07/12/2024
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Kasabay ng pagdiriwang ng "Pasko sa Kapitolyo 2024" sa lalawigang ng Catanduanes, ngayong ika- 6 ng Disyembre ay ang pasiklaban ng mga Drum and Lyre Corps mula sa iba't -ibang paaralan sa sekondarya sa lalawigan.
Orihinal na nakatakda ang kapanapanabik na DLC Competition bilang bahagi ng Catandungan Festival noong Oktubre 26.
Ngunit dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyong Kristine at super typhoon Pepito, kinailangang ipagpaliban ito.
Dahil sa malawakang pagkawasak sa Catanduanes, napagpasyahang gawing isang exhibition na lamang ang DLC bilang bahagi ng "Pasko sa Kapitolyo 2024" Christmas Lighting.
Siyam (9) na paaralan ang nagpakita ng kanilang husay sa pagtugtog at pagsasayaw:
- Catanduanes National High School
- San Jose National High School
- Immaculate Conception Seminary Academy
- Catanduanes Colleges High School Department
- Caramoran Rural Development High School
- San Miguel Rural Development High School
- Cabugao Integrated School
- Viga Rural Development High School
- Catanduanes State University Laboratory Schools
Bukod dito, hindi rin nagpahuli ang virtual performances mula sa Pandan School of Arts and Trades (PSAT) at Caramoran School of Fisheries.
Namangha ang mga manonood sa magarbong kasuotan at mahuhusay na pagtatanghal ng bawat kalahok.
Bilang isang tradisyunal na bahagi ng Catandungan Festival, malaki ang kahalagahan ng DLC sa puso ng mga Catandunganon at mga turista.
Ibinahagi ni Florabel Obogne, magulang ng isang DLC member sa Viga Rural Development High School (VRDHS), ang kanilang dedikasyon: βGabos na support tinao namo. Ardaw gabi gasundo buda gahatod. Tapos maski masakit yung panahon talagang gapunta sa practice. Tapos nintong paka perform nila naka-ugma na. Nakawala ning stress.β emosyonal ang mga maggulang nang matapos ang performance ng kanilang mga anak
Samantala, ibinahagi naman ni Zedrick Boragay, isang DLC member, ang kanyang damdamin: βGusto kong ipakita sa buong Catanduanes ang abilidad ng mga taga Viga. And we are proud of what skills we have. Naka gaan ning loob buda naka proud na napakita mo yung best mo and na represent yung school mo.β
Dagdag pa ni Gabriela Abeto, Mother Majorette ng VRDHS DLC: βMaski nakamati kami ning pressure, iso 'yun yung nag push sa amo na mas ipagayon yung performance.β
"Hindi madali ang aming pinag daan para lang makapunta at makapag perform kaya naman nakaka taba ng puso na makita ang mga manonood na bilib na bilib sila sa performance ng Viga RDHS" ani ni G. Matienzo ang isa sa coordinator ng DLC
Ang tema ng VRDHS DLC ay Musika, Pag- asa at Pasasalamat sapagkat ang kanilang pagtatanghal ay inaalay sa bawat Viganon na sumuporta at nagtiwala sa kakayanan ng mga mag aaral.
Pagkatapos ng pagtatanghal, ay nasaksihan ng mga dumalo ang napakagandang paiilawan ng kapitolyo, lalo na ang malaking Christmas tree na puno ng mga palamuti at disenyo
Sa huli, ang "Pasko sa Kapitolyo 2024" ay isang malinaw na simbolo ng pagbangon at pag-asa para sa Catanduanes.
Sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita ng mga Catandunganon ang kanilang pagkakaisa at pasasalamat sa poong Maykapal.
βοΈ | Maricris T. Rodelo, Ang Sinagtala
π· | Hans Stanley E. Tubeo, Ang Sinagtala