23/11/2025
Sobrang saya ng puso ko 🤍🥹✨
Yung pangarap namin 5 years ago, ito na ulit 🥹
Grabe si Lord! Sobrang nakaka amaze!
Ang tagal namin pinag pray na sana magkaroon ulit kami ng business, at sana na mag open ang ComeBack Silog ulit.
Then now, ito na! Answered prayer na tayo sa matagal na natin pinanalangin! 3 months na tayong open. At mula sa simula, kitang kita namin ang kabutihan ni Lord sa buhay namin, kung paano sya kumilos at gumabay sa lahat ng desisyon na gagawin. Kung paano nya irefill ang aming energy na araw araw ubos, kung paano nya kami muling bigyan ng lakas na harapin lahat ng work loads.
May mga bagay pala talaga na kahit gustuhin natin, at pilitin natin, hindi magiging okay o successful kung tayo lang o kakayahan lang natin yung inasahan natin. Pero kapag pinanalangin, and you wait for God’s direction, never ka Niya pagkukulangin. He will supply all your needs.
“When the time is right, I the Lord will make it happen.”
- Isaiah 60:22
Thank you Lord for all the blessings! Ikaw lahat ito, katiwala mo lang kami 🙌🤍✨
Pa comment naman ng picture ninyo sa ComeBack lagay nyo na din ang Jcash number nyo! ☺️