31/08/2025
Sa bawat institusyon ng gobyerno, mayroong malaking responsibilidad na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Sa gitna ng mga hamon tulad ng pagbaha, mahalaga na ang mga proyekto tulad ng flood control na maisakatuparan nang may kahusayan at katapatan.
Ang kinabukasan ng ating bayan, lalo na ng kabataan ay nakasalalay sa kung paano natin pangangalagaan ang mga proyektong makatutulong sa pag-unlad at kaligtasan ng ating komunidad. Sama-sama nating isulong ang isang lipunan nang may malasakit sa kapakanan ng lahat.
Saludo po kami sa mga taong may malasakit sa paggawa at pagtulong!
Mag-ingat po tayo sa lahat ng panahon lalong-lalo na sa panahon ng bagyo. Isang paalala mula sa Ang Umaga Patnugutan.
Konsepto at Guhit: Ella Pauline A. Racaza
Pagkukulay: Mary Rigel D. Enoy
Kapsyon: Riyannah Jeia Fiel B. Ko
Tagapayo: Gng. Lorraine C. Carvajal