23/10/2025
Speaking of utang:
May worst and traumatic experience kami dito,
Hindi lang 500 peso or 1 000 peso ang usapan na OK lang kahit di bayaran medyo Di masakit sa bulsa, but its very big amount of money kung sana binili na lang namin yun ng gold mas mataas na ang value ngayun nagagamit pa namin..
Nung mangungutang pa lang, halos buong angkan ang ipakausap sa amin para pautangin siya.. Ako naman naniwala kasi nga halos buong angkan ba naman ang nakikiusap na pautangin, tulungan siya, lahat ng mga pangako sinasabi ehh kami naman na t@ng@ naniwala siyempre "pamilya" daw kuno kailangan tulungan. Nung pinautang na ang p3st3 nagka amnisya na..Mga 1 or 2 buwan medyo pero super bihira may update-update pa pero katagalan wala na..galit pa kapag sinisingil, Di ba ang kapal ng mukha makapal pa sa sementadong dingding.. tapos halos Di na nagpaparamdam, wala na update kung kailan niya bayaran kahit lahat ng mga nakiusap sa amin wala din update samantalang noong nangungutang pa lang nangako na bayaran..alam na alam nila na kailangan na Kailangan namin ng pera that time para sa kasal namin..
demanding pa ang p3st3 mas malaking amount pa ang gusto at this time, mangungutang naman ulit..Diyos ko Lord nagpaka hirap kami dito sa abroad tapos uutangin mo lang..Di mo naman binabayaran nasaan ang konsenya mo
Ito pa ang worst, di pa nga na bayaran kahit piso ang unang utang, mangungutang na naman ulit, at this time mas malaki na kaysa dati niyang inutangan, same process lahat ng angkan na naman nakikiusap, puro pangako pero naging pako ..saan kaya humugot ng kakapalan ng mukha ang !m@l akala sa amin dito sa abroad pinupulot ang pera..
Di porket parehas kaming may trabaho marami daw kami pera..magulang ko nga ichapwera na mula noong nagsama kami.Di na ako nakapadala sa kanila.. kapatid ko na ang nag susustento sa kanila kasi Di na kaya kung panay ako padala sa amin.. naiintindihan nila ang gastusin namin dito
Guess what ilang taon na ang lumipas,
Up until now kahit piso sa unang utang walang na bayaran kaya ang tawag dun amnisya. Sa pangalawa binayaran ng ewan galit pa kapag sinisingil..buti na lang natauhan na ako kasi gusto pa sana ng patatlong beses na uutang..Hindi na katangahan na talaga, kami nagpaka hirap tapos ang !m@l lang makinabang utang daw kuno..Di pa nag prangka na hihingiin na lang..ang k@p@l k@p@l ng mukha
Lesson learn
Kahit sino pa yan kaanak, kapamilya or kaibigan pagdating sa pautang dapat yung credible lang mag bayad ang pautangin..
Sa panahon ngayun ang hirap magtiwala kahit sa mga kaanak o kaibigan pa pagdating sa pera, nako magkaka stress at anxiety lang kayo,
Thank you lahat ng pinaghirapan nyo,
Huwag nyong asahan na bayaran kayo lalo na sa mga kamag anak..kompyansa lang kasi sila, ok lang yan Di bayaran kamag anak lang naman, tulong na lang yan.. yan lagi ang rason..ULUL, pinaghirapan yun uyy hindi yun hiningi lang..May mga pangangailangan din sa pera yun mg inutangan nyo maawa at mahiya kayo..matakot kayo sa KARMA,