22/07/2025
Bakit ka laging nakangiti kapag naninira ka ng tao? Bakit tila masarap sa'yo ang pagsiksik sa pangalan ng iba sa mga usapang wala naman silang kinalaman? Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba kinikilabutan?
Baka sa mundo, iniisip mong matalino ka. Maangas. Laging may alam Pero sa paningin ni Allah, para kang hayop na nilalapastangan ang bangkay ng sarili mong kapatid.
Hindi mo siya sinasaktan ng kamao pero binubura mo siya gamit ang dila mo.
Hindi mo siya sinasampal pero ginugupo mo ang kanyang dignidad habang hindi siya nakaharap, At pinagtatawanan ninyo? Ginagawang aliwan ang pangalan ng taong hindi niyo kayang harapin?
sinabi ni Allah swt sa Quran
وَلَا يَغْتَب بَّعْضُكُم بَعْضًا ۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمْ أَن يَأْكُلَ لَحْمَ أَخِيهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوهُ ۚ
At huwag manirang-puri ang iba sa inyo. Ibig ba ng sinuman sa inyo na kainin ang laman ng kanyang kapatid na patay? Kayo'y mandidiri
Surah Al-Hujurat
Pero bat parang hindi ka nandidiri?
Bakit parang proud ka pa?
At lagi mong sinasabi na "Eh totoo naman yung sinabi ko!"
Oo, totoo nga. Kaya nga ghibah. Kung hindi totoo, mas malala buhtan, paninirang-puring walang basehan.
Sinabi ni Prophet Muhammad saw
Kung totoo ang sinabi mo, ikaw ay nag-ghibah. Kung hindi, ikaw ay nanira ng puri.
Sahih Muslim
Ngunit isipin mo ito
Bawat salita mo laban sa kanya ay maaaring maging dahilan para kunin niya ang hasanat mo sa Araw ng Paghuhukom. Oo, darating ang araw na babayaran mo siya hindi ng pera, kundi ng mismong mabubuting gawa mo.
At kung naubos na ang hasanat mo?
Dadalhin mo ang kasalanan niya.
Sahih al-Bukhari
Sa madaling salita, Habang pinapasaya mo ang sarili mo sa paninirang-puri, tinataya mo ang kaluluwa mo.
Kaya kung hindi mo kayang harapin ang taong sinisiraan mo huwag mo nang pag-usapan.
Ang dila mo, maliit lang pero kaya nitong ilibing ang sarili mong aklat ng mga kabutihan.
Takot ka bang kainin ang laman ng patay? Pero bakit hindi ka takot kainin ang puri ng kapwa mo?, ang panlilibak ay isang kasalanang ginagawa ng bibig, pero ang pinapatay ay ang puso ng iba, at kalaunan, ng sarili mo, Habang iniisa-isa mo ang kasalanan ng iba, unti-unti mo namang sinusunog ang sarili mong mga gagandang gawain? Habang sinasaktan mo ang dangal ng kapatid mong wala,
para kang nilamon na ng kasalanan na hindi mo na naamoy ang sarili mong bulok.
Ang panlilibak ay hindi "opinyon" Isa itong pagkain ng laman habang buhay pa ang kapatid mo.
Tandaan mo
Hindi mo kailangang pumatay para maging mamatay-tao. Minsan sapat na ang dila.
ctto.