
09/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ง๐ญ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ฆ๐ฉ๐ญ: ๐๐๐๐ฏ๐ฒ
'๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ก๐๐ข'
Dumidilim na ang kalangitan
Ang bituin at buwan ay unti-unti ng nasisilayan
Sabi nila masarap lumabas ng bahay sa mga oras na ito
Dahil para mo na ring pinapanood ang pagkalma ng mundo
Sinubukan ko itong gawin
Naglakad ako palayo sa amin
Ngunit sa bawat hakbang na aking ginagawa
May bigat akong nadarama
Pinikit ko ang aking mga mata
Sinusubukang kumalma
Sa muli kong pagdilat
Unti-unti kong napapagtanto
Ang dahilan ng aking paghinto
Hindi ko nakikita o nahahawakan
Pero ramdam ko ito sa aking likuran
Sa sobrang bigat ng nakadagan
Pati sa paghinga ako ay nahihirapan
Tumingin ako sa aking kapaligiran
Naghahanap ng pwedeng mapagsabihan
Ngunit kahit anino wala akong masilayan
Unti-unti na ring bumabagsak ang aking katawan
Sa pagpatak ng aking luha
Kasabay din nito ang paghiling ko sa mga tala
Na sana pagsapit ng umaga
Kahit paano'y magaan na.
___________
Words: Serenitine
Art: Hannah Cel Eguita