24/09/2026
Graduate na ako.
Matagal ko nang tinatago 'tong kwentong 'to, pero siguro panahon na para ilabas. Hindi ko alam kung mababasa mo pa 'to, pero kung sakali mang makita mo, masaya akong makita na naabot mo na yung pangarap na inaasam mo.
Ito yung kwento namin, kwentong parang Yeng at Ryan. Yung akala mong kayo na, pero hindi pala tinadhana sa tamang oras.
I just wanna share my story. It all started when I was still studying in WMSU. Campus B ako, s'ya naman Campus A. Now, we are both professionals na, he's a licensed Mechanical Engineer, and I am a licensed professional too.
We met because of a random friend request. Simple lang, pero nung nakita ko yung profile picture nya, cute eh. So I accepted it. LMAO.
We started talking online. Chats turned into late nigh calls. Yung tipong 2 AM na pero ayaw mo pa ring ibaba yung phone kasi masarap kausap hahaha. Until one day, sinusundo nya na ako sa dorm.
Our favorite thing was watching the city lights. Tahimik lang kaming dalawa, pero ang ingay ng mga pangarap namin. We talked about life, about future, about where we see ourselves 5 years from now. I won't mention my dream anymore, it's too obvious. I know the moment he reads this, malalaman niya agad na ako 'to.
To be honest, I liked him even back then.
But I never confessed. Not because I didn't want to, but because I was scared. I wasn't sure if gusto n'ya rin ako eh. Wala naman s'yang sinabing nanliligaw sya. Wala syang sinabing gusto nya ako. Nag e-effort sya, oo, pero sapat na ba yun para umasa ako?
Kaya mas pinili kong itago. Mas pinili kong manahimik.
He smells so good, yung tipong kahit malayo pa lang sya, naaamoy mo na yung perfume nya. He's cute, maputi, matalino, and he loves to joke around. Maybe those small things are the reason why I fell for him without even noticing.
Hindi ko na masyadong maalala kung paano at bakit kami biglang hindi nag usap. Dalawang taon na ang Lumipas. Dalawang taon na katahimikan.
At ngayon, nagparamdam syang muli. We're both professionals na, we both have our own lives na.
But you know what's funny? Sa loob ng dalawang taon na hindi kami nag usap, kahit isang beses, hindi sya nawala sa isip ko.
Maybe some people really stay, not in your life, but in your heart.
Alam nyo what I learned sa story na meron ako?
"That some stories don't have an ending, they just stop in the middle... and you're left wondering what could have been"
Vee