05/10/2025
#๐๐ค๐ง๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐จ๐ฟ๐๐ฎ | ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ โญ๏ธ
Titser, Maโam, Sir, G**o, Ginang, Binibini, Ginoo, Maestro, Tagapagturo, Gabay, at Tagapagmulat. Ganito natin sila madalas tawagin. NGunit lampas pa sa mga titulong ito, sila rin ang mga kamay na nagtuturo kung paano tayo babangon sa mga pagkadapa sa buhay, at madalas, ang mga tinig na nag-uudyok sa ating mangarap.
Sa pagpasok ng silid-aralan, sumisingaw ang halimuyak ng mga libro at papel na naglalaman ng yamang kaalaman. Umuugong ang ingay ng mga anak ng liwanag na siyang boses ng pag-asa, at sa gitna ng lahat, sumasalubong ang liwanag ng landas na nagbibigay-ilaw sa dilim ng kamangmangan.
Sa likod ng liwanag na ito ay isang bayaning nakakaligtaan. Ito ba'y dahil sa tahimik nilang laban? Araw-araw nilang hinaharap ang sakit at hirap sa pagtuturoโpuyat sa paghahanda ng materyales na gagamitin sa pagtuturo, kinabukasan ay maghapong nakatayo sa harapan, at malapit nang magasgas ang boses kakaawit ng tinig ng karunungan.
Subalit, saludo sa mga bayaning ito. Bagaman maraming paghihirap, naroon pa rin sa kanila ang busilak na puso upang hubugin ang bawat mag-aaral bilang isang taong ganap na may laman ang puso at utakโutak na ihahabi ang pagbabago, pag-unlad ng mundo, at pusong mapagkalingang siyang tunay na kailangan ng mundo.
Silang nagbibigay-kulay sa mga libro, bumubukas sa mga isipan ng mga mag-aaral, nagpapalalim ng mga kaalaman, at nagtuturo kung paano bumoses sa nakakabinging ingay ng mundo. Tahimik silang lumalaban subalit nagpapakita pa rin ng katatagan at kagitingan.
Sa panahong kinakatakutan na ang mga edukadong tao, may mga lumalabang bayani; walang gamit na dahas, ngunit may bibig na nagbabahagi ng kaalaman at matatalim na katotohanan, utak na siyang kasangkapan ng pagpapaliwanag, at puso na buong tapang na nagtuturo kung paano magmahal at magmalasakit sa kapuwa at lalong-lalo na sa bayan. Tunay ngang hindi lahat ng bayani ay nakasuot ng kapa dahil ang iba'y may hawak na ballpen na p**a ang tinta.
At sa henerasyong ang mga g**o ay ginagawang punching bag ng mga mag-aaral kapag hindi nakakuha ng mataas na iskor sa eksam, mga g**ong pumapanaw dahil binabaril at tinatambangan sa labas ng paaralan, at mga g**ong sinusunog kapag nakakaalitan, mas piliin nating maging estudyanteng responsable at puno ng pagmamahal sa mga bayaning tahimik na hinuhubog ang mundo at walang ibang hangarin kundi mapabuti ang sangkatauhan.
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค!
Isinulat ni: Markleighn Daphne Banquiles
Pubmat ni: Theresa Ines Salvacion