25/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ 2026 ๐๐ ๐๐-๐๐๐๐
UA TLMC | Idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" ngayong Martes, Agosto 25, 2026 sa Recreational and Fitness Center (RFC).
Dinaluhan ito ng pamunuan, mga g**o, propesor, mga mag-aaral mula sa iba't ibang departamento kabilang na rin ang Laboratory High School. Layunin ng programa na bigyang-diin ang kahalagahan at pagpapayaman ng Wikang Filipino sa panahon ng Artificial Intelligence (AI) sa pamamagitan ng mga makabuluhang mensahe.
Sinimulan ang programa sa Pambungad na Pananalita ni Ginang Jennyvi B. Espaรฑola, Punong G**o ng Laboratory High School. Ayon sa kaniya, sa kabila ng laganap na teknolohiya, Wikang Filipino ay hindi lang basta Wika, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Ito ay bahagi ng kung sino tayo.
"Banta ba ang AI sa ating Wika?" tanong ni Gng. May Lynn M. Farren, PhD-TM, Dean ng College of Computing and Information Sciences. "Hindi kailangang maging kalaban ang Wika at Teknolohiya. Maaari itong maging katuwang sa pagpapa-unlad at pagpapalaganap nito,โ ani pa niya.
"Ang Filipino ay maaaring maging wika ng pananaliksik, wika ng teknolohiya, at wika ng inobasyon," dagdag pa niya. Dapat umanong yakapin ang teknolohiya sapagkat malaki ang magagawa nito upang mapalawak ang gamit ng Wikang Filipino.
Gayunpaman, pinaalala rin niya na "Ang teknolohiya ay kasangkapan lamang. Tayo pa rin ang nagbibigay dito ng direksyon, layunin, at kahulugan." Kung saan nais niyang iparating na mahalagang tandaan ang papel ng tao sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng AI.
Nagpakitang-gilas din ang Grade 12-STEM sa kanilang Sabayang Pagbigkas na naghatid ng makabuluhang mensahe tungkol sa wika, teknolohiya, at pagkakakilanlan.
Sinundan ito ni Noelyn Khate F. Bonifacio, mag-aaral sa Grade 12, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng wika at teknolohiya. "Gamitin natin ang teknolohiya ng may talino, ang impormasyon ng may pag-iingat, at wikang Filipino ng may pagmamalaki."
Sa kaniyang pangwakas na mensahe, nag-iwan naman si Gng. Charlene Joy R. Amar, PhD, Direktor ng Academic Affairs, ng mahalagang paalala sa lahat.
โNawaโy patuloy natin na gamitin ang ating wika nang may pagmamalaki, paggalang, at pananagutan. Tandaan nating ang wikang atin ay yaman ng bayan. Ang pagpapahalaga rito ay pagpapahalaga sa ating sarili at sa ating pagka-Pilipino.โ
Artikulo ni Mary Natalie Demetrio
Larawan ni Chester John D. Bagoyo