
03/08/2025
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮! 🇵🇭
Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang:
“𝑷𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂: 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒔𝒂.”
Sa buwang ito, ating ginugunita ang ating pagka-Pilipino at tinataguyod ang ating pambansang wika, ang Filipino, na walang takot na ipinaglaban ng ating Ama ng Wika, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon. 🗣️📚
Hinihikayat namin kayong makiisa at sama-sama nating ipagdiwang at pagyamanin nang buong puso ang ating pambansang wika—na nagsilbing tulay ng damdamin, opinyon, kasaysayan, at kultura ng sambayanang Pilipino. ✍🏻📜
Gawin nating makulay at masaya ang buwan na ito! Ipakita natin ang ating pagmamahal sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga inihandang gawain ng ating paaralan na tunay na magpapatingkad sa ating wika at kultura. ☀️
Caption by: Hanifa Sabuero
Layout and Design by: Reid Pahkiat