04/07/2026
๐๐ก๐ ๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ข ๐๐ญ ๐๐๐.๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฐ๐ฌ ๐
๐ฆ: ๐ก๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด
โMay mga kuwentong isinusulat sa papel. May mga kuwentong ipinapaanod sa himpapawid. Ngunit may mga pagkakataong ang dalawang ito ay nagtatagpo upang maging iisang tinig na tagapaghatid ng katotohanan.
โ
โSa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST), nitong Hulyo 1, 2026, sa loob ng kampus. Isang makabuluhang kolaborasyon ang namayani nang magsanib-puwersa ang The Escribi, official publication ng College of Teacher Education (CTE) at College of Liberal Arts (CLA) at ang 106.7 Marino News FM, himpilang pangradyo na pinamamahalaan ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST). Isang pagtatagpong nagbuklod sa tinta at tinig, upang sama-samang maihatid ang bawat mahalagang pangyayari sa selebrasyon sa buong pamayanang ZSCMSTians.
โ
โPinangunahan ni Mrs. Jewel Reyes ang pangkat ng 106.7 Marino News FM, katuwang ang mga mamamahayag ng The Escribi sa pagbibigay ng real-time na impormasyon, panayam, dokumentasyon, at mga kuwentong sumasalamin sa pitumpung taong paglalayag ng institusyon. Sa magkaibang anyo ng pamamahayagโnakasulat at pasalitaโiisa ang kanilang layunin: tiyaking walang mahalagang sandaling lilipas nang hindi naitatala at naipararating sa buong komunidad ng ZSCMST.
โ
โSa bawat pag-ikot ng kamera at paghawak sa mikropono nabuo ang isang larawang sumasalamin sa tunay na diwa ng pamamahayagโang maging saksi sa kasaysayan habang ito ay nagaganap. Habang ang The Escribi ay maingat na naghahabi ng mga salita sa bawat balita at tampok na artikulo, binibigyang-buhay naman ng 106.7 Marino News FM ang mga ito sa pamamagitan ng tinig na umaabot sa iba't ibang sulok ng pamantasan.
โ
โHindi lamang ito naging pagsasanib ng dalawang media platform. Isa itong pagpapatunay na ang pamamahayag ay walang kinikilalang hangganan. Maaaring magkaiba ang kanilang daluyan, ngunit iisa ang kanilang direksiyon: ang ihatid ang katotohanan nang may integridad, ang itampok ang mga kuwentong dapat marinig, at ang gawing buhay ang bawat sandaling magiging bahagi ng kasaysayan ng pamantasan.
โ
โSa likod ng bawat ulat ay mga kabataang mamamahayag at tagapagbalita na pinagbubuklod ng iisang adhikainโang maglingkod. Walang nangingibabaw na tinta sa tinig, at walang tinig na nilalamon ang tinta. Sa halip, kapwa nila pinagyayaman ang bawat salaysay, pinupunan ang kakulangan ng isa't isa, at pinatitibay ang pundasyon ng responsableng pamamahayag.
โ
โSa huli, ang kanilang pagsasanib ay hindi lamang naghatid ng balita. Naging paalala rin ito na ang pinakamahuhusay na kuwento ay hindi nabubuo sa iisang panulat o mikropono lamang. Nabubuo ang mga ito kapag ang iba't ibang tinig ay nagkakaisa para sa iisang layuninโang maging buhay na tala ng kasaysayan at tapat na tagapaghatid ng kuwento ng pamayanang ZSCMST.
โ
๐๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: ๐๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ฏ ๐๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ
๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: ๐๐ข๐ต๐ช๐ฎ๐ข ๐๐ช๐ณ๐ช๐ด๐ฉ ๐๐ฃ๐ด๐ข๐ณ๐ช
_
Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology
Zscmst Public Information and Communication Office - PICO
Zscmst - College of Teacher Education
ZSCMST-College of Liberal Arts
106.7marino news fm