02/05/2026
Gusto ko lang mag share guys. I just happened to watch a short video clip nung WAS concert sa YT. A clip from I Want You performance nila. I started reading the comments and sobrang na sad and na disheartened ako. Nakaka drain minsan and SocMed. The sad part is... A'TIN mismo nag sasagutan and nauwi na sa awayan and bardagulan. And I just don't get it. Pwede naman sanang na enjoy na lang yung video and pwede din naman ang healthy exchange of opinions. Hindi naman kailangan mag away away na para bang mga bata (hanggat maaari I don't want to use the term 'uneducated' pero parang ganun na nga). Nakakahiya pag mabasa sya ng outsider lalo na ng 5 boys. Anu na lang sasabihin nila. What kind of fandom do we have? :(😢
POV:
Yung kaps na nagshare ng video captioned it na kung sino man ang nag decide to put KenTell side by side sa IWY knew exactly what they're doing. Then may isang kaps na nag comment na parang distracted si Josh at madaming steps na nakalimutan kasama na yung video clip nga ng IWY na kita naman talaga na nagkamali nga si Josh. Another kaps said na PabKenTell lang daw naman talaga ang totoong talented sa group pero 5 silang itinadhana. Another kap said si Kentell and nagdala dun sa performance nila sa IWY and nagmukhang backup dancers yung 3. Nag react naman yung isa na magaling din naman din si Jah at hindi sya mukhang back up dancer lang dun. Nagalit yung isang Josh bias kasi feeling nya siguro na attack si Josh. Comment naman nung isa "Kentell spotted". At madami ng sagutan na naganap na hindi talaga maganda basahin. :(
I feel sad pag nakikita ko ang mga ganitong sagutan from kapwa A'TIN ko. Sana alagaan natin ang fandom na meron tayo. May mga times talaga makakabasa tayo from kapwa A'TIN na hindi maganda sa mata natin but let's be reminded na lahat tayo ay mahal sila and ang goal natin ay itaas ang SB19. Siguro matuto na lang tayong palagpasin or magpasensya. Kasi for sure pag nabasa to ng MAHALIMA kahit sila hindi magugustuhan mabasa ang mga pabalang na sagutan or bastusan sa fandom. But I understand may kanya kanya din kasi tayong saltik and hindi naman tayo perfect lahat. Sana lang if kaya nating mag pasensya, let's be the bigger person na lang. Hindi po tayo magkaka away dito. Let's spread love and positivity guys. Ganyan ang turo ng mga amo nating BANO. Always choose to be kind, diba po?🥹❤️ Gusto ko lang i-add na Josh bias ako pero madalas pag ganitong mga clip inuulit ulit ko ang video at isa isa ko silang pinapanuod like tututukan ko sila isa isa. And may part nga talaga na hindi naitaas ni Josh ang tuhod nya sa IWY na video clip na yun. So nung nabasa ko ang comment ng isang kaps na parang distracted si Josh, I didn't take it negatively. Pero hindi ko din inisip na dinadown or kinukutya nya si Josh kasi nga kapwa A'TIN ko sya. I love Justin so much pero nung may nagsabing KENTELL ang na highlight, I didn't take it negatively din. Kahit super love ko si bunso and I agree na ang galing din nya dito sa totoo lang, di din ako nasaktan for Jah. So bakit hindi ako nag react ng negative sa kanya kanyang nag comment? Because I know na lahat tayo ay mahal ang SB19. May kanya kanya tayong opinion, di naman pwede na pare pareho tayo ng panlasa. Sa mga nag react naman negatively, I'm happy to know na kaya lang kayo nakapag react ng ganun kasi ganun nyo sila kamahal at parang kayo ang nasasaktan for them. So for me it's just a MISUNDERSTANDING. Ang dami kong sinabi, sorry na agad. Naiyak ako habang tinatype ko to. Kasi mahal ko ang LIMANG yan at mahal ko ang A'TIN. 🥹❤️