28/01/2026
“Sarap ng buhay mo ha, habang
mga kamag-anak mo naghihirap.”
Masakit pakinggan.
Pero mas masakit marinig yan
kapag alam mong hindi naman
ganun kasimple ang kwento.
Because people only see the result.
They don’t see the process.
Sa loob-loob mo,
may tanong ka rin.
Asan ba sila
nung nagpupuyat ka kakaisip paano babangon?
Nung ikaw yung nangungutang
para lang may masimulan?
Nung nangangapa ka
habang tahimik lang silang nanonood?
You didn’t start strong.
You started tired.
Confused.
Scared.
But you still showed up.
Hindi mo naman kailanman sinabi
na ayaw mong tumulong.
Hindi mo rin sinabing madamot ka.
Ang sinasabi mo lang,
kung magbibigay ka,
gusto mo yung bukal sa loob.
Hindi dahil may pressure.
Hindi dahil may sumbat.
Hindi dahil parang obligasyon mong buhatin
ang lahat ng hindi nila inayos.
There’s a big difference
between helping
and being forced to carry what’s not yours.
At oo,
may mga tatawag diyan na “mayabang.”
Mayabang daw kasi marunong ka nang tumanggi.
Mayabang kasi hindi ka na nagpapaikot
sa guilt na tinatawag nilang pamilya.
But setting boundaries is not pride.
It’s self-respect.
Hindi mo kasalanan
kung pinili mong umangat.
You didn’t rise to abandon anyone.
You moved forward because you refused to stay stuck.
At hindi mo obligasyon
na saluhin ang lahat ng hindi nila hinarap.
Because help given under pressure
is no longer help.
Pasan na yan.
And you have every right
to say,
“hanggang dito lang.”