May Campos

May Campos 🎭 Real stories, real emotions.
📽️ Creating emotional content to inspire hearts

19/10/2025

Nanghina ang boung sestema ni Clara sa pagdurog ni Ethan sa puso niya🥹💔



17/10/2025

Sa Facebook profile ko viral ang vedios pero zero earning kasi Hindi pa monetize so sad at higit sa lahat page ang priority ni Meta. Ang page kasi no limets ang fallowers sana umpisa pa lang Page na gamit ko kasi sa page ko ito lumalabas ang Monitization tools sa profile ko Wala😔😅 pero okay lang

Sana patola na lang ako, kahit binalatan mo man may silbi pa rin😅🤣🥒
16/10/2025

Sana patola na lang ako, kahit binalatan mo man may silbi pa rin😅🤣🥒



“Alam mo ba? Ang soft drink ay may mga benepisyo — pero mas marami rin itong risk kapag sobra.Tandaan, hindi masama pami...
16/10/2025

“Alam mo ba? Ang soft drink ay may mga benepisyo — pero mas marami rin itong risk kapag sobra.
Tandaan, hindi masama paminsan-minsan, pero piliin pa rin ang mas healthy: tubig, fresh juice, o gatas. 🧃💪
Maging wais sa bawat inom! 💧✨

Isang Tsaa lang nagbago lahat at nawala lahat ☕💔 🥺Chapter 5Halos manikip ang dibdib ni Alysia matapos niyang inumin ang ...
15/10/2025

Isang Tsaa lang nagbago lahat at nawala lahat ☕💔 🥺

Chapter 5
Halos manikip ang dibdib ni Alysia matapos niyang inumin ang tsaa. Alysia’s chest almost tightened after drinking the tea.
Agad niyang hinawakan ang kanyang leeg dahil ramdam niya ang kakaibang init at hapdi sa lalamunan. She immediately held her throat, feeling an unusual heat and burning sensation in her throat.
Parang may apoy na dumadaloy sa kanyang dibdib. It felt as if fire was flowing through her chest.
Hirap siyang huminga, habang pinipilit intindihin kung ano ang nangyayari sa kanya. She struggled to breathe while trying to understand what was happening to her.
Ang tsaa ay inihanda mismo ni Shela — ang kanyang madrasta. The tea was prepared by Shela herself — her stepmother.
Ayon dito, alok daw iyon ng kapayapaan. According to Shela, it was meant as an offer of peace.
Pero bakit ganoon ang epekto? But why did it have such an effect?
Napaluha si Alysia habang nakatingin kay Shela, na noo’y tahimik lamang na nagmamasid sa kanya. Alysia teared up while looking at Shela, who was silently watching her.
Gusto sanang sumigaw ni Alysia at humingi ng tulong, ngunit wala siyang boses na lumalabas. Alysia wanted to scream and ask for help, but no voice came out.
Naramdaman niyang unti-unting nanghihina ang kanyang katawan, hanggang sa tuluyang siya’y nawalan ng malay. She felt her body gradually weakening until she completely lost consciousness.
“Doktor, kumusta ang lagay ng anak ng asawa ko?” tanong ni Shela nang dumating ang family doctor nila. “Doctor, how is my husband’s daughter?” asked Shela as their family doctor arrived.
“Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkahilo at panghihina ni Miss Alysia. Kailangan natin siyang masuri nang mabuti,” paliwanag ng doktor. “We still can’t determine what caused Miss Alysia’s dizziness and weakness. We need to examine her more thoroughly,” explained the doctor.
Agad na kinabahan si Shela, ngunit itinago niya iyon sa likod ng mapanlinlang na ngiti. Shela immediately grew nervous but hid it behind a deceitful smile.
“Naku, baka pagod lang siya o may nakain. Magpapahinga lang siya,” mabilis niyang sagot. “Oh, maybe she’s just tired or ate something bad. She just needs some rest,” she replied quickly.
Ngumiti naman ang doktor, “Sige po, Senyora. Pero kung hindi siya gagaling, kailangan nating dalhin siya sa ospital.” The doctor smiled, “Alright, Madam. But if she doesn’t recover, we’ll need to take her to the hospital.”
Tumango si Shela at pinilit na ngumiti. “Oo, Dok. Ako na po ang bahala.” Shela nodded and forced a smile. “Yes, Doctor. I’ll take care of it.”
Kinabukasan, nagising si Alysia. Maayos na ang p**iramdam niya—ngunit may kakaibang nangyari. The next day, Alysia woke up feeling better — but something strange had happened.
Wala na siyang boses. Kahit anong pilit niyang magsalita, wala talagang lumalabas na tunog. She had lost her voice. No matter how hard she tried to speak, no sound came out.
Napaiyak na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nangyari. Ano bang inilagay ni Shela sa tsaa? She could only cry. She didn’t know why it happened. What did Shela put in the tea?
Naniwala siyang gusto nitong magkabati sila, ngunit ngayon ay tila niloko lang siya. She had believed Shela wanted to reconcile, but now it seemed she was deceived.
Akala niya’y tunay na kapayapaan ang alok nito—pero mas malalim pala ang dahilan. She thought the offer was sincere peace—but it turned out there was a darker reason behind it.
Pagkaraan ng ilang oras, dumating muli ang family doctor nila. After a few hours, their family doctor returned.
Masaya si Alysia nang marinig ang boses nito dahil alam niyang maaari siyang matulungan. Alysia was glad to hear his voice, knowing he could help her.
Sinubukan niyang magsulat ng maliit na mensahe para sa doktor, ngunit bago pa man ito makita, nakuha na ni Shela ang papel. She tried to write a small message for the doctor, but before he could see it, Shela had already taken the paper.
Tahimik lang si Alysia, puno ng takot at panghihinayang. Alysia stayed silent, filled with fear and regret.
Pag-alis ng doktor, narinig niya ang galit na tinig ni Shela mula sa labas ng silid. After the doctor left, she heard Shela’s angry voice from outside the room.
Napayakap siya sa sarili, nanginginig sa kaba. Ayaw niyang marinig o makita ang galit nito. She hugged herself, trembling in fear. She didn’t want to see or hear Shela’s anger.
Ilang sandali pa, pumasok si Shela sa kwarto at mahigpit na tiningnan si Alysia. A few moments later, Shela entered the room and stared at Alysia sternly.
“Tandaan mo, Alysia,” malamig nitong sabi, “simula ngayon, ako ang masusunod dito. Gusto ko lang matuto ka ng leksyon.” “Remember this, Alysia,” she said coldly, “from now on, I’m the one in charge here. I just want you to learn a lesson.”
Tahimik lang si Alysia. Gusto niyang lumaban, pero pinili na lamang niyang tumahimik. Alysia remained silent. She wanted to fight back, but chose to stay quiet.
Hindi dahil mahina siya—kundi dahil alam niyang darating din ang araw ng katotohanan. Not because she was weak—but because she knew the day of truth would come.
Sa ibabang bahagi ng mansyon, nag-uusap sina Shela at ang mga anak niyang sina Valerie at Nikke. Downstairs in the mansion, Shela was talking with her daughters, Valerie and Nikke.
“Mom, sigurado ka ba sa plano mo?” tanong ni Valerie. “Hindi ba’t mapapansin nila kung bakit hindi makapagsalita si Alysia?” “Mom, are you sure about your plan?” asked Valerie. “Won’t people notice why Alysia can’t speak?”
“Walang makakapansin,” sagot ni Shela. “Kailangan lang nating mag-ingat.” “No one will notice,” Shela replied. “We just have to be careful.”
“Bakit hindi na lang natin siya tulungang bumangon, Mom?” biglang sabi ni Nikke, ngunit may halong panunukso. “Pwede nating ipagawa sa kanya ang mga gawain sa bahay habang nagpapagaling siya. At least, may silbi siya.” “Why don’t we just help her get back on her feet, Mom?” Nikke teased. “We can make her do housework while she recovers. At least she’ll be useful.”
Ngumiti si Valerie. “Tama! Para maranasan niya ring magsimula sa mababa.” Valerie smiled. “Right! So she’ll know what it’s like to start from the bottom.”
“Bahala kayo,” wika ni Shela, “pero siguraduhin niyong hindi siya lalabas o makakausap ng kahit sino. Kailangan nating manatiling maingat hanggang matapos ko ang mga dapat ayusin.” “Do what you want,” said Shela, “but make sure she doesn’t leave or talk to anyone. We must stay careful until I finish what I need to do.”
Tahimik si Alysia sa kanyang silid. Nakatingin siya sa bintana, pinagmamasdan ang papalubog na araw. Alysia sat quietly in her room, staring at the window, watching the sunset.
Sa kabila ng lahat, pinanghahawakan pa rin niya ang pag-asang muling maririnig ang kanyang tinig at maipagtatanggol ang sarili. Despite everything, she still held onto the hope that she would one day regain her voice and defend herself.
Alam niyang hindi magtatagal, ang lahat ng lihim ay mabubunyag din. She knew that soon, all secrets would finally be revealed.

Anong gagawin mo pang nangyari to sayo?

Itutuloy...

“Kapag ang tao hindi makuntento kung Anong mayroon siya. Nakakagawa siya ng mga bagay na ikakapahamak niya” 💔🥺Chapter 4:...
15/10/2025

“Kapag ang tao hindi makuntento kung Anong mayroon siya. Nakakagawa siya ng mga bagay na ikakapahamak niya” 💔🥺

Chapter 4:
Narinig ang malalakas na sigaw ng kabayo.
“Yaahh! Yaahh!”

Mabilis na pinatakbo ni Alysia ang kanyang alagang si Snow White, anak ng kabayong minahal ng kanyang yumaong ama. Habang tumatakbo sa maputik na daan, namataan niya sina Benedick at Nikki na magkasamang naglalakad.

Kaagad na kumulo ang kanyang dugo sa nakita. Tila ba napakalapit ng dalawa, na parang nakalimutan na ni Benedick ang kanilang nakaraan. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa—pinatakbo niya nang mas mabilis si Snow White, at dahil sa bilis ng takbo, tumalsik ang putik sa suot ni Nikki.

“Ayy! Naku naman!” sigaw ni Nikki, habang nilingon ang papalayong si Alysia.
Napangiti si Alysia. “Pasensiya na!” mahina niyang sabi, ngunit bakas ang inis sa mga mata.

Nagpatuloy siya sa pag-ikot sa Hacienda. Sinuri niya ang mga manggahan, ang mga baka, at ang mga tubuhan. Maayos ang lahat, at magaganda ang ani. Malaki ang kikitain ng Hacienda sa susunod na buwan—isang bagay na tiyak na ikatutuwa ng kanyang ama, kung buhay pa ito. Ang magandang anihan, at perang ipapason sa Hacienda.

---

Samantala, sa kabilang dako ng Hacienda, nagngingitngit si Nikki habang pinupunasan ang damit na nabahiran ng putik.

“Tingnan mo naman ako, Benedick! Sinadya niya talaga iyon!” reklamo niya.

“Sinabi ko na sa’yo, Nikki. Basa ang daan. Hindi magandang pumunta rito ngayon,” mahinahong sagot ni Benedick. Kita sa boses nito ang pagod, ngunit pinili pa rin niyang maging mahinahon.

“Hindi ko siya palalampasin! pagbabayadan niya sa akin ito!” mariing sabi ni Nikki, bago tumalikod at nagmadaling umuwi sa mansyon.

---

Pagdating niya sa loob ng bahay, sinalubong siya ng kanyang ate na si Valerie. Halos matawa ito nang makita ang itsura ng kapatid—puno ng putik ang buhok at damit.

“Naku, Nikki! Naligo ka ba sa putik?” biro ni Valerie, habang pinipigilan ang tawa.

“Valerie, please! Hindi ito nakakatawa!” sigaw ni Nikki, habang pinupunasan ang sarili.

Narinig ni Señora Sheila, ang kanilang ina, ang sigawan mula sa sala. Lumabas ito, suot pa ang kanyang eleganteng robe.
“Ano na naman ‘tong ingay? Nikki, bakit ka ganyan? Para kang galing sa bukid!”

“Si Alysia po! Sinadya niya akong maputikan!” reklamo ng dalaga.

Napailing si Sheila. “Kailan ka pa matututo, Nikki? Alam mong delikado ang daan kapag umuulan. Hindi mo dapat pinilit pumunta roon.”


“Pero, Mommy…” sumimangot si Nikki. “Sinira niya ang araw ko!”

Note: Itutuloy sa susunod kung nais mo pa mabasa ang kuwento ni Alysia magfallow at magcomment sa ibaba👇

Ang sariwang Talong sapat na, balik-balikan mo ang sarap ng talong☺️⛅
14/10/2025

Ang sariwang Talong sapat na, balik-balikan mo ang sarap ng talong☺️⛅

14/10/2025

Mag-asawa sila sa papel pero hindi magkakilala😢

Panoorin ang boung vedios upang malaman ang kuwento☺️

“Minsan, hindi mo alam kung sino ang tunay na kalaban — ‘yung umiyak sa harap mo, o ‘yung ngumiti bago lumayo.” 💔(Chapte...
14/10/2025

“Minsan, hindi mo alam kung sino ang tunay na kalaban — ‘yung umiyak sa harap mo, o ‘yung ngumiti bago lumayo.” 💔

(Chapter 3)

Part 2: Galit, Luha, at Pagpapakumbaba

Matapos ang eskandalong natuklasan ni Alysia, pilit niyang ibinalik ang katahimikan sa mansion. Ngunit isang araw, umalingawngaw ang iyak at sigawan mula sa kuwadra.

Paglabas niya, nakita niya si Valerie, ang anak ni Sheila — nakaluhod, basang-putik, at umiiyak.

“Patawarin mo ako, Alysia! Hindi ko sinasadya… namatay ang kabayo mo!” pagmamakaawa ni Valerie, nanginginig habang pinupunasan ang mukha.

Pero nanatiling matigas ang loob ni Alysia. Sa bawat patak ng ulan, kasabay din ng pagtulo ng kanyang galit. Ang kabayong iyon ay tanging alaala ng kanyang ama — kaya’t para sa kanya, hindi ito simpleng pagkakamali.

Dumating si Sheila, agad itinayo si Valerie at hinarap ang dalaga.
“Wala kang karapatang saktan ang anak ko,” mariing sabi ni Sheila, puno ng luha at galit.

“Wala rin kayong karapatang bastusin ang alaala ni Daddy!” tugon ni Alysia. “Kung hindi dahil sa kanya, hindi kayo makakatira rito!”

Tahimik ngunit matalim ang tinginan nila — mag-ina laban sa ulila, madrasta laban sa anak. Sa gabing iyon, hindi lang kabayo ang namatay… kundi ang respeto at tiwalang minsan ay nabuo sa pagitan nila.

Habang papalayong magkasama sina Sheila at Valerie, may naiwan silang pangakong binitiwan sa isip: babalik sila, at babawiin ang lahat.

Tahimik ang gabi sa mansion, pero hindi mapakali si Sheila. Hawak niya ang sigarilyo habang nakatanaw sa labas ng bintana — ang usok, tila sumasabay sa bigat ng kanyang iniisip.

“Mom, hanggang kailan tayo magtitiis?” tanong ni Valerie, halatang pagod at may bakas pa ng galit sa mukha. “Hindi ko matanggap na ginanun lang tayo ni Alysia. Para tayong walang halaga dito.”

Mabigat ang paghinga ni Sheila bago siya sumagot.
“Huwag kang mag-alala, anak. Darating din ang araw na makakabawi tayo. Hindi habang panahon siya ang nasa itaas.”

“Anong plano mo, Mom?” tanong ni Valerie, may halong kaba at pag-asa.

Ngumiti si Sheila, malamig ngunit puno ng determinasyon.
“Kung siya ang pinaniniwalaan ng lahat ngayon, gagamitin natin ‘yon sa pabor natin. Kukunin natin ang tiwala niya… hanggang siya mismo ang masira.”

Tahimik si Valerie. Alam niyang delikado ang plano, pero sa puso niya, gusto niyang makita si Alysia na maranasan din ang sakit at kahihiyan na pinagdaanan nila.

Samantala, si Alysia naman ay naglalakad sa hardin, hawak ang lumang kuwintas ng kanyang ama. “Sana nandito ka pa, Dad,” bulong niya. “Ang hirap maging mag-isa sa laban na ‘to.”

Hindi niya alam, sa likod ng bawat ngiti ni Sheila at Valerie ay nagsisimula nang mabuo ang plano ng dalawang babaeng handang ibalik ang lahat — kahit kapalit nito ay ang pagkawasak ng puso ng isa.

*Mga Mukhang May Lihim*

Tahimik ang gabi sa mansion, pero hindi mapakali si Sheila. Hawak niya ang sigarilyo habang nakatanaw sa labas ng bintana — ang usok, tila sumasabay sa bigat ng kanyang iniisip.

“Mom, hanggang kailan tayo magtitiis?” tanong ni Valerie, halatang pagod at may bakas pa ng galit sa mukha. “Hindi ko matanggap na ginanun lang tayo ni Alysia. Para tayong walang halaga dito.”

Mabigat ang paghinga ni Sheila bago siya sumagot.
“Huwag kang mag-alala, anak. Darating din ang araw na makakabawi tayo. Hindi habang panahon siya ang nasa itaas.”

“Anong plano mo, Mom?” tanong ni Valerie, may halong kaba at pag-asa.

Ngumiti si Sheila, malamig ngunit puno ng determinasyon.
“Kung siya ang pinaniniwalaan ng lahat ngayon, gagamitin natin ‘yon sa pabor natin. Kukunin natin ang tiwala niya… hanggang siya mismo ang masira.”

Tahimik si Valerie. Alam niyang delikado ang plano, pero sa puso niya, gusto niyang makita si Alysia na maranasan din ang sakit at kahihiyan na pinagdaanan nila.

Samantala, si Alysia naman ay naglalakad sa hardin, hawak ang lumang kuwintas ng kanyang ama. “Sana nandito ka pa, Dad,” bulong niya. “Ang hirap maging mag-isa sa laban na ‘to.”

Hindi niya alam, sa likod ng bawat ngiti ni Sheila at Valerie ay nagsisimula nang mabuo ang plano ng dalawang babaeng handang ibalik ang lahat — kahit kapalit nito ay ang pagkawasak ng puso ng isa.

*Ang Simula ng Panlilinlang*

Makalipas ang ilang araw, tila tahimik na muli ang mansion. Pero sa likod ng katahimikan, unti-unting gumagalaw ang plano ni Sheila.

Habang nagkakape sa terrace, tumawag siya sa isa sa mga dating tauhan ng asawa niya. “Kumusta, Lito? Naalala mo pa ba ang utang na loob mo sa akin?” malamig niyang sabi. “May kailangan akong pabor… maliit lang.”

Ngumiti si Lito, pero halatang kinakabahan. “Ano po ‘yon, Ma’am?”

“Gusto kong malaman lahat ng galaw ni Alysia. Sino ang mga kausap, saan pumupunta, at kung sino ang pinagkakatiwalaan niya.”

Samantala, abala si Alysia sa pagpapagawa ng mga lumang bahagi ng Hacienda. Unti-unti niyang binabalik sa dating ganda ang lahat, para parang maramdaman niyang kasama pa rin ang ama niya.

“Maganda na po ang resulta, Ma’am Alysia,” sabi ng katiwala. “Pero kanina raw may lalaking nakita sa may likod na hardin. Parang nagmamanman.”

Nagtaka si Alysia, pero hindi na niya ito pinansin. Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay isa sa mga tauhan ni Sheila — tahimik na nagmamasid, nagbabantay sa bawat kilos niya.

Sa kabilang banda, nagsimula nang kumalat ang mga bulong-bulungan sa mga tauhan ng Hacienda.
“Si Ma’am Alysia daw, balak ibenta ang lupa,” sabi ng isa.
“Hindi nga! E sabi ni Ma’am Sheila, wala na raw siyang p**i sa Hacienda,” dagdag ng isa pa.

Ngumiti si Sheila habang naririnig ang mga kuwentong siya mismo ang nagpasimula.
“Unti-unti, anak,” bulong niya kay Valerie. “Bago siya tuluyang bumagsak, kailangan muna niyang mawalan ng tiwala sa lahat.”

At sa unang pagkakataon, nagtama ang tingin nila — mag-ina na may iisang layunin: sirain ang babaeng nagpatalsik sa kanila.

*Ang mga Bulong sa Likod ng Katotohanan*

Maghapon nang pagod si Alysia sa pag-aasikaso ng mga papeles ng Hacienda. Habang nakaupo siya sa veranda, dumating ang isa sa mga kasambahay, halatang nag-aalangan.

“Ma’am… may gusto po sanang sabihin si Mang Lito, pero baka magalit kayo,” sabi nito.

Agad siyang napatigil. “Bakit? Ano bang nangyari?”

“May mga taong nagsasabi raw, ibebenta niyo na ang lupa. Na mawawalan na raw ng trabaho ang mga tauhan dito.”

Napatigil si Alysia, nanlamig ang kamay. “Sino nagsabi niyan?”

“Hindi ko po alam, Ma’am. Pero galing daw mismo kay Ma’am Sheila.”

Napahawak si Alysia sa dibdib. “Hindi totoo ‘yan…” mahina niyang sabi, pero halatang nadudurog ang loob niya.

Kinagabihan, pinuntahan niya si Sheila sa silid nito. Tahimik siyang kumatok. “Tita, may gusto lang akong linawin,” mahinahon niyang simula.

Ngumiti si Sheila, tila walang alam. “Ano ‘yon, hija?”

“Totoo bang sinabi mong ibebenta ko ang Hacienda?”

Bahagyang natawa si Sheila, pero malamig ang tono. “Ay, iyon ba? Narinig ko lang din. Alam mo naman, mabilis ang balita dito. Baka may narinig lang silang mali.”

“Pero bakit pati mga tauhan nagagalit na?” balik ni Alysia. “Hindi ko naman gagawin ‘yon.”

“Eh ‘di sabihin mo sa kanila,” sagot ni Sheila habang inaayos ang kwintas sa leeg. “O baka naman… may itinatago ka, Alysia?”

Nanlaki ang mata ni Alysia.
Hindi niya alam kung bakit, pero sa mga salitang iyon, parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan nila.

Paglabas niya ng silid, ramdam niyang may kakaibang pagbabago — hindi lang sa mga tao sa paligid, kundi pati sa tiwala niyang unti-unti nang nababasag.

Itutuloy... fallow me for full episodes😊

Address

Malibong Urbiztondo Pangasinan
Urbiztondo
2414

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when May Campos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to May Campos:

Share