27/04/2025
๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐, ๐ก๐๐๐จ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐
Isang bagong low pressure area (LPA) ang nabuo ngayon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansang lumakas ito bilang isang bagyo sa susunod na 24 oras. Ngunit hindi inaalis ang posibilidad na lumakas ito bilang isang bagyo sa mga susunod na araw.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ง๐ข๐ญ๐จ?
โข Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan (mataas pa ang uncertainty) sa magiging lakas (intensity) at dadaanan (track) nito. Ilan sa mga posibleng senaryo na dapat bantayan ay ang mga sumusunod:
(a) May ilang forecast models na nagpapakita ng posibilidad na maging typhoon ang LPA na ito. Mayroon namang ibang models na nagsasabing maaaring maging tropical depression o tropical storm lamang ito kung sakali mang mabuo.
(b) Para sa mga forecast models na nagpapakita ng pag-intensify, posible raw na kumilos ito pa-hilagang kanluran, silangan ng Mindanao sa loob ng ilang araw. Hindi pa rin tiyak kung ano ang mangyayari pagkatapos nito: maaaring magtuloy ito pa-hilagang kanluran at makaapekto sa Bicol, Visayas at Caraga, o kaya naman ay lumihis o magrecurve ito papalabas ng Philippine Sea.
๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐ข๐ญ๐จ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐๐)?
โข Posibleng pumasok sa PAR ang LPA (na posibleng maging bagyo) sa Lunes o Martes (Abril 28-29, 2025).
๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐จ๐ค๐๐ฅ?
โข Ito ay tatawagin kung ito ay maging bagyo at pumasok ng PAR.
๐๐๐๐๐๐๐โ ๏ธ
Dahil nananatiling malaki ang hindi tiyak na kalagayan tungkol sa lakas at tatahaking direksyon ng LPA na ito, pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na patuloy na makinig sa mga update mula sa PAGASA.
Sanggunian: Weather Models, JTWC, DOST-PAGASA https://www.facebook.com/share/p/1BZLHKSYxB/