07/11/2025
bakit ba may mga taong papasok sa buhay natin tapos kapag nasanay na tayo sa presensiya nila, doon sila magbabago? doon nila sasabihin na hindi pa pala sila handa. ‘yong iba nga, nawawala na lang bigla. wala ng paramdam. wala ng seen, literal na wala na. tapos ikaw itong hindi alam kung anong nangyayari sa kaniya kase nga hindi na siya nagsi-seen sa mga chats mo. maloloka kakaisip, kaka overthink. idagdag mo pa na wala namang kayo kaya may karapatan ka bang magreklamo? manumbat? ganiyan ang sitwasiyon na hindi mo alam kung ano ba ang dapat kaya ang ending, pipilitin mong maging okay uli. na masanay uli na ikaw lang. tapos sasabihin mo sa sarili mo na “huli na iyon, hindi na ako magpapapasok sa buhay ko na hindi naman pala sigurado sa akin. na ayoko ng kumilala uli.”
masarap kiligin pero mahirap ang masaktan lalo na kung iniwan ka ng walang dahilan.