28/10/2025
HINDI MADALI PERO KINAYA NATIN💪👊
First of all thank you Papa G 🙏 🙏🙏
congrats ate EJ / ericka salamat Hindi mo kami binigo ni mommy mo. Kahit alam Kong sobrang apektado ka sa tuwing Meron kaming Hindi pagkakasundo ng mommy mo. Hindi ka nag pa apekto nag aral ka pa din mabuti👍
thank you ate❤️
Ate naalala ko madalas Tayong nagtatalo habang kumakain pag dating sa mga pananaw sa buhay. Iba Ang real life sa napapanood o nababasa lang sinasabi ko Yung opinyon ko sayo kasi Isa Yan sa magpapatibay sayo💪
Eto pa Isa jusko halos mag away Tayo😅 dahil sa politiko 🤣 election kung sino boboto natin. Masyado tayong naapektuhan ng mga politiko 🤣 Hindi mag tugma Ang mga paniniwala natin😅 kasi Ako base in may experience Ikaw naman tinuturo sa skul at Yung alam mong tama. Dyan mas lalo Tayong nag tatalo ilan beses Yan ate 😅 Ang saya natin kumain mauuwi sa bulyawan 🤣🤣 Meron pang Isang topic Meron Tayong pinagtalunan kaharap na mommy mo si mommy mo pumanig sa skin kung ano Ang paniniwala ko.
Pero Ikaw Hindi pa din,😅
kahit dalawa na kaming nag sasabi sayo
Hindi ka pa din nagpapatalo😅 Hindi ko maalala kung Anong tapic non. Kinalabasan tayong tatlo nag away 🤣🤣🤣 pero dahil Jan sa tuwing nagtatalo Tayo nakikita ko talaga na may paninindigan ka buhay pag alam mong tama ka Hindi ka nag papatalo. 💪 💪 Tama Yan
Anyway ibahin ko na topic
Super. Duper Proud kami sayo❤️🎓
Uulitin ko ate maraming salamat ❤️ Hindi mo kami binigo Yan lang Ang pangarap namin sa inyong magkakapatid 👊 Yung hindi namin na abot ng mommy nio👍 gusto namin makamit niong 3.
lahat ng gusto niong mangyari sa buhay nio Basta nasa tabi nyo lang kami 100 💯 Support kami 👊
Muli ate CONGRATULATION 🎓🎓
good luck sa susunod na chapter ng buhay mo
Aylabyu ate mahal na mahal namin kayong tatlo❤️❤️❤️
Eunice next ka na alam namin kayang kaya mo din Yan👊💪
Tapos Kiel putz alam nio na ah. Baka ugod ugod na kami ng mommy nio nung bago makatapos Yan 🤣🤣 pero lalaban kami sa hamon ng buhay makapagtapos lang kayo💪💪
basta palagi nyo lang tandaan Ang mga bilin or payo namin sa inyong magkakapatid ❤️❤️❤️
🎓🎓🎓