LEEN LEEN

LEEN LEEN priority Almighty God and family ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
(1)

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos, โ€œKahit kalahating oras ka lang sa mga pagtitipon, ito ay nagpapatunay na ikaw ay tuna...
01/07/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos, โ€œ
Kahit kalahating oras ka lang sa mga pagtitipon, ito ay nagpapatunay na ikaw ay tunay na naniniwala sa Diyos at ito ay katanggap-tanggap sa Kanya, dahil isinisingit mo ang kalahating oras na ito mula sa buhay at trabaho mo para sa mga pagtitipon. Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, maaari nagpapakasaya ka sa labas o nagtatamasa ng pisikal na kaginhawahan sa panahong ito. Ngayon na naibibigay mo ang kalahating oras na ito sa Diyos, at nakakaharap sa Kanya, ang panahong ito ay hindi nagugol sa walang kabuluhan; ito ay ginugunita ng Diyos, at ito ay isang mabuting gawa. Sa katunayan, dumadalo tayo sa mga pagtitipon para maunawaan ang katotohananโ€ (Pagbabahagi ng Diyos).

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos, โ€œSa paningin ng tao, ang pagpapapako sa krus ng Diyos ay tumapos sa gawain ng pagkaka...
30/06/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos, โ€œSa paningin ng tao, ang pagpapapako sa krus ng Diyos ay tumapos sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tumubos sa buong sangkatauhan, at nagtulot sa Kanyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, mula sa pananaw ng Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad na. Tanging pagtubos sa sangkatauhan ang ginawa Niya; hindi pa Niya nalulupig ang sangkatauhan, lalo nang hindi pa Niya nababago ang satanikong mukha ng tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ng Diyos, โ€˜Bagaman dumanas ng kirot ng kamatayan ang Aking katawang-tao, hindi iyon ang buong layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Si Jesus ang pinakamamahal Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, nguniโ€™t hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito.โ€™โ€ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos Sa iyong puso, nagkaroon ka ba ng pagkaunawang katulad ng: โ€œKapag nagsalita si Satana...
28/06/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos
Sa iyong puso, nagkaroon ka ba ng pagkaunawang katulad ng: โ€œKapag nagsalita si Satanas, ginagawa niya ito bilang pagsalakay at panunukso; ang mga salita ni Satanas ay kakatwa, nakakatawa, pang-isip-bata, at nakakayamot; gayunpaman, hindi magsasalita o gagawa ang Diyos sa gayong paraan, at sa katunayan ay hindi Niya iyon kailanman ginawaโ€? Siyempre, sa sitwasyong ganito lamang nagkakaroon ang mga tao ng kaunting pakiramdam dito, at patuloy silang hindi nakakaunawa sa kabanalan ng Diyos. Sa inyong kasalukuyang tayog, nararamdaman lamang ninyo na: โ€œAng lahat ng sinasabi ng Diyos ay ang katotohanan, ito ay may pakinabang sa atin, at dapat nating tanggapin ito.โ€ Tanggapin man ninyo ito o hindi, sinasabi ninyo nang walang pagtatangi na ang salita ng Diyos ay katotohanan at ang Diyos ay katotohanan, ngunit hindi ninyo alam na ang katotohanan mismo ay banal at ang Diyos ay banal.

๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos Ang pagtalo ba kay Satanas ay madaling gawin? Dapat bang magkaroon ang mga tao ng mal...
28/06/2025

๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos
Ang pagtalo ba kay Satanas ay madaling gawin? Dapat bang magkaroon ang mga tao ng malinaw na pagkaunawa sa buktot na kalikasan ni Satanas? Dapat bang magkaroon ang mga tao ng tiyak na pagkaunawa sa mga panunukso ni Satanas? (Oo.) Kapag naranasan mo ang mga panunukso ni Satanas sa iyong sariling buhay, at kung nakita mo ang buktot na kalikasan ni Satanas, hindi mo ba ito makakayanang talunin? Kung alam mo ang pagiging kakatwa at hibang ni Satanas, mananatili ka pa rin ba sa panig ni Satanas at sasalakayin ang Diyos? Kung nauunawaan mo kung paano nabubunyag sa pamamagitan mo ang malisya at kawalang kahihiyan ni Satanasโ€”kung malinaw mong nakikilala at nalalaman ang mga bagay na itoโ€”tutuligsain at tutuksuhin mo pa rin ba ang Diyos sa ganitong paraan? (Hindi, hindi namin gagawin.) Ano ang inyong gagawin? (Maghihimagsik kami laban kay Satanas at isasantabi ito.) Iyon ba ay isang bagay na madaling gawin? Hindi ito madali. Para magawa ito, dapat ay magdasal ang mga tao nang madalas, dapat nilang ilagay nang madalas ang kanilang mga sarili sa harapan ng Diyos at suriin ang kanilang mga sarili. At dapat nilang hayaang dumapo sa kanila ang pagdidisiplina ng Diyos at ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Sa ganitong paraan lamang dahan-dahang maiaalis ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa panlilihis at pagkontrol ni Satanas.

Yummy ๐Ÿ˜‹
28/06/2025

Yummy ๐Ÿ˜‹

26/06/2025
๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos , Una, magsimula sa aspeto ng pagdarasal. Tumutok sa pagdarasal at sa itinakdang mga ...
26/06/2025

๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•Sabi ng Makapangyarihang Diyos

, Una, magsimula sa aspeto ng pagdarasal. Tumutok sa pagdarasal at sa itinakdang mga oras. Gaano ka man kagipit sa oras, o gaano ka man kaabala sa trabaho, o anuman ang dumating sa iyo, manalangin araw-araw nang normal, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang normal. Hanggaโ€™t kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, anuman ang iyong kapaligiran, masisiyahan nang husto ang iyong espiritu, at hindi ka gagambalain ng mga tao, pangyayari, o bagay sa iyong paligid. Kapag malimit mong binubulay-bulay ang Diyos sa puso mo, hindi ka magagambala ng nangyayari sa labas. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tayog. Magsimula sa pagdarasal: Ang pagdarasal nang tahimik sa harap ng Diyos ay napakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, hanapin ang liwanag sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagninilay sa mga ito, hanapin ang landas ng pagsasagawa, alamin ang layunin ng Diyos sa pagbigkas ng Kanyang mga salita, at unawain ang mga ito nang walang paglihis. Karaniwan, dapat ay normal para sa iyo ang mapalapit sa Diyos sa puso mo, na pagbulayan ang pag-ibig ng Diyos at pagnilayan ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng mga nangyayari sa labas. Kapag nagkamit na ang puso mo ng kaunting kapayapaan, makakapag-isip-isip ka nang tahimik at, sa iyong kalooban, mapagbubulay-bulayan mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay kang mapapalapit sa Kanya, anuman ang iyong kapaligiran, hanggang sa huli ay marating mo ang punto kung saan nag-uumapaw ang papuri sa puso mo, at mas mabuti pa iyan kaysa pagdarasal. Pagkatapos ay magtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayang inilarawan sa itaas, magiging patunay iyan na tunay na payapa ang puso mo sa harap ng Diyos. Ito ang unang mahalagang leksyon. Pagkatapos mapayapa ang mga tao sa harap ng Diyos, saka lamang sila maaantig ng Banal na Espiritu, at maliliwanagan at pagliliwanagin ng Banal na Espiritu, at saka lamang nila tunay na makakaniig ang Diyos, at maaarok ang mga layunin ng Diyos at ang patnubay ng Banal na Espiritu. Sa gayon ay nakapasok na sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na buhay. Kapag lumalim na nang kaunti ang pagsasanay nilang mabuhay sa harap ng Diyos, at nagagawa nilang maghimagsik laban sa kanilang sarili, kasuklaman ang kanilang sarili, at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, tunay na payapa ang kanilang puso sa harap ng Diyos. Ang magawang kasuklaman ang sarili, isumpa ang sarili, at maghimagsik laban sa sarili ang epektong nakamit ng gawain ng Diyos, at hindi ito magagawang mag-isa ng mga tao. Sa gayon, ang pagsasagawa na patahimikin ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos ay isang leksyon na dapat pasukin kaagad ng mga tao. Para sa ilang tao, karaniwan ay hindi lamang sila hindi mapayapa sa harap ng Diyos, kundi hindi pa nila mapatahimik ang kanilang puso sa harap ng Diyos kahit habang nagdarasal. Kulang na kulang ito sa mga pamantayan ng Diyos! Kung hindi mapayapa ang puso mo sa harap ng Diyos, maaantig ka ba ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka mapayapa sa harap ng Diyos, malamang na magambala ka kapag may dumaan, o kapag nag-uusap ang iba, at maaaring mapalayo ang isipan mo kapag may ginagawa ang iba, kaya hindi ka nabubuhay sa presensya ng Diyos.

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos,โ€œAng pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng ...
26/06/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
โ€œAng pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa perspektiba ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat wala talagang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Maaari lamang Niyang personal na maisagawa ang Salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng Kanyang Salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na marinig at makitang tao ang Kanyang Salita, at higit pa rito, makamit ang Kanyang Salita, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas โ€ (Ang Salita, Vol. 1. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)).

๐Ÿ™๐Ÿ“˜๐Ÿ™๐Ÿ“• sabi ng Makapangyarihang Diyos Gayunpaman, kung titingnan ang obhetibong sirkumstansiya at ang buong sitwasyon, nan...
26/06/2025

๐Ÿ™๐Ÿ“˜๐Ÿ™๐Ÿ“• sabi ng Makapangyarihang Diyos
Gayunpaman, kung titingnan ang obhetibong sirkumstansiya at ang buong sitwasyon, nang dumating ang sangkatauhan, na umusad sa loob ng libu-libong taon, sa Kapanahunan ng Biyaya, limitado lang doon ang kanilang pag-unawa, at limitado lang din doon ang gawain ng Diyos. Ito ay dahil ang kailangan ng sangkatauhan, na lumitaw mula sa batas, ay hindi ang makastigo o mahatulan, ni ang malupig, at lalong hindi ang maperpekto. Isa lamang ang kailangan ng sangkatauhan noong panahong iyon. Ano iyon? Isang handog para sa kasalanan, ang mahalagang dugo ng Diyos. Ang mahalagang dugo ng Diyosโ€”ang handog para sa kasalanan na iyon ay ang tanging kinailangan ng sangkatauhan nang sila ay umalis sa Kapanahunan ng Kautusan. Kaya, sa panahong iyon, dahil sa mga pangangailangan at aktuwal na sitwasyon ng sangkatauhan, ang gawaing kinailangang gawin ng Diyos noon ay ang ialay ang mahalagang dugo ng sarili Niyang katawang-tao bilang handog para sa kasalanan. Iyon lamang ang tanging paraan para matubos ang sangkatauhan na namumuhay sa ilalim ng batas. Gamit ang Kanyang mahalagang dugo bilang bayad at bilang handog para sa kasalanan, inalis ng Diyos ang kasalanan ng sangkatauhan. At nang maalis na ang kanilang kasalanan, saka lamang nagkaroon ng katayuan ang tao na humarap sa Diyos nang walang kasalanan, at tanggapin ang Kanyang biyaya at ang Kanyang patuloy na patnubay. โ€ฆ Bagamat napatawad na ang kasalanan ng tao, at hindi na haharap ang tao sa Diyos nang may wangis ng makasalanang laman o bilang isang makasalanan, at sa halip ay napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan dahil sa handog para sa kasalanan at ngayon ay kuwalipikado nang humarap sa Diyos, ang ugnayan ng tao sa Diyos ay hindi pa rin katulad ng ugnayan ng isang nilikha sa Lumikha. Hindi pa ito ang ugnayan ng isang nilikhang sangkatauhan sa Lumikha. Ang sangkatauhan sa ilalim ng biyaya ay malayong-malayo pa rin sa papel na hinihingi ng Diyos sa kanila, ang maging pinuno at tagapangasiwa ng lahat ng bagay. Kaya, kinailangang maghintay ng Diyos; kinailangan Niyang maging

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos; "Sa yugtong ito ng gawain, dahil nais ng Diyos na ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa ...
24/06/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ™๐Ÿ“•๐Ÿ™Sabi ng Makapangyarihang Diyos; "Sa yugtong ito ng gawain, dahil nais ng Diyos na ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa sa buong daigdig upang bumalik ang lahat ng taong nagkanulo sa Kanya para magpasakop sa harap ng Kanyang luklukan, maglalaman pa rin ng Kanyang awa at mapagmahal na kabaitan ang paghatol ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga kasalukuyang kaganapan sa buong mundo bilang mga pagkakataon upang maging dahilan para mataranta ang mga tao, na magtutulak sa kanila na hanapin ang Diyos upang bumalik sila sa Kanyang harapan. Sa gayon, sinasabi ng Diyos, โ€œIsa ito sa mga paraan ng Aking paggawa, at walang dudang isang gawa ng pagliligtas para sa sangkatauhan, at ang ipinaaabot Ko sa kanila ay isang uri pa rin ng pagmamahal.โ€โ€”Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng โ€œMga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukobโ€, Kabanata 10mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian

Address

Rifao Upi Interstate
Upi
9602

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LEEN LEEN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share