
21/07/2025
Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang Don Juan Alvear's Day bilang pag-alala sa ating tinaguriang "Apostol ng Espiritismo sa Pilipinas".
Si Don Juan Elfe Alvear ay mula sa San Fabian, Pangasinan. Itinatag niya ang kauna-unahang lunduyan na “La Perseverancia” noong 1901. Isa siya sa mga pangunahing tagapagpalaganap ng Espiritismo sa Pangasinan, Tarlac, Ilocos, Nueva Ecija, at mga karatig-lugar. Bilang katuwang sa pagtatag ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. (UECFI), naging mahalagang lider siya sa pagdadala ng liwanag ng Espiritismo sa mga lalawigan.
Si Don Juan Alvear ay isang manunulat, isang tagapagturo, at isang makabayan. Bilang isang manunulat, ang kanyang panulat ay J. Obdell Alexis.
Siya rin ay naging gobernador ng Pangasinan at isang mambabatas, at nag-akda ng mga panukalang batas na nagtatag ng Unibersidad ng Pilipinas at Philippine General Hospital.
https://unionespiritista.weebly.com/juan-alvear.html