06/07/2025
PALANTANDAAN NA SCAMMER KAUSAP MO
LIGTAS ANG MAY ALAM.
TYPES OF ONLINE SCAMMER.
“THE LALAMOVE BOY”
Tip no 1 - Mag popost sa marketplace na napakamurang iPhone yung tipong pamigay na, sasabihin may bawas pa pag kukunin mo ngayon.
- Ang una niyang itatanong location mo, pag ka siya naman na ang tatanongin mo lalayuan niya location niya.
- Hindi ka niya puwede ma meet, Dahil biglang magkakasakit ang kung sino man na poncio pilato sa pamilya niya o di kaya mabubuntis at nag aalaga siya nang bata.
- papipiliin ka kung Pickup or lalamove, papa check daw kuno sa rider. “WALA GANUN BOY”
-Gusto Payment first
“THE MIDDLEMAN”
Tips no 2 - Medyo matalino ang scammer na ito, gumagamit nang utak. Mag popost din sa marketplace nang murang iphone.
-Mag papakilala na legit yung binebenta at puwede kayo mag meetup. Pero ang kikitain mo sa personal. “KAPATID, PINSAN OR ASAWA” niya kuno.
-Pag nasa meetup na, yung sinabi niyang “KAPATID, PINSAN OR ASAWA” ayun ang tunay na may ari nang cellphone. at yung kausap mo sa messenger ay yung scammer.
-Sasabihin sayo nung kausap mo sa messenger na wag ka masyado matanong sa meetup dun sa “KAPATID, PINSAN OR ASAWA” niya kuno. especially sa tunay na price nung iphone.
-Bank transfer lang ang gusto nang kausap mo sa messenger na mode of payment. pag naka meet mo na yun “KAPATID, PINSAN OR ASAWA” niya kuno. Hindi siya papayag na i send mo dun sa ka meet mo ang bayad. “ANG TUNAY NA MAY ARI NANG PHONE”
-Mang haharass na ang kausap mo sa messenger pag na meet mo na ang “KAPATID, PINSAN OR ASAWA” niya kuno. Para isend mo sa kanya ang payment.
THE TUWALYA GIRL
Tip no 3 - makikipag videocall sayo para mapanatag ka at ipapakita niya pa mukha niya mismo. Shipping ang mode of transaction niyo dito.
-Siya naman ang magiging buyer dito, kunware gustong gusto niya yung binebenta mo at kukunin niya at any price. Mahal pa
Man or mura.
-Sasabihin niya na i lalamove nalang yung unit at makikipag video call pa ito para i check yung unit.
-Pag nandun na kayo sa parte nang bayaran at andiyan na yung rider sa inyo, sasabihin niya na pa alisin lang na unti yung rider at mag sesend na siya nang bayad niya or di kaya mag sesend na talaga siya nang bayad niya.
-Ang isesend niya sayo na screen shot nang reciept nang payment ay peke, magaling ang pag ka edit kaya hindi mo mapapansin agad. At sasabihin sayo na floating ang transfer at papasok din yun sa bank account mo hanggang pa alisin mo na yung rider.
THE BUDOLEROS
TIPS NO 4 - Meetup ang transaction, Pero papalitan nang fake yung Binebenta.
-Magkikita kayo sa mga Convenience store pref nang scammer na ito ay yung tabing highway lang may kasama itong rider na nag aabang sa kanya.
-iPapacheck niya sayo yung legit na unit, walang issue ang unit na ito, walang sira or kahit ano. Pero may “SIMCARD” niya ang unit na ito. Hindi niya tatanggalin ang simcard.
-Sa oras nang bayaran pag na abot mo na yung pera sa kanya tsaka niya naman hihiramin yung cellphone. Tatangalin niya ang simcard or may icheheck siya. Vice versa. Kahit hindi mo pa i abot ang pera maari niya nang mapalitan ang cellphone sa oras na binigay mo sa kanya ang unit.
-sa oras na binigay mo na yung unit mabilis niya itong papalitan nang clone. Ka itsura nang unit na chineck mo at agad niya ibibigay sayo ang cellphone at sasabihin na itago agad kasi madaming mandurokot sa lugar.
-Agad siyang aalis kasama ang rider niya.
TIPS PARA HINDI MA SCAM
NO TO PAYMENT FIRST
MEETUP ONLY
CHECK THE CREDIBILITY OF THE ACCOUNT
BE VIGILANT SA MEETUP, KAUSAPIN ANG SELLER.
MAG IINGAT PO ANG LAHAT PALAGING PUMILI NG LEGIT SELLER BAGO BUMILI NG IPHONE 🫶
-CTTO