25/12/2025
Merry Christmas, Braders 😊🎄
I started streaming back in 2019 and since then, Magic Chess has been my comfort.
During COVID, dumaan ako sa sobrang hirap na panahon. Severe health issues, nawalan ako ng tatay, nagkaroon ng depression at anxiety. Maraming gabi na hindi ako makatulog, tuloy-tuloy ang ubo, minsan may dugo pa. Sa mga panahong yun, Magic Chess yung naging kasama ko. Tahimik lang, pero nandyan. Tumulong siya sa akin para makaraos.
Kaya hindi ko talaga maiwan tong laro na to. Hindi lang siya game para sa akin. Mas personal siya.
Maraming lumipat sa ibang games, Axie and kung ano ano pa. May mga offers din para mag promote ng gambling platforms. Pero pinili kong manatili sa Magic Chess. At ngayon, sobrang saya ko na makita na 2025 is becoming the year of recognition ng Magic Chess. May tournaments na, Rising Stars, pati SEA Games. Nakaka proud.
Aminado ako, hindi na ako ganun kagaling maglaro tulad dati. Busy na, may health issues pa rin. Pero ang sarap sa pakiramdam na kahit ganun, sinusuportahan pa rin ako ng mga taong mahal din ang Magic Chess. Nakakataba ng puso yung mga message na “Brader kelan ka babalik” o “Stream ka na ulit brader”.
Hanggang sa napasabi na lang ako na sige na nga. Kahit nag post pa ako dati ng parang last Magic Chess content, hindi pala talaga ako makakatakas. Haha.
Dahil sa Magic Chess, ang dami kong nakilalang solid na tao at pamilya. BNK fam, Hybrid, Virtuoso. Kela Keliwups, Procorpio DH, Demigod. Sendo Gang, RIP brader Sendo. Isa yun sa pinaka welcoming na communities noon. AV fam nila brader Luna, Rivs, Maldita, Spyder, Kreng, Mijsan na halos naging undefeatable. Vongola famiglia kay brader Lenard.
Salamat din sa mga nagpa tournament at kumuha sa akin bilang shoutcaster. At sa mga solid supporters na hindi bumitaw. Puppeyrus, Ronnie Cleto, kapatid na Tine, brader Jay Sison or El Delicado, brader Kevs, Shane, Myla, Jerwin, Alvin John, brader Jhong, Jessa, Hannah, NJ, Pat, Jessy, MissPaj, Jao, Kim, Nataniel.
Special shoutout din sa mga solid engagers ng page.
Jo Albert C. Esperas
Angelo Salvador
Alvin Diola
Rolando Calima Llo
Rosito Ignacio
Steven Jake Aquino
Ken Pa Chi
Arvin Atienza
Coloma Jethro
Marvin Macabontoc
Nagsimula ako sa 2 viewers lang. Kadalasan ako lang at phone ng asawa ko. Ngayon, umaabot na tayo halos 200 viewers kada livestream at minimum 10k views sa regular gameplay content. Maraming salamat sa pagmamahal.
Salamat sa panonood, pag comment, like at share. Napakalaking tulong nyan. Sana mas marami pa tayong maabot na milestones. 100k followers sana. 1M views sa isang video sana. Hehe.
Gusto ko rin i share na may sinisimulan tayong initiative para sa Magic Chess dito sa Pilipinas. Tatawagin natin siyang NMA or National MCGG Association. Goal nito ay tulungan, i organize at i level up ang Magic Chess community sa bansa. Maglulunsad din tayo ng YouTube channel and yung monetization ay gagamitin para sa funding, events at fundraising projects. Sana masuportahan nyo rin.
Pangarap ko na magkaroon tayo ng website, mas matibay na community at mas malalim na samahan.
Maraming salamat sa lahat, Braders.
Wishing you all God’s blessings and favor. 🎄