14/10/2025
๐ฎ๐จ๐ฉ-๐ฐ ๐ต๐จ | Dilim Ng Takipsilim
Sa ilalim ng kwadradong lilim, akoy nakahiga, habang pinagmamasdan sa bintana ang takipsilim, ang liwanag na pinapalitan ng dilim.
Ang gabi na siyang nakakaalam ng aking lihim at hiling, hindi ko mawari't matukoy ngunit pagsapit ng oras nato, parating may kung anong kulang at pagod, may hinagpis at panunuot, may pag aalala at takot may kung ano na hindi ko maipaliwanag mahirap itong ibigkas isiwalat at wala nito'y may nakakaalam.
Masaya naman Ako, masaya nga ba ako?. Malakas naman Ako, pero hindi sa oras nato.
โ
โGusto ko nang matulog nang matapos ang gabing to, subalit sumasalungat ang isipan ko, paano kung ganyan, paano kung ganito?, Kailangan ko ba ng Kasama o kaya ko nato?, anong naghihintay sa kinabukasan ko?, tagumpay ba ako?.
Ang Gabi ay parehong mapayapa at nakakalunod, nakakabingi ang katahimikan ngunit parati ko itong pinakikinggan, oras ito ng pagpapahinga ngunit akoy balisa, sa kesame akoy nakatingala hindi nmn Ako malungkot ngunit hindi rin Masaya, untiunting dibdib kung malayay biglang sumikip, at luha'y di namalayang dumaing.
โ
โ Paano kung ang gabi ay hindi ko kayanin?, at ang bukangliwayway ay Hindi ko na mapansin? kaya ko namang pasanin ang bigat ng aking aklat ngunit hindi ang nasa aking balikat.
Itong nasa dibdib ay takot, na baka sila ay aking mabigo, mga sakin ay naniniwala baka sila ay aking madismaya, palagi akong malakas, yan ang kanilang pagkakaalam at walang pinapakitang kahinaan, kaya ko naman ng mag-isa! o sadyang kinakaya?, hindi ba maaaring mapagod at dumaing, manghina at umaling? pansin ko ang bilis ng pagikot ng orasan, ako bay nauubusan na nang segundo't pagitan, o naguguluhan at saan ba to patungo't bilisan.
Sa kabila ay may hiling, na sana'y sa muling takipsilim ang dilim ay hindi na mahapdi, at ang bukangliwayway ay bunga ng matiwasay na gabi.
By Ging_vil
Edited by Krishna Macalalag | TheDolphinCreatives