
22/07/2025
"Sana'y tumila na ang ulan”
Dahil hindi lahat ay may bubong na masisilungan.
Hindi lahat ay may kumot na pampainit o mainit na kape na kasabay ng bawat patak.
Hindi lahat ay nasa loob ng bahay may ilan na sa lansangan natutulog, may mga pamilya na unti-unting nilulunod ng baha ang pangarap.
May mga bata na takot, may matatandang nangangamba, at may mga nawalan na ng tirahan.
Panalangin ko'y kaligtasan at kapanatagan para sa lahat.
Sana, sa likod ng ulap, may pag-asa pa ring sumisilip."