07/08/2025
One year na pala. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, dasal lang talaga ang bitbit ko, dasal na sana makahanap ng trabaho abroad.
Ngayon, andito na ako sa Japan. Working as an OFW, isang kargadora.
Hindi ito madali. Akala ko kaya ko lang basta may lakas ng loob, pero ngayon ko naranasan ang totoo. Sobrang daming iyak, pagod na hindi mo mailabas, at lungkot. Lalo na sa mga panahong gusto mong umuwi pero alam mong hindi puwede kasi may pangarap kang gusto mo maabot.
Ngayon ko mas naintindihan kung gaano kahirap maging OFW.
At higit sa lahat… mas naintindihan ko na ngayon si Mama🥹
Matagal siyang nagtrabaho sa ibang bansa para sa amin. Dati, iniisip ko, "Ang swerte ni Mama, nasa abroad, pwede gumala anytime (kung gugustuhin)" Pero hindi ko nakita ‘yung bigat na dinadala niya araw-araw habang malayo sa amin. May mga importanteng araw na hanggang tanaw lang sa cellphone, katulad ng Pasko o birthday.
Ngayon ko na-realize, hindi totoo na madali ang buhay ng OFW. At lalong hindi totoo na mapera kami. Ang sweldo? Saglit lang ‘yan sa kamay. Tax at bilihin pa lang dito sa ibang bansa mangangamote kana sa pagbudget. Kasama pa ang pagpapadala at pag-iipon.
Sobrang dami kong natutunan sa isang taon. At sa lahat ng ‘to, ang pinakaimportante, hindi mo kailangang maging mayaman para masabing matagumpay. Minsan, sapat na ‘yung may paninindigan ka, may dahilan kang lumaban, at may pusong handang magsakripisyo.
At sa lahat ng OFWs, lalo na sa mga ina na tulad ni Mama, ganun din sa mga tatay. saludo ako sa inyo. Kayo ang dahilan kung bakit maraming pamilya ang patuloy na kumakapit at lumalaban. Hindi sapat ang salitang "salamat" para suklian ang lahat ng sakripisyo ninyo.
Mabuhay tayo, mga tunay na bayani. 🙏🏼🌍🇵🇭