues. I still loved Shane very much. But I can't forgive infidelity.
Even Matt's reaction sa apartment ay iyon mismo. Naging magboyfriend kami ni Matt for seven years. He wanted to marry me but two of his children were against it. They even each talked to me privately. They could allow my relationship with their father for as long as I don't marry him. Ang sabi nila ay hindi nila matatanggap na iuuwi ako ng papa nila sa bahay kung saan pinagreynahan ng namayapang ina nila. Well, naka-relate ako roon. I hated my own father when he remarried.
I was happy with Matt, he had wanted to ignore his grown up children but I can't take it. Aside from the fact that I wasn't so in love with him as much as I love Shane. I was too scared of the consequences... of the what ifs... of not being able na makaabot sa standard ng first wife. I was so young. Only 21. And there had been no one but me.
Matt then had been my everything except for the real love that I should be feeling for him. Si Matt ang naging benchmark ko sa paglipas ng mga taon. He even destroyed me for another man. Iyong pagiging makatwiran, yung magagandang prinsipyo na wala sa ibang lalaki, at marami pang iba.
During the first months namin ni matt, Shane tried his best also to win me back. But as I said, I cannot forgive the infidelity.
Si Caroline ay ako. Ang kabuoan ni Caroline sa kuwento ay si Babes. Kahit bata pa ako ay sinikap ko ng mangunyapit sa mga prinsipyong aking itinatag sa aking sarili. I have no one but my best friend Raquel... and of course, Lovelle. Just as Caroline had her lola. Coron is My own story glamourized. My painful experiences and happiness. Binigyan ng magandang ending at iba pa. I have totally forgotten Shane in the passing of time. Matt helped me forget him.
I actually hated a son of Matt then. He was twenty three. He tried to lure me away from his father by courting me... by calling me... by sending kung anu-ano... by trying to be sincere. He only stopped when I told him I truly loved his father.
Until today, I can still remember his expression. He looked heartbroken. Hahahaha. But he bobbed his head and said sadly: "Hindi pa rin kami papayag ni Ate na magpakasal kayo..." It was his Ate who really was against my relationship with the father. Ang babae naman lagi ang loyal sa ina.
Before we parted, (sa Jeepney shop ng Intercon), the son said: "For whatever it is worth, I truly care for you... Kung saan nagsimula ay hindi ko alam..." These are verbatim.
Babes at that age was cynic. I shrugged.
~MC, November 23, 2012~
-*-*-*-*-*-*-
The picture below is the best picture I took of MC. We were on an island hopping trip at noong una ay ayaw niyang magpakuha ng picture dahil natatakot siyang tumayo at baka mahulog siya sa bangka. We were at the Twin Lagoon. Nakumbinse siya ni Nina (yata) na tumayo para kuhanan ng litrato with the rocks as her background, I stole this shot during that time.
~teng