26/06/2026
Paano Maging TikTok Affiliate? Step-by-Step Guide para sa Beginners 💛
Marami ang nagtatanong sa page ko kung paano magsimula bilang TikTok Affiliate. Kaya heto ang step-by-step guide para sa mga gustong mag-umpisa.
1. I-download ang TikTok app.
Hindi TikTok Lite ha, kundi ang original na TikTok app.
2. Gumawa ng account.
Pwede kang gumamit ng mobile number o email.
3. Siguraduhing sa'yo ang account.
Mas mabuting gamitin ang tunay mong pangalan o pangalan ng brand/shop mo.
4. Gumawa ng magandang username.
Ang username ang magiging madaling hanapin ng mga tao sa TikTok.
Halimbawa:
Name: Maria Maganda
Username:
Kapag hinanap ka ng mga tao, username ang ise-search nila.
5. Maghanda ng bank account o GCash.
Kung account ng asawa o kapatid ang gagamitin mo sa payout, mas mabuting pareho rin ang pangalan ng TikTok account. Maraming nagkakaroon ng problema sa withdrawal kapag hindi tugma ang account details.
6. Abutin ang 600 followers.
Pero nag update ngayon kahit wala pang 600 followers nagkaka yellow basket na.
Isa ito sa mga requirements bago makapag-apply sa TikTok Affiliate Program.
7. Paano makaka-600 followers?
Ang lagi kong payo: Build your account. Build trust with TikTok. Gumawa ng quality at consistent content.
👇 Tingnan ang photo sa ibaba.
Ito ang 3rd TikTok account ko. Nasa 300 plus followers pa lang pero may mga videos na nag-viral na at may organic views, likes, at engagement dahil sa consistent na pagpo-post ng mini vlogs, recommendations, at helpful content.
9. Bakit 600 followers na pero wala pa ring Yellow Basket?
Hindi ko masasabi ang exact reason dahil si TikTok lang ang nakakaalam ng evaluation nila. Pero posible na kulang pa ang activity ng account kung:
- Naka-private ang account.
- Puro repost ang laman.
- Halos walang original videos.
- Puro follow-to-follow lang ang ginagawa.
Kaya importante talaga ang pag-build ng account.
10. Kapag may 600 followers na, kikita na ba agad?
Hindi rin.
Ang income sa affiliate ay nakadepende sa effort, consistency, at quality ng content mo.
High-quality videos + Informative content = Mas malaking chance ng sales.
11. Wala akong products. Paano ako magsisimula?
Tumingin ka muna sa bahay ninyo.
Sigurado akong may mga gamit kang nabili online. Hanapin mo kung available sila sa TikTok Shop, gumawa ka ng honest review o recommendation video, at doon ka magsimula.
✨ Tandaan:
"Kapag pursigido, may paraan. Kapag hindi, puro tanong lang ang mauuna."
Kung may tanong pa kayo tungkol sa TikTok Affiliate, i-comment lang sa ibaba. Susubukan kong sagutin isa-isa. 💛